22/03/2024
MAHAL NA ARAW at LINGGO NG PAGKABUHAY
Manalangin, Mag-ayuno, Magbahagi
Narito ang mga talaan na gawain ng ating Parokya simula Marso 24, 2024 hanggang Marso 31, 2024.
Magkaisa tayo sa mga makabuluhang gawain ng ating parokya ngayong Mahal na Araw. Magdasal, magbigay-pugay, at magbalik-tanaw sa mga aral ng ating Panginoon. Makisama at makiisa sa mga aktibidad ngayong Mahal na Araw para sa mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa biyayang hatid ng pagpapakasakit ni Hesus.