21/02/2024
KUMPISALANG BAYAN
Natatandaan mo pa ba kung kailan ka huling nakapag-kumpisal?
Isa sa pinakamainam nating gawin ngayong panahon ng Kuwaresma ay ang pag-amin at pagsisisi sa ating mga nagawang kasalanan, upang ating talikuran ang mga maling gawain, at magbagong-buhay.
Kaya’t sa darating na ika-21 ng Pebrero, araw ng Miyerkules, sa ganap na ika-7 ng gabi, inaanyayahan ang lahat sa ating parokya na makiisa sa Kumpisalang Bayan. Ito ay bilang paghahanda sa ating mga puso at pagdadalisay sa ating mga kaluluwa upang tayo ay maging handa na tanggapin ang ating Panginoon sa Kanyang maluwalhating pagdating sa Pasko ng Muling Pagkabuhay.
SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy.Landayan, City of San Pedro Laguna
Visit the shrine's official website - lolouwengshrine.com
Social Communications Ministry