Kabataan ni San Martin

Kabataan ni San Martin The official page of Saint Martin de Porres Parish Youth Commission – Diocese of San Pablo.

Tignan: noong Enero 18, 2026. bilang bahagi ng Kapistahan ni Señor Santo Niño, ang Kabataan ni San Martin ay naghandog n...
19/01/2026

Tignan: noong Enero 18, 2026. bilang bahagi ng Kapistahan ni Señor Santo Niño, ang Kabataan ni San Martin ay naghandog ng makulay at masiglang sayaw mula sa parokya patungo sa iba’t ibang chapels, bilang pagpapahayag ng kagalakan, pananampalataya, at debosyon sa Batang Hesus. Viva Señor Santo Niño!

Mula sa Kabataan ni San Martin, taos-puso naming ipinapaabot ang aming mainit at masiglang pagbati sa Kapistahan ni Seño...
18/01/2026

Mula sa Kabataan ni San Martin, taos-puso naming ipinapaabot ang aming mainit at masiglang pagbati sa Kapistahan ni Señor Santo Niño. Nawa’y ang banal na ngiti ng Batang Hesus ay patuloy na magbigay liwanag sa aming pananampalataya at magsilbing paalala ng wagas na pag-ibig, kababaang-loob, at tiwalang dapat naming isabuhay araw-araw.

Sa pagdiriwang na ito, nawa’y mapalapit ang bawat isa sa Panginoon, mapuno ang ating mga tahanan ng kagalakan at kapayapaan, at patibayin ang aming panata bilang kabataan na maglingkod nang may pusong handang magmahal at magbahagi. Viva Señor Santo Niño!

With grateful hearts, We. the youth of Saint Martin de Porres Parish. Joyfully join the whole parish community in celebr...
12/01/2026

With grateful hearts, We. the youth of Saint Martin de Porres Parish. Joyfully join the whole parish community in celebrating the Dedication of our Church and the 29th Canonical Er****on Anniversary of Saint Martin de Porres Parish.

As young servants of the Church, we thank God for 29 years of faith, service, and community rooted in the love and example of Saint Martin de Porres. May this celebration renew our commitment to be active witnesses of Christ. united as one parish family and inspired to continue building the Church through our faith, hope, and service.

Happy 29th Canonical Anniversary, Saint Martin de Porres Parish!

DAKILANG KAPISTAHAN NG PAG-AALAY NG SIMBAHAN NG PAROKYA NI SAN MARTIN DE PORRES AT IKA-29 NA ANIBERSARYO NG KANONIKAL NA...
11/01/2026

DAKILANG KAPISTAHAN NG PAG-AALAY NG SIMBAHAN NG PAROKYA NI SAN MARTIN DE PORRES AT IKA-29 NA ANIBERSARYO NG KANONIKAL NA PAGKATATAG NITO

“Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan, at kapayapaan sa mga taong kinalulugdan Niya.” —Lucas 2:14

Sa biyaya ng Diyos, tayo’y muling tinatawag upang magtipon bilang isang sambayanan ng pananampalataya at pasasalamat. Sama-sama nating ipagdiwang ang kabanalan ng ating simbahan at ang 29 na taon ng biyaya ng ating Parokya, ngayong ika-12 ng Enero 2026 sa ika-7 ng umaga.

Tingnan: Ang Tatlong Hari mula sa Kabataan ni San Martin ay namigay ng mga kendi sa mga parokyano kanina Enero 4, sa uma...
04/01/2026

Tingnan: Ang Tatlong Hari mula sa Kabataan ni San Martin ay namigay ng mga kendi sa mga parokyano kanina Enero 4, sa umagang Misa. Isang simpleng pagbabahagi na nagdala ng saya, ngiti, at diwa ng Pasko sa ating simbahan.


TIGNAN: Ang pagbati ng Kabataan ni San Martin noong Disyembre 24, matapos ang kanilang paglilingkod sa Evening Mass.Mula...
02/01/2026

TIGNAN: Ang pagbati ng Kabataan ni San Martin noong Disyembre 24, matapos ang kanilang paglilingkod sa Evening Mass.

Mula sa Kabataan ni San Martin,
kami po ay bumabati ng isang Merry Christmas!


02/01/2026

TIGNAN: Ang pagbati ng Kabataan ni San Martin noong Disyembre 24, matapos ang kanilang paglilingkod sa Evening Mass.

Mula sa Kabataan ni San Martin,
kami po ay bumabati ng isang Merry Christmas!


Maligayang Bagong Taon!Mula sa Kabataan ni San Martin, nawa’y salubungin natin ang bagong taon na may pusong puno ng pag...
31/12/2025

Maligayang Bagong Taon!

Mula sa Kabataan ni San Martin, nawa’y salubungin natin ang bagong taon na may pusong puno ng pag-asa, pananampalataya, at pagkakaisa. Hiling namin ang patuloy na gabay at pagpapala ng Diyos sa bawat hakbang ng ating paglalakbay, at nawa’y maging taon ito ng mas masigasig na paglilingkod, pagmamahalan, at pagtupad sa Kanyang kalooban. ✨🎉


31/12/2025

Bago matapos ang taon, taos pusong ipinapaabot ng Kabataan ni San Martin ang kanilang pasasalamat sa lahat ng tumulong at naging bahagi upang maisagawa ang kanilang taunang Panunuluyan.

Inaanyayahan namin kayong tunghayan muli ang mga pangalang bumuo sa PANUNULUYAN 2025: The Musical!




Maligayang Pasko!Mula sa Kabataan ni San Martin, taos-puso naming ipinapaabot ang isang mapagpala at masaganang Pasko. N...
25/12/2025

Maligayang Pasko!

Mula sa Kabataan ni San Martin, taos-puso naming ipinapaabot ang isang mapagpala at masaganang Pasko. Nawa’y ang pagsilang ni Hesus sa sabsaban ay maghatid ng pag-ibig at pag-asa sa bawat puso. ✨

Address

Saint Martin De Porres Parish, Saint John Street
San Pedro
4023

Telephone

868-5444

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kabataan ni San Martin posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share