01/05/2026
Araw ng mga Deboto | Araw ng Debosyon
Lolo Uweng ;
PANALANGIN KAY HESUS SA SANTO SEPULKRO
O Hesus, sa pagkakasala ng tao, Ikaw ay isinugo ng Diyos Amang puspos ng awa at pagmamahal upang tubusin ang sangkatauhan sa pagkakalugmok sa kasalanan. Sinasamba at pinasasalamatan Ka namin. Ngayong kami ay tigib ng hapis dito sa lupa, habang aming pinagninilayan ang mga sandaling Ikaw ay nakahimlay sa Iyong banal na libingan, at alang-alang sa paghihirap na Iyong tiniis at sa mga biyayang tinamo Mo para sa aming kaligtasan, dumudulog kami sa Iyo, hinihiling namin na ipagkaloob Mo ang aming pinakamimithing grasya sa mga oras na ito.
(Tahimik na babanggitin ang mga personal na kahilingan)
Ipagkaloob Mo Panginoong Hesukristo, na tulad Mo: Kami ay patuloy na maging bukas sa kalooban ng Diyos Amang nasa langit; magkaroon ng kababaang-loob sa oras ng kahinaan at pagkakasala upang patakbo at puno ng pagsisisi, kami ay buong pusong magbalik-loob sa Iyo; na mamuhay ng may di matitinag na pananampalataya at pag-asa; ng may pagmamahal at paghahangad na maglingkod at mag-alay ng sarili sa aming kapwa gaya ng ginawa Mo sa amin. Nagsusumamo kami Panginoong Hesus na nakahimlay sa banal na libingan, na sa pagsapit ng sandali ng katapusan ng amin buhay dito sa lupa, matamo nawa namin, sa langit Mong tahanan, ang bunga ng Iyong ginawang pagliligtas. Sapagkat Ikaw ay Diyos na nabuhay na mag-uli, at ngayoโy naghahari sa Iyong kaluwalhatian kasama ng Espiritu Santo at ng lahat ng mga Banal, magpasawalang hanggan. Amen.
Lolo Uweng, kaawaan Mo kami!
Viva Mahal na Senyor! Viva Lolo Uweng!
Shrine of Jesus in the Holy Sepulchre
Sto. Sepulcro Parish
Brgy. Landayan, City of San Pedro, Laguna