Gospel Coalition Church - GCC

Gospel Coalition Church - GCC Full Gospel, Evangelical Church

Lord's Day Worship Service As instructed by the Lord in view the resurrection as application of Sabbath we gathered to W...
25/05/2026

Lord's Day Worship Service

As instructed by the Lord in view the resurrection as application of Sabbath we gathered to Worship by praying together, listening to God’s Word, hearing updates, announcements of our church ministries, members special day, and encouragements to generous giving.

We also have fellowship "koinonia" to celebrate momentous event in the life of our church-family-members.

On-line Worship Service As we continue our series study from the Gospel of Jesus Christ according to Apostle John. As Je...
25/05/2026

On-line Worship Service
As we continue our series study from the Gospel of Jesus Christ according to Apostle John.

As Jesus preparedness disciples to His upcoming death, He revealed the coming of the Spirit of truth as their advocate. In thus study Jesus made known the purpose why the Spirit came and the provision on how the Spirit affects their lives as they, the disciples, obey the Great Commission.

Our study reveals why and how the Spirit of Truth works in the Church even in our time. By this we as God's people can discern the Spirit's presence in our lives and in our gatherings.

24/05/2026

Arrival of the Spirit
John 16:12-24

Today’s MeditationPersonal / Family Devotion 22 May 2026 | FridayColosas 3:22–25 (ABTAG)22 Mga alipin, sumunod kayo sa l...
22/05/2026

Today’s Meditation
Personal / Family Devotion
22 May 2026 | Friday

Colosas 3:22–25 (ABTAG)

22 Mga alipin, sumunod kayo sa lahat ng mga bagay sa mga panginoon ninyo sa lupa, hindi naglilingkod kung may tumitingin, na gaya ng pagbibigay-lugod sa mga tao, kundi sa katapatan ng puso, na may takot sa Panginoon.

23 Anuman ang inyong ginagawa, ay inyong gawin ng buong puso, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao;

24 yamang inyong nalalaman na sa Panginoon ay tatanggapin ninyo ang gantimpalang mana. Paglingkuran ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo.

25 Sapagkat ang gumagawa ng masama ay pagbabayarin sa kasamaang kanyang ginawa; at walang itinatanging tao.

Question Guide

1.) Ayon sa Colosas 3:22–24, paano inilarawan ni Pablo ang tamang paglilingkod sa Panginoon?
Ano ang ibig sabihin ng paglilingkod na may takot sa Diyos at may katapatan ng puso?
Paano ito maisasabuhay ng isang ina sa loob ng tahanan?

Basahin ang 1 Corinto 7:4, 13, at 33.
Ano ang ipinapakita ng mga talatang ito tungkol sa tungkulin sa pamilya at paglilingkod sa Panginoon?

2.) Ayon sa Colosas 3:23, bakit mahalagang gawin ang lahat ng bagay na parang sa Panginoon natin ito ginagawa at hindi lamang para sa tao?
Paano nito mababago ang pananaw natin sa mga gawain at responsibilidad sa tahanan?

3.) Ayon sa Colosas 3:25, ano ang paalala ng Diyos tungkol sa paggawa ng masama at pagiging hindi matuwid?
Paano tayo hinihikayat ng talatang ito na mamuhay nang may pananagutan at may takot sa Diyos?

Basahin ang 1 Pedro 3:4–5.
Ano ang “di-nasisirang ganda” na mahalaga sa paningin ng Diyos?

4.) Bilang asawa, magulang, o anak, paano mo maipapakita ang pagkatakot at pagsunod sa Diyos sa loob ng inyong tahanan?
Paano magiging mabuting halimbawa ang isang ina bilang lingkod ng Panginoon sa kanyang pamilya at sa ibang tao?

5.) Ano ang isang hakbang ng pananampalataya o pagsunod na hinihikayat sa iyo ng Panginoon ngayon upang higit kang makapaglingkod sa Kanya nang may buong puso?
Paano mo maibabahagi sa mga taong hindi pa naniniwala sa Diyos ang katotohanan na ang tunay na layunin at kagalakan ng paglilingkod ay matatagpuan kay Cristo?



Today's Meditation.                        Personal / Family Devotion20 May 2026 | WednesdayScripture text: Colosas 3:18...
21/05/2026

Today's Meditation.
Personal / Family Devotion
20 May 2026 | Wednesday

Scripture text: Colosas 3:18-21
[18] Mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa, gaya ng nararapat sa Panginoon.
[19] Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa at huwag kayong maging malupit sa kanila.
[20] Mga anak, sumunod kayo sa inyong mga magulang sa lahat ng mga bagay, sapagkat ito'y nakakalugod sa Panginoon.
[21] Mga ama, huwag ninyong ibunsod sa galit ang inyong mga anak, baka manghina ang loob nila.

Question Guide
1. 1. Sa v18, ano ang iniutos ng Panginoon na dapat gawin ng mga babaing may asawa sa kanilang asawang lalaki? Paano nila ito dapat gagawin at sa anong pamantayan nila ito dapat itulad?

Basahin Efeso 5:21-23 patungkol sa utos kung ano ang dapat na maging relasyon ng mag asawa sa isa't isa. At bakit kailangan magpasakop ng babae sa kanyang asawang lalaki?

2. . Sa v19, ano naman ang iniutos sa mga asawang lalaki na dapat nilang ipadama sa kanilang asawang babae? Ano din ang hindi nila dapat gawin?

Sa Efeso 5:25-30, kaninong halimbawa ang dapat tularan ng lalaki sa pagpapadama/pagpapakita nya ng pagmamahal sa kanyang asawang babae? At bakit kailangang mahalin ng lalaki ang babae kagaya ng pagmamahal nya sa kanyang sarilli?

3. Sa v20, sino ang nabibigyan ng kaluguran kapag sinusunod ng mga anak ang utos ng kanilang mga magulang?

Sa Kawikaan 22:6, ano ang dapat itinuturo sa mga bata? Anong benepisyo ang mapapala nila dito? Basahin Lucas 2:49,52 sa pagiging ehemplo ni Hesus sa pagsunod, at ano ang kabutihaang naidulot nito sa Kanya.

4. Sa v21, bakit pinapa alalahanan ang mga magulang na huwag ibunsod sa galit ang kanilang mga anak? Bakit kailangan nagkakaisa ang mga magulang sa pag implementa ng mga rules sa kanilang tahanan?

At ano-ano ang mga bagay na dapat at hindi dapat gawin ng mga magulang upang hindi lumaking matigas ang ulo ng mga anak ayon sa ating napag aralan?

5. (Mother's) Bilang isang mananampalataya, paano ka nagpapasakop sa iyong asawa ng naayon sa kalooban ng Diyos? Paano ka nagiging katuwang ng iyong asawa sa pagdidisiplina ng inyong anak upang lumaki silang masunurin at may takot sa Diyos?

6. Paano mo binabalanse ang oras mo sa kabila ng iyong kaabalahan sa iyong sarili? Sa iyong asawa at sa iyong anak? Paano mo ipinapakita sa iyong pamilya na hindi hadlang ang pagiging ina sa paglilingkod sa kaharian ng Diyos?



On-line Worship Service In obedience to the Lord's command to honor father and mother, we make time to join our culture ...
18/05/2026

On-line Worship Service

In obedience to the Lord's command to honor father and mother, we make time to join our culture of Mother's day celebration.

Deuteronomy 5:16 ESV
[16] “‘Honor your father and your mother, as the Lord your God commanded you, that your days may be long, and that it may go well with you in the land that the Lord your God is giving you.

Ephesians 6:2-3 ESV
[2] “Honor your father and mother” (this is the first commandment with a promise), [3] “that it may go well with you and that you may live long in the land.”

UPC LEAD Staff from the Gospel Coalition Church (GCC).We are thankful to our God for giving us the opportunity to takepa...
18/05/2026

UPC LEAD Staff from the Gospel Coalition Church (GCC).

We are thankful to our God for giving us the opportunity to takepart in a momentous event of the United Pastor's Council in San Pablo City.

We are privileged to be of service in this event that strengthens and unites God's people to equip leaders from other local churches.

To God be the glory alone ☝️🤲💕

2 Timothy 2:10-13 ESV
[10] Therefore I endure everything for the sake of the elect, that they also may obtain the salvation that is in Christ Jesus with eternal glory. [11] The saying is trustworthy, for: If we have died with him, we will also live with him; [12] if we endure, we will also reign with him; if we deny him, he also will deny us; [13] if we are faithless, he remains faithful— for he cannot deny himself.

Congratulations to our co-servants in the Lord's vineyard of GCC, Melanie Rosairo , for having completed the requirement...
18/05/2026

Congratulations to our co-servants in the Lord's vineyard of GCC, Melanie Rosairo , for having completed the requirements for UPC Leadership Enrichment Advancement and Development (LEAD) Program.

We are proud of you as you join our core leaders in this journey of LEAD program:
Joanne Buera Gutierrez , Bert Ortega , Lemuel Maravilla , Jerskee Maravilla , Ellamae Deogracias , Lovely Capila, Jennifer Tañon Mendoza and Junius Rodney Sarmiento Rosairo

2 Timothy 2:15 ESV
[15] Do your best to present yourself to God as one approved, a worker who has no need to be ashamed, rightly handling the word of truth.

17/05/2026

Bondservant Mothers
Colossians 3:18-25

Today's MeditationFamily/Personal Devotion15 May 2026 | FridayScripture Text: JUAN 16:7-11 ABTAG01[7] Gayunma'y sinasabi...
15/05/2026

Today's Meditation
Family/Personal Devotion
15 May 2026 | Friday

Scripture Text: JUAN 16:7-11 ABTAG01
[7] Gayunma'y sinasabi ko sa inyo ang katotohanan. Makakabuti sa inyo na ako'y umalis, sapagkat kung hindi ako aalis, ang Mang-aaliw ay hindi darating sa inyo. Ngunit kung ako'y umalis, siya'y susuguin ko sa inyo.
[8] At pagdating niya, kanyang susumbatan ang sanlibutan tungkol sa kasalanan, sa katuwiran, at sa kahatulan:
[9] tungkol sa kasalanan, sapagkat hindi sila sumasampalataya sa akin;
[10] tungkol sa katuwiran, sapagkat ako'y pupunta sa Ama, at hindi na ninyo ako makikita;
[11] tungkol sa kahatulan, sapagkat ang pinuno ng sanlibutang ito ay hinatulan na.

Question Guide:
1) Sa t. 7, para sa kaninong kapakinabangan ang pag-alis ng Panginoong Hesus? Ano ang mangyayari kung hindi aalis ang Panginoong Hesus? Ayon sa Ezekiel 36:27 at Mga Gawa 1:8, ano ang benepisyo ng pagdating ng Banal na Espiritu?

2) Sa t. 8-11, ano ang partikular na gustong ipaunawa ng Banal na Espiritu sa kanyang pagdating, ano ang mga katotohanan na ituturo niya sa atin? Basahin ang Nehemias 9:30 at Gawa 2:37-38, paano nangungusap ang Banal na Espiritu upang paalalahanan ang mga tao at ipaalam ang ipinapagawa ng Diyos?

3) Ayon sa t. 10, ano ang ibig sabihin ng pangyayari na si Hesus ay pumunta sa Ama? Ano ang naidulot ng kaganapan na ito sa mga sumampalataya sa Panginoon? Basahin ang 1 Pedro 3:18 at Mga Hebreo 12:2. Paano mo malalaman ang daan ng katuwiran sa harapan ng Diyos? Sa Mga Gawa 17:30-31, ano ang tiyak at itinakdang magaganap, kaya inutos ng Diyos na magsisi at tumalikod sa masamang pamumuhay ang tao?

4) Sa paanong paraan mo personal na nararanasan ang kilos ng Banal na Espiritu sa buhay mo? Sa anong aspeto ng iyong buhay ka nahihirapang magpasakop pa sa Diyos at kinakailangan ang tulong ng Banal na Espiritu upang magawa mo ang kalooban ng Diyos?

5) Paano ka nakikibahagi sa plano ng Diyos na pagliligtas? Ano ang mga gagawin mo upang maging instrumento ng Banal na Espiritu sa mundong ito? Ano ang mga dapat mong ipaalam sa mga tao patungkol sa Diyos?

Today's MeditationFamily/Personal Devotion13 May 2026/WednesdayJuan 16:1-6 Abtag011 Sinabi ko ito sa inyo upang huwag ni...
13/05/2026

Today's Meditation
Family/Personal Devotion
13 May 2026/Wednesday

Juan 16:1-6 Abtag01
1 Sinabi ko ito sa inyo upang huwag ninyong talikuran ang inyong pananalig sa akin.
2 Ititiwalag kayo sa mga sinagoga. Darating ang panahon na ang sinumang pumatay sa inyo ay mag-aakalang naglilingkod siya sa Diyos.
3 At gagawin nila ito sapagkat hindi nila ako kilala ni ang Ama.
4 Subalit sinabi ko na ito sa inyo upang kapag dumating na ang oras na gagawin na nila ang mga ito, maaalala ninyo ang sinabi ko sa inyo tungkol sa kanila.”
“Hindi ko ito sinabi sa inyo noong una sapagkat kasama pa ninyo ako.
5 Ngunit ngayo'y pupunta na ako sa nagsugo sa akin at wala ni isa man sa inyo ang nagtatanong kung saan ako pupunta.
6 Ngayon sinabi ko na sa inyo, lubha naman kayong nalungkot.

Question Guide
1. Sa v1, ano ang pangunahing dahilan kung bakit sinabi ni Hesus ang mga bagay na ito sa mga alagad ? Sa Juan 13:18-19, ano ang sinabi ng Panginoong Hesus sa Kanyang mga alagad? Sa v2, anong uri ng paguusig ang inihula ni Hesus na sasapitin ng mga alagad? at sa v3, bakit gagawin ng mga tao ang gayong karahasan sa mga alagad? Sa mga pangyayaring ito, paano mo nakikita na si Hesus pa rin ang may control sa lahat ng mga pangyayari?

2. Ano ang pwedeng maranasan ng isang manananampalataya kung kulang siya sa kaalaman tungkol sa ating Panginoong Hesus? Sa v4, bakit hindi sinabi ni Hesus ang mga bagay na ito noong una pa man? Sa vv5-6, ano ang naging reaksyon ng mga alagad ng sabihin ni Hesus na siya ay aalis? Ano bang mangyayari sa pagalis ng Panginoon? Basahin ang Juan 14:28-29. Sa Isaias 46:9-10, ang talatang ito ay nagpapakita ng pagka Diyos ng ating Panginoon. Ang Diyos lamang ba ang may katangiang ganito? Ano ang patunay na si Hesus ay tunay na Diyos?

3. Noong panahon ng mga disipulo sila ay nakaranas ng matinding paguusig. Bilang isang mananampalataya, meron ka bang confidence in the Lord even in difficult situation? Naranasan mo na bang usigin dahil sa iyong pananampalataya? Paano ito nakatulong sa iyong spiritual growth? Share your view in Christian suffering.

4. Paano mo ipapaunawa sa hindi pa mananampalataya na ang paguusig o suffering ay hindi maiiwasan kung nais nilang sumunod sa ating Panginoon? Paano mo sila mahihikayat na magtiwala sa ating Panginoong Hesus and at the same time ay kilalanin Siya bilang Panginoon at Tagapagligtas ng kanilang buhay?



Address

P. Alcantara Street
San Pablo City
4000

Opening Hours

Wednesday 6pm - 8pm
Sunday 9am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gospel Coalition Church - GCC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Gospel Coalition Church - GCC:

Share