23/08/2026
Agosto 24 | Kapistahan ni San Bartolome Apostol
Sa araw na ito, ipinagdiriwang natin ang kapistahan ni San Bartolome Apostol, isa sa Labindalawang Apostol ni Hesus at isang tapat na tagasunod na buong pusong nag-alay ng kanyang buhay sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita. Sa kabila ng mga pagsubok at paghihirap, nanatili siyang matatag sa kanyang pananampalataya at tapat sa kanyang paglilingkod sa Diyos.
Nawa’y matuto tayo kay San Bartolome na maging matatag sa ating pananampalataya, magkaroon ng lakas ng loob na ipahayag ang ating pananalig, at manatiling tapat sa ating bokasyon bilang mga tagasunod ni Kristo. San Bartolome Apostol, ipanalangin mo kami at akayin palapit kay Hesus.