25/08/2026
Magalak, Bayan ng Diyos at sambayanang namimintuho kay Maria!
Sa patuloy na awa at pag-ibig ng Diyos, ipinagkaloob Niya sa bayan ng Pagsanjan ang natatanging biyaya ng pagdalaw ng Mahal na Birhen ng Guadalupe, ang Madre Peregrina, kasama ang banal na imahen ng Tilma at ang ni San Juan Diego.
Makakasama natin ang mga imahen mula Setyembre 22 hanggang 24 dito sa ating parokya, ang Pandiyosesanong Dambana ng Mahal na Birhen ng Guadalupe, sa Bayan ng Pagsanjan.
Sa mga araw na ito, inaanyayahan ang lahat na makiisa sa mga banal na gawain, panalangin, pagninilay, at pagdiriwang bilang pagpapakita ng ating debosyon sa Mahal na Ina.
Sama-sama tayong magbigay-puri at magpasalamat sa Diyos sa makasaysayang pagdiriwang na ito, at ihanda ang ating mga puso sa pagdating ng ating minamahal na Ina.
Abangan ang mga susunod na anunsyo para sa kumpletong detalye ng ating pagdiriwang.
Viva la Virgen!
Viva la Morenita!
Viva Guadalupana!