17/05/2026
๐๐ฆ๐๐ฃ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐๐๐น๐บ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฐ๐๐ถ๐๐ถ๐๐, ๐ ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ผ๐ ๐๐ฎ ๐ง๐๐ฝ๐ฎ ๐๐ต๐ฎ๐ฝ๐๐ฒ๐ฟ
Isang programa ng butihing CDCCPI Overall Administrator, Prince Dr. Estrellito V. Magliba, ang matagumpay na isinagawa sa pamamagitan ng Advanced Summer Class Program (ASCP) 2026 Culminating Activity sa loob ng Simbahan sa Tupa Chapter nitong Mayo 17, na may temang โThe Knowledge Quest: Empowering Young Learners.โ
Dinaluhan ang nasabing programa ng mga opisyal ng Tupa Chapter at mga opisyal ng Barangay sa pangunguna ni Rev. Fr. Gerald R. Dela Peรฑa, kasama sina COL Chapter President Hon. Robert Baloloy, Hon. Emmanuel Cuntapay, at SK Chairperson Hon. Vincent Malayao. Nakiisa rin ang mga magulang, panauhin, at tagasuporta na naging saksi sa pagtatapos ng programa at sa ipinakitang husay ng mga kabataang delegado.
Ayon kay PTSC President na si Madam Veny Rose Acojido, layunin ng ASCP na hubugin ang kaalaman, talento, at pananampalataya ng mga kabataan sa pamamagitan ng mga akademiko at formative activities na isinagawa sa buong programa.
Naging tampok din sa okasyon ang mensahe ni Rev. Fr. Gerald R. Dela Peรฑa, kung saan binigyang-diin niya na ang ASCP ay hindi lamang para sa mga batang Crusader kundi bukas para sa lahat ng kabataang nagnanais matuto, magbukas ng isipan, at mapalalim ang kanilang kaalaman at pananampalataya. Aniya, ang programa ay isang mahalagang pagkakataon upang mahubog ang kabataan hindi lamang sa akademikong aspeto, kundi pati sa kanilang pag-uugali, disiplina, at aktibong pakikilahok sa komunidad bilang paghahanda sa kanilang kinabukasan.
Nagtapos ang aktibidad sa isang makabuluhang pagdiriwang na sumasalamin sa pagkakaisa, pagkatuto, at patuloy na pag-unlad ng mga kabataan ng Tupa Chapter.