24/04/2026
CTTO - DAPAT MO ITONG MAUNAWAAN KUNG IKAW AY NASA MINISTRY.
Ministry is a privilege. It's not because of what we can offer but because we're doing it for God.
And I want to share the things I've learned in Ministry.
1. Hindi ka palaging MOTIVATED pero kailangan mong maging CONSISTENT.
Hindi ka dapat palaging nakabase sa motivation.
May mga times talaga na discouraged ka pero kailangan mong piliing mag-serve kasi commitment yun.
You need to be consistent even if you're unmotivated.
2. SERVING is not equal to your CLOSENESS to God.
Magkaibang bagay yun. Yung pagtugtog na ginagawa natin halimbawa, iba yun doon sa personal relationship mo kay Lord. Posible na tutugtog ka tapos wala kang prayer life, na hindi okay yung relasyon mo.
Posible yun pero huwag mong gagawin kasi maaapektuhan yung buong ministry. Maaapektuhan yung congregation.
Hindi ibig sabihin na nagseserve tayo, close na tayo kay Lord.
3. May mga araw na MAPAPAGOD ka talaga kahit ginagawa mo ito para sa Diyos.
Nasa pisikal tayong katawan. Malamang sa malamang, may times talagang mapapagod ka and may times talagang kailangan mong mag-rest for a bit, matulog halimbawa.
Pero for me, I stand with remembering that you're committed.
You're committed to serving.
That's why I'm continuously doing it.
Mapapagod pero hindi susuko.
4. Hindi lahat ng kasama mo ay MAKAKASUNDO mo.
Magkakaiba tayo ng pinanggalingan, magkakaiba tayo ng mga kulturang kinalakihan. So ang kailangan ninyong gawin is mag-unawaan, magkaroon ng humility, maging willing magpa-correct at dapat always rooted sa Word ang mga desisyon.
5. DISCIPLINE is greater than FEELINGS.
Feelings is deceiving. Nasa katawan tayo eh. Kumbaga maaari kang madeceive ng kung ano ang nararamdaman mo.
What matters most is your discipline and you being rooted to the Word.
So maging disiplinado tayo.
Hindi feelings lagi ang basehan para gawin ang mga bagay na magpapalago sa relationship natin sa Lord.
God bless.