28/04/2026
Mga Gabay na Tanong para sa Talakayan ng Sunday Worship video of April 26, 2026 titled: “Things to Put Off”.
Col 3:5 Patayin nga ninyo ang inyong mga sangkap ng katawang nangasa ibabaw ng lupa, pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang nasa, at kasakiman, na iya'y pagsamba sa mga diosdiosan; 6 Na dahil sa mga bagay na iyan ay dumarating ang kagalitan ng Dios sa mga anak ng pagsuway: 7 Na inyo ring nilakaran nang una, nang kayo'y nangabubuhay pa sa mga bagay na ito; 8 Datapuwa't ngayon ay inyo namang layuan ang lahat ng mga ito: galit, kapootan, paghihinala, panunungayaw, mga salitang kahalay-halay na mula sa inyong bibig: 9 Huwag kayong mangagbubulaan sa isa't isa; yamang hinubad na ninyo ang datihang pagkatao pati ng kaniyang mga gawa, 10 At kayo'y nangagbihis ng bagong pagkatao, na nagbabago sa kaalaman ayon sa larawan niyaong lumalang sa kaniya: 11 Doo'y hindi maaaring magkaroon ng Griego at ng Judio, ng pagtutuli at ng di pagtutuli, ng barbaro, ng Scita, ng alipin, ng laya; kundi si Cristo ang lahat, at sa lahat.
1. Ano ang kahulugan ng “put to death what is earthly in you” na paksa ng ating naging pag-aaral? Magbigay ng halimbawa ng mga kasalanan na dapat nang "hubarin (put off)" ng mga kristiyano.
2. Ibigay ang mga kinakailangan (essentials) gawin ng isang mananampalataya upang maging matagumpay sa kontrol ng kasalanan.
3. Anong partikular na gawain ng “dating pagkatao (old self)” ang nais mong alisin (put off) ngayong linggo? Paano ka matutulungan ng Banal na Espiritu upang mapagtagumpayan ito?