19/02/2025
MAHAL NA PATRON SAN JOSE, GABAYAN NYO.PO ANG IYONG BAYAN
Ingatan nyo po ang bawat matanda at bata sa anumang kapamahakan. Napapanahon man po ang disgrasya sa ngayon dahil sa mga taong di makontento sa buhay. Mga taong di marunong lumaban ng patas.
Kayo po mamay Jose ang aming tunay na tagapagligtas. Wag nyo po ihahampong na mapahamak ang inyong mga anak 🙏🙏🙏 harangan nyo po ang mga taong papasok sa inyong Baranggay na magbabalak gumawa ng masama lalo na at nalalapit ang inyong kapistahan. yakapin nyo po at hipuin ang puso upang maisip nila gawin ang tama.
Lahat ng ito ay ipinagkakatiwala namin sayo Mahal naming patron SAN JOSE 💚