24/08/2026
Maligayang Kaarawan Sis. Gwenn✨
Papuri po sa Iyo Panginoon sa pagkakaloob ng panibagong taon ng buhay sa aming kapatid. Ikaw po ang Diyos na aming kaagapay sa lahat ng bagay.
Kapatid, salamat po sa ating Panginoon sa patuloy na pagkilos sa iyong buhay. Salamat po sa pagsuporta at pagtulong sa ikalalago ng ating gawain, sa pagtulong mo po sa mga proyekto ng ating sambahan. Ang iyo pong paglilingkod sa ating Diyos ay batid Niya, kaya naman, asahan mo din po na may ibabalik sa iyo ang Panginoon.
Patuloy po ang aming pagdalangin na nawa ay pagkalooban ka po ng kalakasan mula sa pisikal hanggang Espirituwal, ang kagalakan po ay ibuhos ng Panginoon at dinggin nawa ang iyong panalangin.
Godbless po♥️