Jesus Lord of All Presbyterian Church

Jesus Lord of All Presbyterian Church To make His name known and proclaim His goodness to the world.

There are days when our hearts feel heavy, when exhaustion and sorrow seem overwhelming. Psalm 6 reminds us that even in...
30/03/2026

There are days when our hearts feel heavy, when exhaustion and sorrow seem overwhelming. Psalm 6 reminds us that even in our weakest moments, we can cry out to God—and He hears us.

David didn’t hide his pain. He was honest about his tears, his fears, and his need for mercy. Yet in the midst of his distress, he found confidence: “The Lord has heard my cry for mercy; the Lord accepts my prayer.” (Psalm 6:9)

This is our hope too. God is not distant from our struggles. He listens, He cares, and He responds with grace. When you feel weary, don’t hold back—pour your heart out to Him. Your tears are seen, your prayers are heard, and His love remains constant.

“Let the little children come to me…” 🤍Smiles, laughter, and little hearts encountering Jesus today. Bata pa man sila, p...
29/03/2026

“Let the little children come to me…” 🤍

Smiles, laughter, and little hearts encountering Jesus today. Bata pa man sila, pero tunay ang desire nila na makilala Ka, Lord.

Thank You, Lord, for moving in their lives. All glory to You 🙏✨

JLOAPC Evangelism 2026 at Berroya Compound, March 29, 2026

“Let the little children come to me, and do not hinder them, for the kingdom of heaven belongs to such as these.” (Matth...
29/03/2026

“Let the little children come to me, and do not hinder them, for the kingdom of heaven belongs to such as these.” (Matthew 19:14) 🤍

Today we witnessed pure joy, simple faith, and hearts open to Jesus. Ang saya makita how these kids received His love with so much excitement and sincerity. Bata man sila, pero Ikaw pa rin, Lord, ang naglalagay ng desire sa kanilang puso to seek You.

Lord, thank You for this opportunity to share Your Word and for every child who came today. All glory belongs to You 🙏

📖 Psalm 4:1–8 Devotion“In peace I will lie down and sleep, for you alone, Lord, make me dwell in safety.” — Psalm 4:8The...
24/03/2026

📖 Psalm 4:1–8 Devotion

“In peace I will lie down and sleep, for you alone, Lord, make me dwell in safety.” — Psalm 4:8

There are moments when life feels overwhelming—when worries keep us awake and answers seem far away. In Psalm 4, David cries out to God in distress, yet he doesn’t stay in anxiety. He remembers who God is—faithful, righteous, and attentive to His children.

Instead of holding on to anger or fear, David invites us to pause, reflect, and trust. He reminds us that true joy doesn’t come from worldly success, but from the presence of God. Even in uncertainty, we can experience peace that surpasses understanding.

Tonight, whatever burdens you carry, bring them before the Lord. Choose to trust instead of worry. God hears you, cares for you, and will give you rest.

✨ Prayer:
Lord, hear my cry and calm my heart. Replace my worries with Your peace and remind me that I am safe in Your hands. Teach me to trust You fully, even when I don’t understand. Amen.

✨ Talata ng Araw – Mga Awit 23:6 ✨“Kabutihan at pag-ibig mo sa aki’y di magkukulang…”Sa gitna ng lahat ng ating pinagdad...
19/03/2026

✨ Talata ng Araw – Mga Awit 23:6 ✨

“Kabutihan at pag-ibig mo sa aki’y di magkukulang…”

Sa gitna ng lahat ng ating pinagdadaanan, may katiyakan tayong hindi tayo iiwan ng kabutihan at pag-ibig ng Diyos. Araw-araw, kasama natin Siya—gumagabay, nag-iingat, at nagbibigay ng kapayapaan. 🙏

Manatili lang tayong tapat at manalig, sapagkat ang presensya ng Panginoon ang tunay nating tahanan. 🕊️

✨ Verse of the Day – 1 Juan 4:4 ✨Mga minamahal, tandaan natin na tayo ay mula sa Diyos. Anuman ang kinakaharap nating pa...
17/03/2026

✨ Verse of the Day – 1 Juan 4:4 ✨

Mga minamahal, tandaan natin na tayo ay mula sa Diyos. Anuman ang kinakaharap nating pagsubok, panlilinlang, o panghihina ng loob—may kapangyarihan tayong taglay sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos na nananahan sa atin.

Mas makapangyarihan ang Diyos na nasa atin kaysa sa anumang bagay sa mundong ito. Kaya huwag tayong matakot, huwag tayong mag-alinlangan. Sa Kanya, tayo ay laging may tagumpay. 🙏

Magtiwala, manindigan, at patuloy na lumakad sa katotohanan. 💛

✨ Verse of the Day – Mga Kawikaan 3:5–6 ✨Minsan sa buhay, gusto nating kontrolin ang lahat at umasa sa sarili nating kak...
16/03/2026

✨ Verse of the Day – Mga Kawikaan 3:5–6 ✨

Minsan sa buhay, gusto nating kontrolin ang lahat at umasa sa sarili nating kakayahan. Ngunit pinaaalalahanan tayo ng talatang ito na magtiwala kay Yahweh nang buong puso at huwag lamang sa sariling karunungan. Kapag isinama natin Siya sa bawat desisyon, plano, at hakbang sa ating buhay, Siya mismo ang gagabay sa tamang landas.

Ang tunay na kapayapaan ay dumarating kapag ipinagkakatiwala natin ang ating buhay sa Diyos. Maaaring hindi natin laging nauunawaan ang nangyayari, ngunit alam natin na ang Diyos ay tapat na gumagabay sa atin.

🙏 Ipagkatiwala natin sa Kanya ang lahat ng ating plano ngayon.








✨ Verse of the Day – Mga Awit 105:1“Dapat na si Yahweh, ating Panginoon, ay pasalamatan, ang kanyang ginawa sa lahat ng ...
16/03/2026

✨ Verse of the Day – Mga Awit 105:1

“Dapat na si Yahweh, ating Panginoon, ay pasalamatan, ang kanyang ginawa sa lahat ng bansa’y dapat ipaalam.”

Isang paalala ang talatang ito na hindi lamang tayo tinawag upang magpasalamat sa Diyos, kundi upang ipahayag din sa iba ang Kanyang kabutihan at mga ginawa sa ating buhay.

Kapag kinikilala natin ang kabutihan ng Panginoon at ibinabahagi ito sa iba, nagiging patotoo tayo ng Kanyang kapangyarihan, pag-ibig, at katapatan. Ang ating buhay ay maaaring maging paraan upang makilala Siya ng mas maraming tao.

Ngayon, magpasalamat tayo sa Panginoon at ipaalam sa iba ang Kanyang kabutihan. 🙏

📖 Verse of the Day“Sa halip, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipaalam ito sa pinakamatalik mong kaibigan.”— Mateo 6:3 ...
05/03/2026

📖 Verse of the Day

“Sa halip, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipaalam ito sa pinakamatalik mong kaibigan.”
— Mateo 6:3 (RTPV05)

Ipinapaalala sa atin ng talatang ito na ang tunay na kabutihan ay hindi ginagawa para mapansin ng iba. Ang pagbibigay at pagtulong ay mas mahalaga kapag ginagawa natin ito nang may kababaang-loob at may pusong nakatuon sa Diyos, hindi sa papuri ng tao.

Nakikita ng Diyos ang bawat mabuting gawa na ginagawa natin kahit walang nakakakita. At Siya ang tunay na nagbibigay ng gantimpala sa tamang panahon. 🤍

Gawin natin ang kabutihan hindi para sa papuri ng tao, kundi para sa kaluwalhatian ng Diyos.

🌅 Verse of the Day – Mga Awit 143:8 (RTPV05)“Ako ay umasa, sa iyo nagtiwala, sa pagsapit ng umaga ay ipagugunita yaong p...
04/03/2026

🌅 Verse of the Day – Mga Awit 143:8 (RTPV05)

“Ako ay umasa, sa iyo nagtiwala, sa pagsapit ng umaga ay ipagugunita yaong pag-ibig mo na lubhang dakila. Ang aking dalangin na sa iyo’y hibik, patnubayan ako sa daang matuwid.”

Sa bawat pagsikat ng araw, pinapaalala sa atin ng talatang ito na ang pag-asa at pagtitiwala sa Panginoon ang ating sandigan. 🌤️
Sa gitna ng pagod, pagsubok, at mga tanong sa buhay, ang Kanyang pag-ibig ang nagbibigay lakas at direksyon.

Simulan natin ang bawat umaga na may pusong nagtitiwala at nananalangin:
“Panginoon, patnubayan Mo ako sa daang matuwid.”

Magtiwala ka. Umasa ka. Siya ang gagabay sa’yo. 🙏✨

✨ Verse of the Day – Josue 1:9 (RTPV05) ✨“Tandaan mo ang bilin ko: Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag k...
03/03/2026

✨ Verse of the Day – Josue 1:9 (RTPV05) ✨

“Tandaan mo ang bilin ko: Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matatakot o mawawalan ng pag-asa sapagkat akong si Yahweh, na iyong Diyos, ay kasama mo saan ka man magpunta.”

Sa bawat pagsubok, sa bawat hamon ng buhay, pinaaalalahanan tayo ng Panginoon na maging matatag at matapang. Hindi man natin alam ang hinaharap, sigurado tayo sa isang bagay — kasama natin ang Diyos saan man tayo dalhin ng ating mga hakbang. 🙏

Kaya huwag matakot. Huwag mawalan ng pag-asa. Ang presensya ng Diyos ang ating lakas at katiyakan.

✨ Verse of the Day ✨📖 Mga Taga-Roma 12:21 (RTPV05)“Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang ma...
02/03/2026

✨ Verse of the Day ✨
📖 Mga Taga-Roma 12:21 (RTPV05)

“Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.”

Sa mundong puno ng pagsubok, galit, at hindi pagkakaunawaan, madali tayong matukso na gumanti o magpadaig sa emosyon. Ngunit malinaw ang paalala ng Panginoon—huwag tayong magpatalo sa masama.

Ang tunay na tagumpay ay hindi nakikita sa paghihiganti, kundi sa pagpili ng kabutihan. Kapag pinili nating magpatawad, umunawa, at magmahal kahit mahirap, doon natin naipapakita ang puso ni Cristo. ❤️

Ngayon, piliin nating daigin ng mabuti ang anumang masama na ating kinakaharap. Sa kabutihan, may kapayapaan. Sa kabutihan, may tagumpay. 🙏

Address

55 Magsaysay Road, San Antonio
San Pedro
4023

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jesus Lord of All Presbyterian Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share