Pillar Family Bayan-Bayanan

Pillar Family Bayan-Bayanan All for the Glory of God

25/05/2026

👋☺️Mapagpalang Umaga!

Ka Pillar Family Bayan-Bayanan

Day 16 na! Isipin mo 'to: Kung gagamitin lang natin ang sarili nating lakas para harapin ang buhay, mapapagod lang tayo talaga. Pero kapag may kapangyarihan at "Anointing" tayo mula sa Espiritu Santo? Ang mahirap, nagiging madali!

​DAY 16 - God's Power and Anointing

​📖 Scripture: Acts 1:8 - Ngunit tatanggapin ninyo ang kapangyarihan pagdating sa inyo ng Espiritu Santo; at kayo'y magiging aking mga saksi sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahuli-hulihang bahagi ng lupa.

​Ang Focus Natin Ngayon:

🙏 Ask for fresh anointing: Hilingin natin na punuin tayo muli ni Lord ng Iyong Espiritu ngayong araw.

🙏 Pray for power of the Holy Spirit: Humingi tayo ng lakas laban sa tukso, kapaguran, at sa ating mga kahinaan.

​🙏Pray for boldness: Ipanalangin natin ang tapang na manindigan tayo para sa tama at maging saksi ng kabutihan ng Diyos.
​Hindi tayo mahina, may saksakan ng lakas ng Diyos sa loob natin! ⚡💪

​This is the confidence we have in approaching God: that if we ask anything according to His will, He hears us.



24/05/2026

👋☺️​Mapagpalang Umaga!

Ka Pillar Family Bayan-Bayanan

​Welcome sa huling linggo, Week 3 ng ating Journey! Ngayong Day 15, oras na para mag-level up tayo. Huwag tayong pumayag na nananatili tayong "baby" sa pananampalataya. Oras na para lumalim ang relasyon natin kay Lord.

Day 15 - Spiritual Growth

📖 Colosas 1:10 - Upang kayo ay lumakad nang karapat-dapat sa Panginoon, na lubos na nakakalugod sa Kanya, na nagbubunga sa bawat mabuting gawa, at lumalago sa
pagkakilala sa Diyos.

​Ang Focus Natin Ngayon:

​📖 Grow in the Word: Bigyan natin ng gutom ang ating puso na magbasa at umunawa ng Bibliya araw-araw.

​🙏 Grow in prayer: Gawin nating habit ang pakikipag-usap kay Lord, hindi lang tuwing may kailangan tayo.

​🔥 Grow in faith: Ipanalangin natin na mas lumawak ang tiwala natin sa

Kanya kahit sa gitna ng unos.
​Level up ang pananampalataya natin ngayong linggo, walang maiiwang urong!

​This is the confidence we have in approaching God: that if we ask anything according to His will, He hears us.



23/05/2026

👋☺️​Mapagpalang Umaga!

Ka Pillar Family Bayan-Bayanan

​Day 14—yehey, Week 2 done! Sa mundong punung-puno ng "overthinking" at "anxiety," ang kapayapaan mula kay Lord ang pinakamagandang regalo para sa atin. Safe ang ating puso at isip sa Kanya.

​📖 Scripture: Isaiah 26:3
Iyong iingatan siya sa ganap na kapayapaan, na ang pag-iisip ay nananatili sa Iyo;
sapagkat siya ay nagtitiwala sa Iyo.

​Ang Focus Natin Ngayon:

​🧠 Pray for peace of mind: Alisin natin ang gulo ng ating isip at palitan natin ito ng kalmado at tahimik na puso.

​🛑 Remove stress and anxiety: Layasan natin ang takot sa bukas at ang mga "paano kung" na nagnanakaw ng ating tulog.

​😊 Pray for joy and happiness: Hilingin natin ang saya na hindi nakadepende sa laman ng wallet, kundi sa presensya ni Lord.

​Matulog nang mahimbing, gising nang may ngiti. Bantay-sarado tayo ni Lord!

​This is the confidence we have in approaching
God: that if we ask anything according to His will, He hears us.



23/05/2026

👋☺️​Mapagpalang Umaga!

Ka Pillar Family Bayan-Bayanan

​Day 14—yehey, Week 2 done! Sa mundong punung-puno ng "overthinking" at "anxiety,"
ang kapayapaan mula kay Lord ang pinakamagandang regalo para sa atin. Safe ang ating puso at isip sa Kanya.

Day 14 - Peace & Joy

​📖 Isaiah 26:3
Iyong iingatan siya sa ganap na kapayapaan, na ang pag-iisip ay nananatili sa Iyo;
sapagkat siya ay nagtitiwala sa Iyo.

​Ang Focus Natin Ngayon:

​🙏 Pray for peace of mind: Alisin natin ang gulo ng ating isip at palitan natin ito ng kalmado at tahimik na puso.

​🛑 Remove stress and anxiety: Layasan natin ang takot sa bukas at ang mga "paano kung" na nagnanakaw ng ating tulog.

​🙏 Pray for joy and happiness: Hilingin natin ang saya na hindi nakadepende sa laman ng wallet, kundi sa presensya ni Lord.

​Matulog nang mahimbing, gising nang may ngiti. Bantay-sarado tayo ni Lord!

​This is the confidence we have in approaching God: that if we ask anything according
to His will, He hears us.



22/05/2026

👋☺️​Mapagpalang Umaga! Ka Pillar Family Bayan-Bayanan

Welcome sa Day 13! May mga pinto sa buhay na kahit anong pilit nating itulak o sipain, ayaw magbukas sa sarili nating diskarte.

Pero kapag "Divine Favour" na ni Lord ang gumalaw para sa atin? Kusa silang magbubukas nang walang kahirap-hirap!

Day 13 - Divine Favour

📖 Psalm 5:12 - Sapagkat Iyong pinagpapala ang matuwid, O Panginoon; Iyong lilikupan siya ng pabor na gaya ng isang kalasag.

Ang Focus Natin Ngayon:
✨ Pray for favour before God and man: Ipanalangin natin na magustuhan at pagkatiwalaan tayo ng mga tao—mula sa boss hanggang sa teachers.

✨Pray for supernatural opportunities: Hilingin natin ang mga biglaang pabor at pambihirang blessings na galing sa Langit.

✨Ask God to position you for greatness: Ipagkatiwala natin kay Lord na ilagay tayo sa tamang lugar para sa malaking tagumpay.
Hindi natin kailangang makipag-unahan, pabor ni Lord ang mag-aangat sa atin! 🙌

This is the confidence we have in approaching God: that if we ask anything according to His will, He hears us.



21/05/2026

👋☺️​Mapagpalang Umaga!

Ka Pillar Family Bayan-Bayanan

​Day 12 na! Hugot muna tayo:
Masakit kapag ang "effort" natin walang "return," 'di ba?

Mabuti na lang, ayaw ni Lord na maging tuyot ang ating buhay. Ang utos Niya sa atin? Mag-multiply at magbunga tayo sa lahat ng aspeto!

DAY 12 - Fruitfulness

​Genesis 1:28 - At sila'y pinagpala ng Diyos, at sinabi ng Diyos sa kanila, Magpalaanakin kayo, at magparami, at punuin ninyo ang lupa, at inyong supilin; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawat buhay na bagay na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.

​Ang Focus Natin Ngayon:

​🌱 Pray for fruitfulness in all areas:

Ipanalangin natin ang paglago sa ating pitaka, school grades, emosyon, at relasyon kay Lord.

​🛑 Cancel barrenness and stagnation:

Putulin natin ang pakiramdam na "stuck" tayo o walang nangyayari sa ating buhay.

​💼 Pray for productivity:

Hilingin natin na maging super creative at masipag tayo sa bawat diskarte natin ngayon.​Tapos na ang season ng tagtuyot. Ihanda na natin ang basket, dahil dadagsa ang bunga!

​This is the confidence we have in approaching God: that if we ask anything according to His will, He hears us.



20/05/2026

👋☺️ ​Mapagpalang Umaga!

Ka Pillar Family Bayan-Bayanan

​Day 11 na! Alam mo ba kung anong pinakamasarap na feeling?

Yung alam nating talo na ang kalaban bago pa magsimula ang laban. Hindi tayo nag-aayuno para manalo nag-aayuno tayo dahil panalo natayo kay Jesus! Kaya bawal ang nega at takot sa pamilya natin.

DAY 11 - Victory over the Enemy

Luke 10:19 - Narito, binigyan ko kayo ng kapamahalaan na tapakan ang mga ahas at mga alakdan, at sa ibabaw ng lahat ng kapangyarihan ng kaaway, at walang anumang makakapinsala sa inyo.

​Ang Focus Natin Ngayon:

​🛡️ Victory over satanic attacks: I-deklara natin ang total protections
ating pamilya, isip, at kalusugan ngayon.

​🛑 Destroy evil altars: Putulin natin ang anumang chains ng sumpa,
o negatibong cycle sa buhay.

​Declare victory in Christ: Manindigan tayo na "game over" na ang
kaaway dahil mas powerful si Lord sa atin!

​Kapag si Lord ang kakampi, kahit anong gulo ng mundo,
panalo pa rin tayo! Tapakan ang takot.

​This is the confidence we have in approaching.
God: that if we ask anything according to His will, He hears us.



19/05/2026

👋☺️ Mapagpalang Umaga!

Ka Pillar Family Bayan-Bayanan

​Day 10 na sa ating 21-Day Journey! Ngayong araw,
palakasin natin ang ating pagtitiwala.

Ang pananampalataya ay hindi lang basta pag-asa; ito ay
ang buong-pusong pag-asa na kayang gawin ni Lord ang
imposible sa buhay natin. ⚓✨

DAY 10 : Faith & Trust in God

At kung walang pananampalataya, hindi maaaring kalugdan
ng Diyos ang tao; sapagkat ang sinumang lumalapit sa Kanya
ay dapat sumampalatayang may Diyos, at Siya ang nagbibigay
ng gantimpala sa mga naghahanap sa Kanya."(Hebreo 11:6)

​Ang Focus Natin Ngayon:

🔥 Palaguin ang Pananampalataya: Lord, dagdagan Mo po ang
faith namin para mas magtiwala kami sa mga plano Mo.

🛑 Alisin ang Alinlangan at Takot: Layasan ang mga "paano kung"
at ang takot sa bukas. Palitan natin ito ng lakas ng loob.

✨ Umasa sa Milagro:
Maniwala at mag-abang sa mga sagot at milagro na si Lord lang
ang pwedeng gumawa.

​Ituloy natin ang laban, pamilya!
Walang imposible sa pusong nagtitiwala sa Kanya 💪🙌




This is the confidence we have in approaching
God : that if we ask anything according to His will, He hears us.

18/05/2026

👋☺️Mapagpalang Umaga!

Ka Pillar Family Bayan-Bayanan

​Day 9 na sa ating 21-Day Journey! Ngayong araw, dalahin natin kay Lord ang ating mga sakit, kapaguran, at mga nawalang pagkakataon. Siya ang Diyos na nagpapagaling at nagbabalik ng lahat.

DAY 9 -Healing and Restoration

Sapagkat ibabalik ko ang iyong kalusugan, at pagagalingin ko ang iyong mga sugat, sabi ng Panginoon. (Jeremias 30:17)

​Ang Focus Natin Ngayon:

✅️Kalusugan: Ipanalangin ang paggaling ng katawan at kapayapaan ng isip laban sa stress o pag-aalala.

✅️Pagbabalik: Hilingin kay Lord na higitan at bawiin ang mga taon, pangarap, o oportunidad na nawala at nasayang.

✅️Lakas: Humingi ng bagong lakas sa mga sandaling pakiramdam mo ay pagod ka na.

​May healing at restoration na darating ngayon. Kapit lang, pamilya! 💪🙌

This is the confidence we have in approaching God : that if we ask anything according to His will, He hears us.




Worship Team in Different angles
18/05/2026

Worship Team in Different angles

Building confident teachers and joyful young worshippers one step at a time. A blessed and meaningful Teachers’ Seminar ...
18/05/2026

Building confident teachers and joyful young worshippers one step at a time.

A blessed and meaningful Teachers’ Seminar & Children’s Dance Workshop indeed!

Address

Bayan Bayanan
San Pedro
4023

Opening Hours

9am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pillar Family Bayan-Bayanan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share