San Nicolas de Tolentino Parish, Vicariate III - Archdiocese of Lipa

San Nicolas de Tolentino Parish, Vicariate III -  Archdiocese of Lipa Official Parochial page of San Nicolas de Tolentino Parish, San Nicolas, Batangas

DAILY MASS READINGSAUGUST 25,2026MARTES NG IKA-21 LINGGO SA KARANIWANG PANAHONUNANG PAGBASA2 Tesalonica 2, 1-3a. 14-17Pa...
24/08/2026

DAILY MASS READINGS
AUGUST 25,2026

MARTES NG IKA-21 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON

UNANG PAGBASA
2 Tesalonica 2, 1-3a. 14-17

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Tesalonica

Tungkol naman sa pagparito ng ating Panginoong Hesukristo at sa pagtitipon niya sa atin, ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, na huwag kayong magugulat agad o mababahala sa balitang dumating na ang Araw ng Panginoon. Huwag kayong maniniwala kahit sabihin nilang ito’y hula o pahayag, o kaya’y sulat na galing sa amin o sa anumang paraan, huwag kayong padadaya kaninuman.

Tinawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahayag namin sa inyo upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Hesukristo. Kaya nga, mga kapatid, manatili kayong matatag sa mga katotohanang itinuro namin sa inyo, maging sa salita o sa sulat.

Aliwin nawa kayo ng ating Panginoong Hesukristo at ng ating Diyos at Ama na umibig sa atin at sa kanyang habag ay nagbigay sa atin ng walang pagbabagong lakas ng loob at matibay na pag-asa. Bigyan nawa kayo ng matatag na kalooban upang inyong maipahayag at maisagawa ang lahat ng mabuti.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 95, 10. 11-12a. 12b-13

Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.

“Panginoo’y siyang hari,” sa daigdig ay sabihin,
“sanlibuta’y matatag na, kahit ito ay ugain;
sa paghatol sa nilikha, lahat ay pantay sa paningin.”

Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.

Lupa’t langit ay magsaya, umugong ang kalaliman,
lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang.
Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumisigaw.

Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.

Pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan.
Ang P**n ay pupurihin, pagkat siya ay daratal,
paririto sa daigdig, upang lahat ay hatulan.
Tapat siya kung humatol at lahat ay pantay-pantay.

Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.

ALELUYA
Hebreo 4, 12

Aleluya! Aleluya!
Buhay ang salita ng D’yos,
ganap nitong natatalos
tanang ating niloloob.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 23, 23-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ibinibigay ninyo ang ikapu ng gulaying walang halaga ngunit kinaliligtaan ninyong isagawa ang lalong mahahalagang aral sa Kautusan: ang katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan. Tamang gawin ninyo ang mga ito, ngunit huwag naman ninyo kaliligtaang gawin ang iba. Mga bulag na taga-akay! Sinasala ninyo ang niknik sa inyong inumin, ngunit nilulunok ninyo ang kamelyo!

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Nililinis ninyo ang labas ng tasa at ng pinggan ngunit ang loob nito’y puno ng mga nahuthot ninyo dahil sa kasakiman at pagsasamantala. Bulag na Pariseo! Linisin mo muna ang mga nasa loob ng tasa at ng pinggan, at magiging malinis din ang labas nito!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

24/08/2026

FUNERAL MASS | +ANICETO ENCARNACION

DAILY MASS READINGSAUGUST 24,2026KAPISTAHAN NI APOSTOL SAN BARTOLOMEUNANG PAGBASAPahayag 21, 9b-14Pagbasa mula sa aklat ...
23/08/2026

DAILY MASS READINGS
AUGUST 24,2026

KAPISTAHAN NI APOSTOL SAN BARTOLOME

UNANG PAGBASA
Pahayag 21, 9b-14

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag

Wika ng anghel sa akin, “Halika, at ipakikita ko sa iyo ang Babaing makakaisang-dibdib ng Kordero.” Nilukuban ako ng Espiritu, at inihatid ako ng anghel sa ibabaw ng isang napakataas na bundok. Ipinakita niya sa akin ang Jerusalem, ang Banal ng Lungsod, na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos. Nagliliwanag ito dahil sa kaningningan ng Diyos; kumikislap na gaya ng hiyas na haspeng sinlinaw ng kristal. Ang pader nito’y makapal at mataas at may labindalawang pinto, bawat isa’y may bantay na anghel. Nakasulat sa mga pinto ang pangalan ng labindalawang lipi ng Israel. Tatlo ang pinto ng bawat panig: tatlo sa silangan, tatlo sa timog, tatlo sa hilaga, at tatlo sa kanluran. Ang pader ng lungsod ay may labindalawang saligang-bato at nakasulat dito ang pangalan ng labindalawang apostol ng Kordero.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 144, 10-11. 12-13ab. 17-18

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

Magpupuring lahat sa iyo, O Panginoon, ang iyong nilalang;
lahat mong nilikha ay pupurihin ka’t pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang ‘yong kaharian,
at ibababalitang tunay kang dakila’t makapangyarihan.

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

Dakila mong gawa’y upang matalastas ng lahat ng tao,
mababatid nila ang kadikalaan ng paghahari mo.
Ang paghahari mo’y sadyang walang hanggan, hindi magbabago.

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

Matuwid ang Diyos sa lahat ng bagay niyang ginagawa;
kahit anong gawin ay kalakip doon ang habag at awa.
Siya’y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao
sa sinumang taong pagtawag sa kanya’y tapat at totoo.

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

ALELUYA
Juan 1, 49b

Aleluya! Aleluya!
G**o, Anak na Butihinng
Diyos Amang masintahin,
ika’y hari ng Israel.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 1, 45-51

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, hinanap ni Felipe si Natanael, at sinabi rito, “Natagpuan namin si Hesus na taga-Nazaret, ang anak ni Jose. Siya ang tinutukoy ni Moises sa kanyang sinulat sa Kautusan, at gayun din ng mga propeta.” “May magmumula bang mabuti sa Nazaret?” Tanong ni Natanael. Sumagot si Felipe, “Halika’t tingnan mo.”

Nang malapit na si Natanael ay sinabi ni Hesus, “Masdan ninyo ang isang tunay na Israelita; siya’y hindi magdaraya!” Tinanong siya ni Natanael, “Paano ninyo ako nakilala?” Sumagot si Hesus, “Bago ka pa tawagin ni Felipe, nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos.” “Rabi, kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel!” wika ni Natanael. Sinabi ni Hesus, “nanampalataya ka ba dahil sa sinabi ko sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Makakikita ka ng mga bagay na higit kaysa rito!” At sinabi niya sa lahat, “Tandaan ninyo: makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Diyos ay manhik-manaog sa kinaroroonan ng Anak ng Tao!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

DAILY MASS READINGSAGOSTO 23,2026IKA-21 NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHONUNANG PAGBASAIsaias 22, 19-23Pagbasa mula sa akla...
22/08/2026

DAILY MASS READINGS
AGOSTO 23,2026

IKA-21 NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON

UNANG PAGBASA
Isaias 22, 19-23

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Sinabi ng Panginoon kay Sabnang katiwala sa palasyo:
“Aalisin kita sa iyong katungkulan,
at palalayasin sa iyong kinalalagyan.
Tatawagin ko sa araw na iyon ang aking lingkod,
si Eliaquim na anak ni Helcias.
Siya ang pagsusuutin ko ng iyong buong kasuotan,
ibibigay ko sa kanya ang iyong kapangyarihan,
siya ang magiging pinakaama ng Jerusalem at ng Juda.
Ibibigay ko sa kanya ang susi ng bahay ni David;
ang kanyang buksa’y walang makapagsasara
at walang makapagbubukas ng ipininid niya.
Itatayo ko siyang parang haligi ng tolda
itatayo ko nang matibay sa isang matatag na lugar
at siya’y magiging marangal na luklukan
para sa sambahayan ng kanyang ama.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 6 at 8bk

Pag-ibig mo’y di kukupas,
gawain mo’y magaganap.

Ako, P**n, buong pusong aawit ng pasalamat,
sa harap ng mga anghel, pupurihin kitang ganap.
Sa harap ng iyong templo ay yuyuko at gagalang,
pupurihin kita roon, pupurihin ang ‘yong ngalan.

Pag-ibig mo’y di kukupas,
gawain mo’y magaganap.

Dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan,
ika’y tunay na dakila, pati iyong kautusan.
Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo,
sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako.

Pag-ibig mo’y di kukupas,
gawain mo’y magaganap.

Dakila man ang P**ng D’yos, mahal din niya ang mahirap
kumubli ma’y kita niya yaong hambog at pasikat.
Ang dahilan nito, P**n, pag-ibig mo’y di kukupas.
at ang mga sinimulang gawain mo’y magaganap.

Pag-ibig mo’y di kukupas,
gawain mo’y magaganap.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 11, 33-36

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Napakasagana ng kayamanan ng Diyos! Di matarok ang kayamanan, karunungan at kaalaman ng Diyos! Hindi malirip ang kanyang mga panukala at pamamaraan! Gaya ng nasusulat:

“Sapagkat sino ang nakaalam sa pag-iisip ng Panginoon,
O sino ang nakapagkaloob ng anuman sa Diyos
para siya nama’y gantimpalaan?”

Sapagkat mula sa kanya at sa pamamagitan niya at sa kanya ang lahat ng bagay. Sa kanya ang karangalan magpakailanman! Amen.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 16, 18

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, Pedro, ang saligan
ng aking simbahang banal
na daig ang kamatayan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 16, 13-20

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, dumating si Hesus sa lupain ng Cesarea ng Filipos. Tinanong niya ang kanyang mga alagad, “Sino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?” At sumagot sila, “Ang sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo. Sabi naman ng iba, si Elias kayo. At may nagsasabi pang si Jeremias kayo o isa sa mga propeta.” “Kayo naman, ano ang sabi ninyo? Sino ako?” tanong niya sa kanila. Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito’y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Amang nasa langit. At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking simbahan, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.” At mahigpit niyang tinagubilinan ang kanyang mga alagad na huwag sabihin kaninuman na siya ang Kristo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

22/08/2026

IKA-21LINGGO SA KARANIWANG PANAHON

Agosto 23, 2026 | 6:00 AM

Tagapagdiwang:
Reb. Pdr. Melchor Castañeda

San Nicolas de Tolentino Parish
San Nicolas, Batangas


📢 SAN NICOLAS DE TOLENTINO PARISH SHIRT 2026"Wear your faith. Support our mission."The Ministry on Social Services is no...
22/08/2026

📢 SAN NICOLAS DE TOLENTINO PARISH SHIRT 2026
"Wear your faith. Support our mission."

The Ministry on Social Services is now accepting pre-orders for the Official San Nicolas de Tolentino Parish Shirt.

👕 Price: ₱250.00 each
📏 Available Sizes:
For Adult: XS to 3XL
For Kids: S to TS

Pre-Order Schedule

✅ First Batch Cut-off: August 9, 2026
✅ Second Batch Cut-off: August 16, 2026
✅ Last Batch Cut-off: August 23, 2026

📝 Kindly accomplish the Google Form to place your pre-order:

Parish Shirt Pre-Order Form
https://forms.gle/FM6tcL4VrGGYSLat7

For bulk orders or inquiries, you may send a direct message to:

Engr. Oliver S. Dimailig
Ministry Head, Ministry on Social Services
📱 0920-263-1053

❤️ All proceeds will support the Ministry on Social Services and will be used to fund its various proposed programs and projects for the benefit of our parish community.

Maraming salamat po sa inyong suporta at pakikiisa!
Together, let us strengthen our faith by serving others. 🙏

DAILY MASS READINGSAGOSTO 22,2026PAGGUNITA SA PAGKA-REYNA NG MAHAL NA BIRHENG MARIAUNANG PAGBASAIsaias 9, 1-6Pagbasa mul...
21/08/2026

DAILY MASS READINGS
AGOSTO 22,2026

PAGGUNITA SA PAGKA-REYNA NG MAHAL NA BIRHENG MARIA

UNANG PAGBASA
Isaias 9, 1-6

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Nakatanaw ng isang malaking liwanag
ang bayang malaon nang nasa kadiliman,
namanaag na ang liwanag
sa mga taong namumuhay sa lupaing balot ng dilim.
Iyong pinasigla ang kanilang pagdiriwang,
dinagdagan mo ang kanilang tuwa.
Tulad ng mga tao sa panahon ng anihan,
tulad ng mga taong naghahati ng nasamsam na kayamanan.
Nilupig mo ang bansang umalipin sa iyong bayan
tulad ng pagkalupig sa hukbo ng Madian.
Binali mo ang panghambalos ng mga tagapagpahirap sa kanila.
Sapagkat ang panyapak ng mga mandirigma,
ang lahat ng kasuotang tigmak sa dugo ay susunugin.
Sapagkat ipinanganak para sa atin ang isang sanggol na lalaki
at siya ang mamamahala sa atin.
Siya ang Kahanga-hangang Tagapayo, ang Makapangyarihang Diyos,
Walang hanggang Ama, ang Prinsipe ng Kapayapaan.
Malawak na kapangyarihan at walang hanggang kapayapaan
ang ipagkakaloob sa trono ni David at sa kanyang paghahari
upang matatag ito at papanatilihin sa katarungan at katwiran ngayon at magpakailanman.
Isasagawa ito ng Makapangyarihang Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 112, 1-2. 3-4. 5-6. 7-8

Ngalan ng D’yos ay idangal
ngayon at magpakailanman.

o kaya: Aleluya.

Dapat na magpuri ang mga alipin,
ang ngalan ng P**n ay dapat purihin.
Ang kanyang pangalan ay papupurihan,
magmula ngayo’t magpakailanman.

Ngalan ng D’yos ay idangal
ngayon at magpakailanman.

Buhat sa silangan, hanggang sa kanluran,
ang ngalan ng P**n, pupurihing tunay.
Siya’y naghahari sa lahat ng bansa,
lampas pa sa langit ang pagkadakila.

Ngalan ng D’yos ay idangal
ngayon at magpakailanman.

Walang makatulad ang Panginoong Diyos,
na sa kalangitan doon naluluklok;
buhat sa itaas siya’y tumutunghay,
ang lupa at langit kanyang minamasdan.

Ngalan ng D’yos ay idangal
ngayon at magpakailanman.

Mula sa alabok ang mga mahirap,
sa pagkalugami ay itinataas.
Sa mga prinsipe ay isinasama,
nagiging prinsipe ang mga lingkod n’ya.

Ngalan ng D’yos ay idangal
ngayon at magpakailanman.

ALELUYA
Lucas 1, 28

Aleluya! Aleluya!
Aba, Ginoong Maria,
napupuno ka ng grasya,
D’yos ay kapiling mo t’wina.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 1, 26-38

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Nang ikaanim na buwan na ng pagdadalantao ni Elisabet, ang anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, Galilea, sa isang dalaga na ang pangala’y Maria. Siya’y nakatakdang ikasal kay Jose, isang lalaki buhat sa lipi ni Haring David. Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito. “Matuwa ka! Ikaw ay kalugod-lugod sa Diyos,” wika niya. “Sumasaiyo ang Panginoon.” Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap, at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan niyon. Kaya’t sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at siya’y tatawagin mong Hesus. Magiging dakila siya, at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailanman, at ang kanyang paghahari ay walang hanggan.”

“Paanong mangyayari ito, gayong ako’y dalaga?” tanong ni Maria. Sumagot ang anghel, “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan. Kaya’t banal ang ipanganganak mo at tatawaging Anak ng Diyos. Natatandaan mo ang iyong kamag-anak na si Elisabet? Alam ng lahat na siya’y baog, ngunit naglihi siya sa kabila ng kanyang katandaan. At ngayo’y ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalantao – sapagkat walang hindi mapangyayari ang Diyos.”

Sumagot si Maria, “Ako’y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng anghel.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN KAY SAN NICOLAS DE TOLENTINOO maawain at totoong iniibig ng Diyos, San Nicolas de Tolentino, sinaklolohan ng ...
21/08/2026

PANALANGIN KAY SAN NICOLAS DE TOLENTINO

O maawain at totoong iniibig ng Diyos, San Nicolas de Tolentino, sinaklolohan ng inang kalinislinisan, inusig ng buong impiyerno. Kinalinga ng mga banal na anghel, naging tunay kang pulubi ni Hesukristo, birheng hinirang niyaong Panginoon mula ng kalinisan, at naging masunuring walang hanggan,kagaya rin ni Hesukristong namimintuho sa Ama sa langit, hanggang sa namatay na hubad at pinahirapan sa isang krus. Banal na ubod ng ligaya, dahil sa nilasap mo ang kagandahang loob na tapat na bihis sa gawang magaling ay iyong tinamo ang kaligayahan ng ating Diyos at Panginoon.

Kaya’t isinasamo ko sa iyo, nang buong pagmamahal at buong alab na pag-ibig na idalangin mo ako sa Panginoong Diyos, na mamalaging maningas ang pag-ibig kong ito. At kainisan ko ang lahat ng makapagpapa-hamak sa aking kaluluwa.Loobin mo rin nawang idalangin ang aking pagbabagong-buhay at ang aking hinihiling sa pagsisiyam na ito,kung ito ay sa lalong ikaluluwalhati
ng Diyos, at sa ikagagaling naman ng aking kaluluwa.

O Diyos Kong lumikha sa akin! Wala Kang ibig kundi ang ibigin Ka namin, at ang iligtas namin ang aming mga kaluluwa. Saan kaya ako hahantong, Panginoon,kung Ikaw ay lubusan ng talikuran at mahalin ko ang mga aring walang kabuluhanat napapawing parang hangin?

Sa Iyong lubos na pagmamahal sa akin,
ako ay Iyong pinagtiisan hanggang sa mga sandaling ito at hinintay Mo ang aking pagbabalik- loob. Dahil nga dito’y naririto ako ngayon na nagpapatirapa sa Iyong paanan at hindi ko malaman kung ano ang aking sasabihin dahil sa laki ng aking kahihiyan sa hindi ko pagkilala sa pag-aampon Mo at sa mga kabutihang ibinigay Mo sa akin. Dumudulog ako ngayon sa Iyong harapan na walang kapantay, at inaasam-asam kong mamamagitan sa akin ang mga karapatan ng Iyong kabanal-banalang Ina at ng iyong aliping si San Nicolas de Tolentino. Ngayo’y inihahayag ko ang aking mga sala na lubos kong pinagsisisihan ang aking pagtataksil sa iyo.Nagkasala ako, Panginoon ko. Mahabag Ka sa akin. Nagkasala nga ako dahil
sa aking masasamang isip iligtas mo ako alang-alang sa Iyong kabutihan at awa. Siya nawa.

Mahal na Patron San Nicolas de Tolentino, ipanalangin mo kami!

DAILY MASS READINGSAGOSTO 21,2026PAGGUNITA KAY SAN PIO X, PAPAUNANG PAGBASAEzekiel 37, 1-14Pagbasa mula sa aklat ni prop...
20/08/2026

DAILY MASS READINGS
AGOSTO 21,2026

PAGGUNITA KAY SAN PIO X, PAPA

UNANG PAGBASA
Ezekiel 37, 1-14

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Noong mga araw na iyon, nadama ko ang kapangyarihan ng Panginoon at sa pamamagitan ng kanyang Espiritu ay dinala niya ako sa isang lambak na puno ng kalansay. Inilibot niya ako sa lugar na yaong puno ng mga kalansay na tuyung-tuyo na. Tinanong niya ako, “Tao, palagay mo ba ay maaari pang mabuhay ang mga kalansay na ito?”

Sumagot ako, “Kayo po lamang ang nakaaalam, Panginoon?”

Sinabi niya sa akin, “Magpahayag ka sa mga kalansay na ito. Sabihin mo: Mga tuyong kalansay, dinggin ninyo ang Salita ng Panginoon. Ito ang ipinasasabi niya: Bibigyan ko kayo ng hininga at kayo’y mabubuhay. Lalagyan ko kayo ng litid at laman, at babalutin ng balat. Bibigyan ko kayo ng hininga at kayo’y mabubuhay. Sa gayun, makikilala nilang ako ang Panginoon.”

Nagpahayag nga ako, tulad ng utos sa akin. Nang ako’y nagsasalita, nagkaroon ng malakas na ugong, at nabuo ang mga kalansay. Nakita kong sila’y nagkaroon ng litid at laman; nabalot sila ng balat ngunit hindi pa humihinga. Sinabi sa akin ng Panginoon, “Tao, tawagan mo ang hangin sa lahat ng dako. Sabihin mong ipinasasabi ko: Hangin, hingahan mo ang mga patay na ito upang sila’y mabuhay.” Nagpahayag nga ako at pumasok sa kanila ang hininga. Nabuhay nga sila at nang magtayuan, sila’y ubod ng dami, parang isang malaking hukbo.

Sinabi sa akin ng Panginoon, “Tao, ang bansang Israel ay tulad ng mga kalansay na ito. Sinasabi nila, ‘Tuyo na ang aming mga buto, wala na kaming pag-asa. Lubusan na kaming pinabayaan.’ Kaya nga, magpahayag ka. Sabihin mong ipinasasabi ko: Bayan ko, ibubukas ko ang inyong libingan at maibangon ko kayo, makikilala ninyong ako ang Panginoon. Hihingahan ko kayo upang kayo’y mabuhay, at ibabalik ko kayo sa inyong sariling bayan. Sa gayun, malalaman ninyo na akong Panginoon ang nagsabi nito at aking gagawin.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 106, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9

Panginoo’y papurihan
sa pag-ibig n’ya kailanman.

o kaya: Aleluya.

Ang mga naligtas,
tinubos ng Diyos, bayaang magpuri,
yamang nangaligtas sa tulong ng P**n,
sa sariling bayan,
sila ay tinipo’t pinagsama-sama,
silanga’t kanluran,
timog at hilaga, ay doon kinuha.

Panginoo’y papurihan
sa pag-ibig n’ya kailanman.

Mayro’ng naglumagak
sa ilang na dako, at doon nanahan,
sapagkat sa lungsod
ay wala nang lugar silang matirahan.
Wala nang makain
kaya’t nangagutom, nauhaw na lubha,
ang katawan nila
ay naging lupaypay, labis na nanghina.

Panginoo’y papurihan
sa pag-ibig n’ya kailanman.

Nang sila’y magipit,
sa Panginoong Diyos, sila ay tumawag,
at dininig naman
sa gipit na lagay, sila’y iniligtas.
Inialis sila
sa lugar na iyon at pinatnubayan,
tuwirang dinala
sa payapang lungsod at doon tumahan.

Panginoo’y papurihan
sa pag-ibig n’ya kailanman.

Kaya dapat namang
sa Panginoong Diyos ay magpasalamat,
dahil sa pag-ibig
at kahanga-hanga niyang pagliligtas.
Yaong nauuhaw
ay pinaiinom upang masiyahan,
ang nangagugutom
ay pawang binubusog sa mabuting bagay.

Panginoo’y papurihan
sa pag-ibig n’ya kailanman.

ALELUYA
Salmo 24, 4b. 5a

Aleluya! Aleluya!
Panginoon, ituro mo
na ‘yong landas ay sundin ko
sa pagtahak sa totoo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 22, 34-40

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nagtipun-tipon ang mga Pariseo nang mabalitaan nilang napatahimik ni Hesus ang mga Saduseo. At isa sa kanila, isang dalubhasa sa Kautusan, ang nagtanong kay Hesus upang subukin ito: “G**o, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” Sumagot si Hesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang turo ng mga propeta.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Address

Poblacion
San Nicolas
4207

Telephone

+639179217209

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Nicolas de Tolentino Parish, Vicariate III - Archdiocese of Lipa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to San Nicolas de Tolentino Parish, Vicariate III - Archdiocese of Lipa:

Shortcuts

Share