PBBC - Upper Village

PBBC - Upper Village Bible Believing Church

Happy birthday Sis Gina!🎉 May God bless you abundantly, guide you always, and give you joy and strength. God bless! 🙏
27/08/2026

Happy birthday Sis Gina!🎉 May God bless you abundantly, guide you always, and give you joy and strength. God bless! 🙏

MORNING AND EVENING WORSHIP SERVICE | 08.23.2026
25/08/2026

MORNING AND EVENING WORSHIP SERVICE | 08.23.2026

23/08/2026

Song Offering- Be strong in the Lord

23/08/2026

Main Choir- Continuing The Mission

23/08/2026

Junior Choir- Bata man

Evening ServicePr. Jimson Book “Perseverance”John 10:28-29 And I give unto them eternal life; and they shall never peris...
23/08/2026

Evening Service

Pr. Jimson Book

“Perseverance”

John 10:28-29 And I give unto them eternal life; and they shall never perish, neither shall any man pluck them out of my hand.

Sa panahon natin ngayon ito ang nagiging problema na hinaharap ng mga kristyano.
Sobrang dami na kasing mga aspect na pwede maging distraction sa mga kristyano ngayon.

Mas marami dapat tayong dahilan para magpatuloy. Pero ang katotohanan madaming mga kristyano ang humihinto na at hindi na nag persevere.

Ito ang mga ilan sa dahilan kung bakit ang isang kristyano ay hindi na mag persevere:

-Sickness
baka may nararamdaman tayo na sakit na maaring magpahinto sa atin para mag patuloy.
-Worldly distractions
- Comfort
-Persecutions
-Hypocrisy
-Church hurt
-Gossip
-Guilt

Can we lose our salvation?
THERE ARE SOME THINGS A CHRISTIAN CAN LOSE

1. A christian can lose his Joy
Psalms 51:12 Restore unto me the joy of thy salvation; and uphold me with thy free spirit.
Notice, he had not lost his salvation, but he had lost the joy of it.

Yung kagalakan na lagi kang active sa gawain gusto mo lagi mag choir, pag may saturation gusto mo kasama ka.
Dadating yung araw na mawawalan tayo ng joy, nawawala yung motivation. Parang any other day nalang ang pag samba.

2. A person can lose his fellowship with God.
Psalms 51:11 Cast me not away from thy presence; and take not thy holy spirit from me.

Nawawala ang fellowship natin sa Panginoon pag nasa mga gawain tayo na hindi maganda. That is something na dapat hindi natin gustuhin.
Pag wala tayo sa presence ng Panginoon madali tayo ma target ng kalaban.

3. A Christian can lose his influence.
4. A Christian can lose his peace.

5. A Christian can lose his reward.
The Bible teaches us that salvation is by grace, but rewards are earned. The Christian by his life may lose his rewards.

There’s one thing we cannot lose and that is salvation.
1. A Christian cannot lose his soul God Himself has said so.

Jude 1:24 Now unto him that is able to keep you from falling, and to present you faultless before the presence of his glory with exceeding joy,

2. A Christian cannot lose his salvation because the life that God gives is eternal life.
John 3:16 For God so loved the world, that he gave his only begotten Son, that whosoever believeth in him should not perish, but have everlasting life.

3. A christian cannot lose his salvation Because he is kept by God.

I Peter 1:5 Who are kept by the power of God through faith unto salvation ready to be revealed in the last time.

4. The Christian cannot lose his salvation because he cannot fall if he is sure he is saved

Kung totoong kristyano manghihina pero bababalik.

Ang taong nagsasabing ligtas pero namumuhay pa din sa kasalanan is a big question mark.

1 John 2:17-19 They went out from us, but they were not of us; for if they had been of us, they would no doubt have continued with us: but they went out, that they might be made manifest that they were not all of us.

Madadapa pero ang totoong kristyano ay tatayo at tatakbo pa din sa race. Andon pa din ang perseverance dapat.

1 Corinthians 3:12-15
If any man's work shall be burned, he shall suffer loss: but he himself shall be saved; yet so as by fire.

How about the person who says he is saved, but lives constantly in sin? A saved person will not

Like the prodigal son.
May pagasa pa ang mga lumayo sa Panginoon, patuloy lang natin sila ipanalangin.
The answer is, he either comes back to God or the Lord will take him on to Heaven. The Bible plainly teaches that a born-again person will not continue in sin. He may stumble and fall, but he will come back.

CONCLUSION: There are three things we ought to realize
(1) We should be sure we are saved.
(2) We should work so as not to lose our rewards.
(3) We should thank God constantly that salvation is of the Lord and that a Christian is a new creature created in Christ Jesus unto good works. We should dedicate our lives for His service.

That’s why bilang kristyano dapat manatiling meron tayong perseverance.

Morning Service Pr. Christopher Vargas1 Peter 4:12 Beloved, think it not strange concerning the fiery trial which is to ...
23/08/2026

Morning Service

Pr. Christopher Vargas

1 Peter 4:12
Beloved, think it not strange concerning the fiery trial which is to try you, as though some strange thing happened to you.

The moment na magdesisyon kang sumunod sa Panginoon, nagiging target ka ng ka-away.

Nung hindi ka pa nagco-commit parang walang resistance. Parang walang kumokontra sayo.

Napansin po ba natin parang pahirap ng pahirap? Kasi nagiging target tayo ng ka-away.

Kapag walang trouble sa buhay natin, mas doon tayo masurpresa. Kasi kapag walang resistance, kakampi mo yung Diyablo.

The moment na nagbigay ka ng buhay sa Panginoon, nagcommit ka sa ministry, mag expect tayo na may mga trouble na darating sa buhay natin.

Ang pagsunod kay Kristo meron yang kalakip na blessings and miracles pero ang pagsunod rin kay Kristo meron rin yang sakit at paghihirap. Kapag sumunod tayo kay Kristo, hindi tayo exempted sa sakit at hirap.

2 Timothy 3:!2
Yea, and all that will live godly in Christ Jesus shall suffer persecution.

Kahit masakit we have to keep moving forward for the Lord. Bakit? God has a beautiful plan for us if we continue for him.

Magpatuloy kahit hindi madali ang buhay. Just like David nung nasa harapan niya si Goliath, Hindi siya natakot dahil alam niya na ang Panginoon ay nasa kanya.

Napansin po ba natin nung naging Kristyano tayo nagdo-double time si Satan si Satan para i-discourage ka? Mas lalo tayong nate-tempt sa mga bagay? At minsan tayo mismo ang nagpapa-discourage. Sumusuko tayo agad.

Minsan sinasabi pa natin na “ayoko na” “magba-backslide na ako” “hihinto na ako” “ano pa ang sense ng buhay kung hindi magiging madali”

Gagawin ni Satan ang lahat para pagurin ka at para ikaw na mismo ang sumuko at magdesisyon na sumuko.
2 Corinthians 11:3
But I fear, lest by any means, as the Serpent beguiled Eve through his subtility, so your minds should be corrupted from the simplicity that is in Christ.

Hindi ba tayo nagtataka kung bakit desperado si Satan na pabagsakin ka? Ano kaya ang nakikita niya sayo bakit pinipigilan niya ikaw magpatuloy?

Hindi natin nakikita ang future or yung light on the other side of the tunnel kaya madali tayo sumuko.

May nakikitang potensyal sa atin si Satan kaya nais niya tayong pigilan kasi pag hindi tayo huminto, magiging kagamit-gamit tayo sa Diyos.

Even our Lord Jesus Christ has endured sufferings ang pain

Luke 22:42
Saying, Father, if thou be willing, remove this cup from me: nevertheless not my will, but thine be done.

Noong bago arestuhin si Kristo sa Garden of Gethsemane, nakaramdam siya ng takot bilang tao at sorrow, ngunit sinurrender niya ang nararamdaman niya bilang tao para sa ikakaligtas natin. Alam niya na siya ay mapapahiya.

Pag matindi ang purpose mo, mas matindi ang pagdadaanan mo.

Hindi aksidente bakit si Jesus Christ ay nasa Garden of Gethsemane. Gethsemane po ay Oil press at doon po tumutubo ang maraming olive trees na nagpo-produce ng Olive Fruits at Olive Oil.

Kapag piniga mo yung fruit ito ay magbibigay ng oil. If we are talking about spiritually nung time ni Jesus, He was being pressed kaya sabi niya “Lord take this cup away from me”

It also reminds us that if we want the benefits, we need to be pressed just like the fruit para lumabas yung katas o yung laman.

2 Corinthians 4:8-9
We are troubled on every side, yet not distressed, we are perplexed, but not in despair; persecuted, but not forsaken; cast down, but not destroyed.

Sa verse na ito dine-described ni Apostle Paul tayo ay nape-press o napipiga sa lahat ng angle, pressure is real but God’s power is inside us.

Ang reyalidad po ng ating buhay ay hindi natin pwedeng i-kalendaryo ang mga pinagdadaanan.

Kung pwede lang pwedeng i-schedule ang problema eh kaso hindi naman pwede. Bigla-bigla na lang ito nadating. Kaya dapat tayo ay laging handa kasi hindi natin alam kung kelan.

If there is crushing there is anointing. Sometimes we need to be pressed for our benefits.

Katulad ng isang piano, meron siyang tunog kapag na-press. Mabubuksan ang ilaw kapag na-press sa pindutan.

Minsan ang ating buhay ay ineffective dahil iniiwasan natin ang mga pressure sa buhay. Ayaw natin lumago, takot tayo gawin ang mga bagay.

Kung tutuusin tama naman diba kasi kung may pagkakataon tayo mamili, bakit natin pipiliin yung bagay na mahirap?

Kesa ipanalangin natin sa Panginoon na tanggalin sa buhay ang mga ito, ang ipanalangin natin ay lakas para harapin ito.

A smooth sea never made a skilled sailor.

Hindi aksidente kung inaatake ka ni Satan dahil hindi niya inaatake ang mga kakampi niya.

Tayo ay pinipiga pero hindi tayo tuluyang dinudurog.

Psalms 92:12
The righteous shall flourish like the palm tree: he shall grow like a cedar in Lebanon.

Katulad ng sinabi ko kanina hindi tayo exempted sa trials pero meron tayong special favor sa Panginoon bilang mga anak niya sa kalagitnaan ng lahat.

Tandaan po natin ang pagiging Kristyano o aral sa salita ng Diyos ay blessing dahil meron tayong alam sa mga bagay na hindi alam ng iba.

Kaya tayo nakakapagtiis dahil alam natin na hindi panghabang buhay ang mga nararanasan natin ngayon. Ang pressing season ay hindi permanent ito ay parte lamang ng buhay.

Katulad ng pagtayo ko po dito sa harap, hindi po ako dito natutulog, kumakain o naliligo kasi right after this aalis rin po ako dito and at yun po yung sinasabi natin na part lang ng buhay. Hindi siya permanent.

Ang nararanasan po natin ngayon, problems, trials and hardship alam po natin na matatapos rin o lilipas rin dahil alam natin na mas greater ang ating Panginoon,

1 John 4:4
Ye are of God, little children, and have overcome them: because greater is he that is in you, than he that is in the world.

Minsan hindi sapat yung desisyon lang. Kailangan may determinasyon tayo na sumunod kay Kristo.

Kasi pag napagdesisyonan mo lang, pero hindi ka determinado, susuko ka kaagad.

Ang Panginoon ay may plano. Ang plano niya ay higit sa plano natin.

Meron siyang sariling timeline hindi dahil siya ay cruel or makasarili pero dahil alam niya ang mas makakabuti sa atin.

Jeremiah 29:11
For I know the thoughts that I think toward you, saith the Lord, thoughts of peace, and not of evil, to give you an expected end.

Akala natin na dapat nasa spiritual promised land na tayo sa buhay natin pero sa nangyayari sa atin nasa gitna tayo ng wilderness pero hindi ibig sabihin ay iniwanan na tayo ng Panginoon o wala siyang pake, nagpapakita lang ito na may hinahandang mas matindi ang Panginoon para sa atin.

Delay is not Denial

Just like po ng mga Israelites during sa time ni Jeremiah, nung na captives at na exiled sila from Jerusalem to Babylon, they waited for 70 years bago po sila mapalaya.

2 Corinthians 4:1
Therefore seeing we have this ministry, as we have received mercy, we faint not;

Apostle Paul encourages us not wag sumuko or sukuan yung ministry or yung paglilikod natin. Just like sa kanta po ng choir na continuing the mission. Magpatuloy lang.

Akala ba natin pag naglingkod tayo, worry free na? Akala ba natin kapag nagsha-share tayo ng gospel, wala nang paghihirap? Meron.

Apostle Paul tells us na kapag tayo ay naka encounter ng ganito, it is an opportunity para mas tumibay ang pananampalataya natin.

James 1:2-4
My brethren, count it all joy when ye fall into divers temptations;
Knowing this, that the trying of your faith worketh patience.
But let patience have her perfect work, that ye may be perfect and entire, wanting nothing.
There are struggles and trials sa mundo ng pagiging Kristiyano and sa kamunduhan but let us choose our struggles. It is okay to struggle sa buhay Kristiyano kasi alam natin na kasama natin ang Panginoon.

Kapag ang Panginoon gusto niya tayong lumago, idadaanan niya tayo sa apoy parang ginto para mas lalong kuminang.

Every pain has a purpose.

Every pain na nararanasan natin ang unang ginagawa natin agad ay tanungin kung bakit.

Ang sagot sa katanungan na iyon ang makakapag determine kung magagalit o magtatampo ba tayo sa Diyos o hindi.

Halimbawa na lang kung ikaw ay natutulog at kapag sinampal ka, ang una mo agad gagawin ay itatanong mo kung bakit. At kapag sinagot ka na it’s a prank talagang magagalit ka kasi wala namang kwenta yung dahilan, gusto ka lang talagang sampalin.

Pero kapag ang pain ay may purpose katulad ng isang babaeng manganganak, kahit masakit, kaya nilang tiisin kasi may purpose. Iluluwal na niya yung anak niya.

Mas tanggap natin ang sakit kapag alam natin ang dahilan.

The pain may remain difficult to understand until we trust that God has a purpose for allowing it. Even when we cannot see or understand that purpose, we can still have peace because we know that God sees the whole picture and knows what He is doing.”

Proverbs 3:5 (KJV):
Trust in the LORD with all thine heart; and lean not unto thine own understanding.”

we don't have to know the purpose in order to trust God. Our understanding is limited, but God's wisdom is not; He can use difficult seasons to accomplish something in our lives that we may only understand later—or perhaps not fully understand at all.

We may not understand the pain, but we can trust the One who understands the purpose. We don't need to see the whole plan when we know the One who holds the plan.”

2 Corinthians 4:16-17
For which cause we faint not; but though our outward man perish, yet the inward man is renewed day by day.
For our light affliction, which is but for a moment, worketh for us a far more exceeding and eternal weight of glory;
Ang espada ay mas magiging epektibo siya kapag hinahasa siya sa pagpukpok gamit ang martilyo. Mas lalo siyang nagiging matalim. Sa atin po kapag hindi tayo pinupukpok hindi rin tayo mahahasa. Kaya kapag may kilala po tayo na matagal na sa ministry o sa gawain pero nandyan pa rin, ibig sabihin nahasa at marami na yan naranasan. Naging matalim na siya pero para magpatuloy, patuloy pa rin hinahasa.

Conclusion:
Ito po ay isang paalala na ang ating Panginoon ay pinahintulutan na maranasan ang mga nangyayari sa atin dahil alam at gusto niya na mahasa at maging malakas tayo sa ating pananampalataya sa kanya at mas lalong magtiwala hindi sa kakayanan natin pero sa kakayanan niya.

Kapag rooted or grounded tayo sa ating fatih kahit ano pa mangyari sa buhay natin mananampalataya, magpapatuloy tayo. May kasama man o wala, ikaw na lang gumagawa mag-isa o iniwan ka magpapatuloy at magpapatuloy. Yes there are times na manghihina o manlalamig pero alam natin na hindi nakatuon dun ang pananampalataya natin kundi sa Panginoon.

Hindi ko po sinasabi na alam ko lahat ng problema ng bawat isa dahil kanya-kanya naman tayo ng pinagdaanan, yung akala natin maliit pero malaki pala sa iba pero alam natin na alam yan ng Panginoon at merong purpose.

Minsan ang dali lang sa atin sumuko dahil nalilimutan o kinakalimutan natin yung mga times na tinulungan tayo ng Panginoon para maitawid yung ikinakatakot ikinababahala natin.Subukan natin alalahanin ulit yun.

1 Corinthians 15:58
Therefore, my beloved brethren, be ye stedfast, unmoveable, always abounding in the work of the Lord, forasmuch as ye know that your labour is not in vain in the Lord.

Happy Birthday Bro. Jeremiah! May Jesus fill your heart with joy as you grow in His love.
18/08/2026

Happy Birthday Bro. Jeremiah! May Jesus fill your heart with joy as you grow in His love.

MORNING AND EVENING WORSHIP SERVICE | 08.16.2026
18/08/2026

MORNING AND EVENING WORSHIP SERVICE | 08.16.2026

16/08/2026

Song Offering- Calvary’s Cry

Address

Blk 311 Lot 1 Camurungan Site, Narra
San Pedro
4023

Telephone

+639236703229

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PBBC - Upper Village posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to PBBC - Upper Village:

Shortcuts

Share

Category