Parokya ng San Roque - Diocese of San Pablo

Parokya ng San Roque - Diocese of San Pablo Official page of Parokya ng San Roque by PSR Social Communication Ministry within the Diocese of San Pablo - Philippines

16/08/2026

[Aug 16] Happy Feast Day, San Roque Parish (San Pablo City)!

16/08/2026

KA-TIKTALK EP 22: ANG PAGSASABUHAY NG PAGIGING KINUMPILAN

After alamin ang kahulugan ng Sakramento ng Kumpil, sa episode na ito naman ay pag-uusapan natin kung paano nga ba isabuhay ang pagiging isang ganap na kinumpilan.

(This episode was made in collaboration with the SOCCOM of San Roque Parish)

Additional references:
1. Catechism of the Catholic Church, par. 1315-1316: https://www.vatican.va/content/catechism/en/part_two/section_two/chapter_one/article_2/in_brief.index.html

2. Website article “Understanding the Sacrament of Confirmation”: https://www.franciscanmedia.org/franciscan-spirit-blog/understanding-the-sacrament-of-confirmation/

********************
Ang Ka-TikTalk ay isang video series na pinasimulan ng mga seminarista mula sa San Pablo Theological Formation House sa Tagaytay noong panahon ng COVID-19 pandemic.

Panoorin ang episodes ng Sea*ons 1 to 3 sa link na ito:
https://youtube.com/playlist?list=PLeguFpCI8kcoyY7XrBis_g_0CmKIWgXQt&si=TC0YIzNb72-2nvcV


TINGNAN | Ikasiyam na Araw ng Misa Nobenaryo Ang ikasiyam na araw ng Misa Nobenaryo ay nagpapaalala sa atin na sa kabila...
16/08/2026

TINGNAN | Ikasiyam na Araw ng Misa Nobenaryo

Ang ikasiyam na araw ng Misa Nobenaryo ay nagpapaalala sa atin na sa kabila ng mga pagsubok at problema, hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa at tiwala sa Diyos. Hindi man natin palaging nauunawaan ang mga nangyayari sa ating buhay, may dahilan upang patuloy tayong maniwala at magpatuloy.

Ang pananampalataya ay hindi lamang tungkol sa pananalangin, kundi pati na rin sa paggawa ng mabuti at pagiging mabuting halimbawa sa kapwa. Habang nabubuhay tayo, gawin natin ang ating mga misyon upang maipakita sa Diyos na pinahahalagahan natin ang buhay na kanyang ibinigay. Hindi natin dapat iniisip ang mga bagay na mali nating nagawa, kundi ang mga mabubuting gawa na maaari nating gawin.

"Anuman ang mangyayari bukas, anuman ang maaaring gawin mo, at ang mga bagay na hindi mo kontrolado. Sana tingnan natin si Maria at gayahin ang kanyang magandang gawa"

- Mula sa Homiliya ni Rev. Fr. Fidel M. Opulencia

Maliban dito, nagkaroon din ng pagbabasbas ng mga a*o pagkatapos ng Banal na Misa bilang paggunita kay San Roque na patron ng mga a*o.



PAANYAYA | Dakilang Kapistahan Sa Mahal na Patrong San RoqueHalina’t makiisa sa taimtim na pagdiriwang ng Kapistahan ng ...
15/08/2026

PAANYAYA | Dakilang Kapistahan Sa Mahal na Patrong San Roque

Halina’t makiisa sa taimtim na pagdiriwang ng Kapistahan ng ating Mahal na Patron na si San Roque bilang isang pamayanang nagkakaisa sa pananampalataya.

Ang unang misa ay gaganapin sa 6:30 ng umaga na pangungunahan ni Rev. Msgr. Ricardo D. De Luna, VG., JCL, Kura Paroko ng Parokya ng San Roque. Isasagawa ang prusisyon sa ganap na 7:30 ng umaga, pagkatapos ng Banal na Misa.

Susundan ito ng Misa Pontipikal sa ganap na 9:00 ng umaga na pangungunahan ni Lub. Kgg. Marcelino Antonio M. Maralit Jr., D.D., Obispo ng Diyosesis ng San Pablo, at binyag sa ganap na 10:30 ng umaga.

Magkakaroon din ng Banal na Misa sa ganap na 5:00 ng hapon at pangungunahan ito ni Lub. Kgg. Leo M. Drona, SDB, D.D., Obispo Emeritus ng Diyosesis ng San Pablo.

Nawa’y maging makabuluhan ang ating pagdiriwang habang sama-sama nating binibigyang-pugay si San Roque at isinasabuhay ang kanyang halimbawa ng pananampalataya, paglilingkod, at malasakit sa kapwa.



TINGNAN | Ikawalong Araw ng Misa Nobenaryo Sa ikawalong araw ng ating Misa Nobenaryo para sa ating Patrong San Roque, ka...
15/08/2026

TINGNAN | Ikawalong Araw ng Misa Nobenaryo

Sa ikawalong araw ng ating Misa Nobenaryo para sa ating Patrong San Roque, kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Katawan at Kaluluwa ng Mahal na Birheng Maria, ipinaalala sa atin na tayo ay tiyak na may Ina na kaya tayong damayan at mayroon tayong patutunguhan sa langit.

Bilang mga anak ng Diyos, pinagkalooban tayo ng isang Ina na makakaintindi sa atin at kayang damayan tayo sa mga pinagdaraanan natin. Itinuro rin sa atin ng Mahal na Ina ang dapat nating puntahan—ang langit. This solemnity is a reminder na mayroong nanay na ayaw mawalay sa atin at gusto tayong makasama sa langit.

Because just like Mary, we are also destined to be in heaven. Sa pamamagitan ng pag-akyat ni Maria sa langit, tayo rin ay nais mapasama ng Diyos sa langit. Our perspective in life is that we should live our lives meaningfully. We should not be afraid of death sapagkat may buhay na naghihintay sa atin sa langit. Ang pag-akyat ni Maria ay ipinapakita na ang buhay ay hindi pahabaan. Ang buhay ay palaliman ng relasyon sa Panginoon. Kaya’t dapat nating paghandaan ang pagpunta sa langit, upang maging handa sa mas malaking grasya na inihanda ng Diyos sa atin, kasama ng ating Ina.

- Mula sa Homiliya ni Rev. Fr. Jose Mari P. Canusa



PAANYAYA | PAGBABASBAS NG MGA A*ODahil ang Poong San Roque ay kilala bilang patron din ng mga a*o, kasama sa paggunita n...
15/08/2026

PAANYAYA | PAGBABASBAS NG MGA A*O

Dahil ang Poong San Roque ay kilala bilang patron din ng mga a*o, kasama sa paggunita ng Kanyang kapistahan ang pagbabasbas sa mga alagang a*o.

Kaya naman inaanyahan ang lahat na dalhin sa ating parokya ang inyong mga alaga upang mapabasbasan pagkatapos ng Banal na Misa sa 5:30 ng Hapon.



PAANYAYA | Ikasiyam na Araw ng Misa NobenaryoInaanyayahan po ang lahat na makiisa sa ikasiyam na araw ng Misa Nobenaryo ...
14/08/2026

PAANYAYA | Ikasiyam na Araw ng Misa Nobenaryo

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa ikasiyam na araw ng Misa Nobenaryo bilang bahagi ng ating paghahanda para sa Kapistahan ni San Roque.

Punong Tagapagdiwang: Reb. Pd. Fidel M. Opulencia
Katuwang na Pari sa Our Lady of the Pillar Parish, Alaminos

Agosto 15, 2026 (Sabado)
4:00 ng hapon – Dalit, Nobena, at Pagrorosaryo
5:30 ng hapon – Banal na Misa

Halina’t sama-sama nating pagnilayan ang diwa ng temang: 𝙎𝙖 𝘿𝙞𝙬𝙖 𝙣𝙞 𝙎𝙖𝙣 𝙍𝙤𝙦𝙪𝙚: 𝙋𝙪𝙢𝙖𝙡𝙖𝙤𝙩 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙜-𝙖𝙨𝙖, 𝙋𝙖𝙜𝙡𝙞𝙡𝙞𝙣𝙜𝙠𝙤𝙙 𝙖𝙩 𝙋𝙖𝙣𝙖𝙣𝙖𝙡𝙞𝙜. Nawa’y patuloy tayong gabayan ni San Roque sa ating paglalakbay sa pananampalataya, pag-asa, at paglilingkod.



TINGNAN | Ikapitong Araw ng Misa NobenaryoSa ikapitong araw ng ating Misa Nobenaryo para sa ating Patrong San Roque, ipi...
14/08/2026

TINGNAN | Ikapitong Araw ng Misa Nobenaryo

Sa ikapitong araw ng ating Misa Nobenaryo para sa ating Patrong San Roque, ipinaalala sa atin sa homilya ni Rev. Fr. Louis Angelo G. Mangunay na tayo ay tinatawag na maging isang mopet—isang buhay na tanda (sign) at embodiment ng awa, pagmamahal, at kapatawaran ng Diyos sa mundo.

Tulad ni Propeta Ezekiel at ng ating Patrong San Roque, hindi sapat na magsalita lamang tayo ukol sa pananampalataya; dapat natin itong pangatawanan sa ating buhay sa pamamagitan ng tatlong antas ng pakikipagkasundo: ang pakikipagkasundo sa May likha na "crazily in love" sa atin, ang pakikipagkasundo sa kapwa sa pamamagitan ng taos-pusong pagpapatawad at simpleng pag ngiti, at ang pakikipagkasundo sa sarili sa pag-alala na tayo ay nilikha sa langis ng Diyos upang Siya ay kilalanin, mahalin, at paglingkuran.

Sa patuloy nating paghahanda para sa Kapistahan ng Parokya, sa panalangin at pamamagitan ng Mahal na Patrong San Roque, nawa'y maging tunay tayong mga tanda at instrumento ng pagmamahal ng Diyos saan man tayo magpunta.



PAANYAYA | Ikawalong Araw ng Misa NobenaryoInaanyayahan po ang lahat na makiisa sa ikawalong araw ng Misa Nobenaryo bila...
13/08/2026

PAANYAYA | Ikawalong Araw ng Misa Nobenaryo

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa ikawalong araw ng Misa Nobenaryo bilang bahagi ng ating paghahanda para sa Kapistahan ni San Roque.

Punong Tagapagdiwang: Reb. Pd. Jose Mari P. Canusa
Katuwang na Pari sa Diocese Shrine & Parish of San Isidro Labrador, Biñan City

Agosto 14, 2026 (Biyernes)
4:00 ng hapon – Dalit, Nobena, at Pagrorosaryo
5:30 ng hapon – Banal na Misa

Halina’t sama-sama nating pagnilayan ang diwa ng temang: 𝙎𝙖 𝘿𝙞𝙬𝙖 𝙣𝙞 𝙎𝙖𝙣 𝙍𝙤𝙦𝙪𝙚: 𝙋𝙪𝙢𝙖𝙡𝙖𝙤𝙩 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙜-𝙖𝙨𝙖, 𝙋𝙖𝙜𝙡𝙞𝙡𝙞𝙣𝙜𝙠𝙤𝙙 𝙖𝙩 𝙋𝙖𝙣𝙖𝙣𝙖𝙡𝙞𝙜. Nawa’y patuloy tayong gabayan ni San Roque sa ating paglalakbay sa pananampalataya, pag-asa, at paglilingkod.



TINGNAN | Ikaanim na Araw ng Misa Nobenaryo Narito ang ilang kuhang larawan mula sa ikaanim na araw ng Misa Nobenaryo bi...
13/08/2026

TINGNAN | Ikaanim na Araw ng Misa Nobenaryo

Narito ang ilang kuhang larawan mula sa ikaanim na araw ng Misa Nobenaryo bilang paghahanda sa nalalapit na Kapistahan ni San Roque.

Mula sa homiliya ni Rev. Fr. John Eduard "Jao" C. San Jose, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa sa loob ng simbahan: "Having conflicts is a common problem that all human communities experience. But when we come together in the name of Christ, ang binubuo natin bilang Simbahan ay si KRISTO mismo. Hindi lang simbolismo. Bahagi tayo ng iisang katawan ni Kristo at sa isa’t isa tayo ay konektado. Katulad ni San Roque, nawa sa lahat ng ating gagawin, ang asamin natin ay ang kabutihan ng ating kapwa-tao"

Bilang mga mananampalataya ni San Roque, tularan natin Siya na sa lahat ng ating ginagawa ay lagi nating hangarin ang kabutihan ng ating kapwa. Maging instrumento tayo ng pagkakaisa at pagmamahalan sa ating pamayanan.



Address

Buncayo Park Subdivision
San Pablo City
4000

Opening Hours

Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parokya ng San Roque - Diocese of San Pablo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share