04/04/2026
๐๐จ๐ ๐๐ฌ ๐๐จ๐ฎ๐ซ ๐๐ก๐ข๐๐ฅ๐
Sunday, April 5
๐๐๐ข๐ฅ๐ฒ ๐๐๐ซ๐ฌ๐: โPero ikaw, LORD, ang shield na nagpo-protect sa akin, ang panalo ko ay galing sayo, binabalik mo ang tapang at confidence ko.โ Psalm 3:3 Pinoy Version
๐๐๐ข๐ฅ๐ฒ ๐๐๐ฏ๐จ: Sinasabi ni David sa Psalm 3:3 na kahit napapalibutan siya ng mga problema at kaaway, ang Diyos ang kanyang shield o proteksyon. Hindi lang simpleng tulong ang binibigay ng Diyos, Siya mismo ang nagiging panangga ni David. Kahit sa gitna ng takot at pressure, alam ni David na ang Diyos ang nagpoprotekta sa kanya at Siya rin ang nagbabalik ng lakas at dignidad niya. Sa bawat laban na hinaharap niya, pinili niyang manalig sa Diyos kaysa matakot sa mga sitwasyong hindi niya kontrolado.
Sa buhay natin ngayon, marami rin tayong moments na pakiramdam natin vulnerable tayo o parang walang proteksyon- kapag may financial struggles, family conflicts, rejection, o uncertainties sa future. Minsan parang mag-isa lang tayo sa laban at nakaka-discourage. Pero ang magandang balita ay simple pero powerful, the same God who protected David is the same God protecting you today. Kahit hindi natin nakikita, He is surrounding us with His presence and care. Not alone. Never alone. God is with you.
Kapag may fear o problem na dumating, hindi ibig sabihin na wala nang pag-asa. Instead na mag-focus sa worry, lumapit ka sa Diyos. Pray, surrender your fears, at ipaalala sa sarili mo na Siya ang shield mo. Kapag ang Diyos ang shield mo, may tapang kang harapin kahit anong laban dahil alam mong hindi ka nag-iisa. Kahit ang mundo ay puno ng uncertainty, kahit may laban sa paligid mo, kapag ang Diyos ang panangga mo, hindi ka matitinag, at may kapayapaan sa puso mo.
Written by Meliza M.Z.
๐๐๐ข๐ฅ๐ฒ ๐๐ก๐๐ฅ๐ฅ๐๐ง๐ ๐: Write down one fear or worry thatโs weighing you down right now. Pray and intentionally surrender that fear to God.
๐จ Digital art by Noelle Elaine De Sagun
๐ Grab Your Free eBook!
๐ beacons.ai/pinoydevo
๐๐ผ Need Prayer?
Comment below ๐ฌ or ๐ send us a message!