Our Lady of the Most Holy Rosary Parish-Rosario Complex

Our Lady of the Most Holy Rosary Parish-Rosario Complex The Our Lady of the Most Holy Rosary Parish page wishes to impart to its parishioners the plans, activities, and programs of the parish.

🌹 Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria 🌹Ngayong araw, buong galak nating ipinagdiriwang ang pagsilang ng Ma...
07/09/2026

🌹 Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria 🌹

Ngayong araw, buong galak nating ipinagdiriwang ang pagsilang ng Mahal na Birheng Maria—ang Ina ng ating Tagapagligtas at mapagkumbabang lingkod ng Diyos.

Sa kanyang pagsilang, nagsimulang mamukadkad ang isang buhay na magiging bahagi ng dakilang plano ng Diyos para sa ating kaligtasan. Nawa’y tularan natin ang kanyang kababaang-loob, pananampalataya, at buong pagtitiwala sa Diyos.

Sa bawat araw ng ating buhay, nawa’y matuto rin tayong magsabi ng ating sariling “Oo” sa kalooban ng Diyos, tulad ni Maria.

Mahal na Birheng Maria, Ina ng Diyos at Ina namin, ipanalangin mo kami! 🙏

Narito ang ating programa para sa pagdiriwang ng ating ika-41 Kapistahan. ✨Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa at...
07/09/2026

Narito ang ating programa para sa pagdiriwang ng ating ika-41 Kapistahan. ✨
Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa at makibahagi sa iba't ibang gawaing inihanda bilang pasasalamat at pagpupugay sa ating Ina, ang Mahal na Birheng Maria ng Kabanal-banalang Rosaryo. Magkita-kita po tayo! 🙏💙

Sa pagtatapos ng ating nobenaryo, sama-sama tayong magpasalamat at magdiwang sa biyayang hatid ng pagsilang ng ating Mah...
06/09/2026

Sa pagtatapos ng ating nobenaryo, sama-sama tayong magpasalamat at magdiwang sa biyayang hatid ng pagsilang ng ating Mahal na Ina. Halina’t makiisa sa banal na Misa bilang tanda ng ating debosyon at pagmamahal kay Maria. 💙

06/09/2026

Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon | Setyembre 6, 2026

‼️ANUNSYO | CANCELLED DAWN PROCESSION‼️Dahilan po sa inaasahan na mga pag-ulan hanggang sa mga susunod na araw, ang atin...
04/09/2026

‼️ANUNSYO | CANCELLED DAWN PROCESSION‼️

Dahilan po sa inaasahan na mga pag-ulan hanggang sa mga susunod na araw, ang ating Dawn Procession bukas ng umaga ay KANSELADO.

Gayunman, mananatili po ang ating Banal na Misa sa ganap na ika-7:00 ng umaga, kasama ang panalangin ng Santo Rosaryo sa ika-6:00 ng umaga at Nobena sa Kapanganakan ni Inang Maria sa ika-6:30 ng umaga.

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa ating pagdiriwang at ipanalangin ang kaligtasan ng bawat isa.

Paanyaya para sa ating Dawn ProcessionInaanyayahan po ang lahat na makiisa sa ating Dawn Procession bilang parangal sa M...
01/09/2026

Paanyaya para sa ating Dawn Procession

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa ating Dawn Procession bilang parangal sa Mahal na Birheng Maria ngayong September 5, 2026, 5:00 ng umaga.

Sama-sama po tayo para sa isang umaga ng panalangin at debosyon.

💙 Faith, Friendship, and Fellowship! 💙Naganap kahapon ang ating Youth Fellowship ng Parish Youth Commission! 🥳✨Isang ara...
31/08/2026

💙 Faith, Friendship, and Fellowship! 💙
Naganap kahapon ang ating Youth Fellowship ng Parish Youth Commission! 🥳✨

Isang araw na puno ng kwentuhan, tawanan, bagong kakilala, at syempre, sama-samang pagpupuri sa Panginoon. 🙏❤️

Sa pamamagitan ng ating Bible verse:

“Kung paanong kayo’y malugod na tinanggap ni Cristo, tanggapin ninyo ang isa’t isa upang mapapurihan ang Diyos.” — Romans 15:7

Naging pagkakataon ang fellowship na ito para mas makilala natin ang isa’t isa, magkaroon ng bagong friendships, at matutunan ang kahalagahan ng pagtanggap sa bawat isa. 🤝

Dahil ang tunay na friendship ay hindi lang tungkol sa saya at tawanan, kundi tungkol din sa pagtanggap, pag-unawa, at sabay-sabay na paglalakbay kasama si Kristo. ✨

Maraming salamat sa lahat ng nakisama at naging bahagi ng ating fellowship! 💙

More friendships, more memories, and more moments with Christ! 🙌


PAANYAYA PARA SA LAHAT: ~LAKBAY NI MARIA 2026~Kaugnay sa nalalapit na pagdiriwang ng ating Ika-41 Kapistahan ng Mahal na...
31/08/2026

PAANYAYA PARA SA LAHAT: ~LAKBAY NI MARIA 2026~

Kaugnay sa nalalapit na pagdiriwang ng ating Ika-41 Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo, buong galak po nating inaanyayahan ang lahat na makiisa sa “Lakbay ni Maria 2026.”

Simula po sa Setyembre 8, 2026, at sa mga susunod na Martes ng nasabing buwan, ang ating Mahal na Birhen ay dadalhin at ilalagak sa isang pamilya na kumakatawan sa bawat pangkat ng tig-tatlong BEC.w Mananatili po sa kanila ang imahen ng ating Mahal na Ina sa loob ng isang linggo.

Narito po ang iskedyul ng Lakbay ni Maria 2026:

📅 SETYEMBRE 8
BEC 4, 5, 6 - c/o Tongcua Family

📅 SETYEMBRE 15
BEC 1, 2, 3 - c/o Cirera Family

📅 SETYEMBRE 22
BEC 7, 8, 9 - c/o Clemenia Family

📅 SETYEMBRE 29
Barangay Rosario Hall

⛪ May Banal na Misa sa ganap na ika-7:00 ng umaga bago ang pagpunta ng Mahal na Birhen sa mga BEC.

Inaanyayahan po ang bawat pamilya at bawat kasapi ng ating pamayanan na makiisa sa panalangin at pagtanggap sa ating Mahal na Ina.

Halina’t samahan natin si Maria sa kanyang paglalakbay sa ating pamayanan—isang paglalakbay ng pananampalataya, panalangin, pagkakaisa, at pagmamahal tungo kay Hesus. 🙏💙🤍

PAANYAYA: 2000 HAIL MARYSa pagdiriwang ng Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria, inaanyayahan ang lahat na m...
30/08/2026

PAANYAYA: 2000 HAIL MARY

Sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria, inaanyayahan ang lahat na makiisa sa ating 2000 Hail Mary, isang sama-samang pananalangin at pag-aalay ng ating mga kahilingan, pasasalamat, at buong buhay sa pamamagitan ng pamamagitan ni Maria.

📅 Setyembre 8, 2026
📿 2,000 Hail Mary
💙 Sama-sama nating ipanalangin ang ating mga pamilya, pamayanan, Simbahan, at ang lahat ng ating mga intensyon.

30/08/2026

Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon

Address

Rosario Complex
San Pedro
4023

Telephone

8083025

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Lady of the Most Holy Rosary Parish-Rosario Complex posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share