01/05/2026
TIGNAN: Nakahanda na ang ating Parokya sa pagsisimula ng Flores de Mayo ngayong unang araw ng buwan.
Sa pagpasok ng buwan ng Mayo, muling namumukadkad ang ating debosyon sa Mahal na Birheng Maria sa pamamagitan ng Flores de Maria.
Sa bawat bulaklak na iniaalay, dala natin ang ating mga panalangin, pasasalamat, at pag-asa, mga simpleng handog na nagmumula sa pusong tapat at mapagmahal. Nawa’y sa ating pagdiriwang, patuloy tayong akayin ng Mahal na Ina patungo sa kanyang Anak, at patibayin ang ating pananampalataya sa gitna ng hamon ng buhay.
Halina’t sama-sama nating ipagdiwang ang kagandahan ng pananampalataya at debosyon, isang alay ng pag-ibig, isang bulaklak ng pag-asa.
VIVA LA VIRGEN!