Ministry of the Altar Servers - San Narciso

Ministry of the Altar Servers - San Narciso Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ministry of the Altar Servers - San Narciso, Religious organisation, Brgy. Pagdadamayan, San Narciso.

14/11/2023
14/11/2023

๐•ฎ๐–๐–—๐–Ž๐–˜๐–™๐–š๐–˜ ๐–›๐–Ž๐–“๐–ˆ๐–Ž๐–™, ๐•ฎ๐–๐–—๐–Ž๐–˜๐–™๐–š๐–˜ ๐–—๐–Š๐–Œ๐–“๐–†๐–™, ๐•ฎ๐–๐–—๐–Ž๐–˜๐–™๐–š๐–˜ ๐–Ž๐–’๐–•๐–Š๐–—๐–†๐–™!

November 26, 2023 is CHRIST THE KING SUNDAY. The Solemnity of Our Lord Jesus Christ, King of the Universe is the last Sunday of the liturgical year before a new liturgical year begins with the first Sunday of Advent. Pope Pius XI instituted this feast for the universal Church during the Jubilee Year of 1925 in his encyclical Quas Primas in order to combat a global rise in the evils of atheism, secularism, and communism due to the majority of mankind having rejected Christ and His law. He declared that without honoring the authority of Christ as King, the world would have no hope of lasting peace. His goal was that all world leaders, governments, and nations would honor Christ the King in their civil and political affairs, as well as uphold the rights of His Church, and that the faithful would be reminded that Jesus must reign as King in each individual heart, mind, will, and body.

14/11/2023

MARK YOUR CALENDAR ๐Ÿ™

Tag mo na ang mga pari na gusto mong makitang magperform sa isasagawang 3-day Online Caroling ng Gumaca Clergy sa darating na Dec. 1,2&3, 2023.

For your donation you may Contact Fr. MC Leo Cantara Ramos or Fr. Kedu Marcaida ๐Ÿ™

14/11/2023

Nobyembre 14, 2023
MARTES ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon

MGA PAGBASA SA MISA

Unang Pagbasa:
KARUNUNGAN 2: 23--3: 9

Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan

Pagkat ang tao'y hindi nilikha ng Diyos para mamatay, kundi para maging larawan niyang buhay. Ngunit dahil sa pakana ng diyablo, nakapasok ang kamatayan at ito ang kahihinatnan ng mga napailalim sa kanya.
Ngunit ang mga matuwid ay nasa kamay ng Diyos, at di sila makararanas nang kamunti mang pahirap. Sa akala ng mga hangal, ang mga matuwid ay namamatay; iniisip nilang ang kamatayan ay kapahamakan, at ang pagpanaw nila ay tuluyang paglaho. Ngunit ang totoo, sila'y nananahimik na. Bagamat sa tingin ng tao sila'y pinarusahan, ngunit ang totoo, sila'y nasa buhay na walang hanggan. Ang kaunting pagtitiis nila ay tutumbasan ng malaking pagpapala napatunayan ng Diyos na sila'y karapat-dapat. Sila'y kanyang sinubok, tulad ng ginto sa tunawan, kaya't sila'y tinanggap niyang parang handog na sinusunog.
Pagdating ng Panginoon para gantimpalaan ang mga banal,
magniningning silang parang ningas ng nagliliyab na dayami. Sila ang mamamayani sa mga bansa sa daigdig, at ang Panginoon ang maghahari sa kanila magpakailanman. Ang mga nagtitiwala sa kanya ay makauunawa sa katotohanan ng kanyang pamamaraan. At ang mga naging tapat sa kanya ay mamumuhay na kasama niya sa kanyang pag-ibig, sapagkat siya'y mabuti at maawain sa kanyang mga hinirang.

Ang Salita ng Diyos.

Salmo Responsorio:
AWIT 34: 2-3, 16-19

TUGON:
PALAGI KONG PUPURIHIN
ANG DAKILANG P**N NATIN.

Panginooโ€™y aking laging pupurihin,
Sa pasasalamat di ako titigil.
Aking pupurihin kanyang mga gawa,
Kayong naaapi, makinig, matuwa!

TUGON:
PALAGI KONG PUPURIHIN
ANG DAKILANG P**N NATIN.

Kinukupkop ng Diyos ang mga matuwid
At ang taghoy nilaโ€™y kanyang dinirinig
Nililipol niya yaong masasama
Hanggang sa mapawi sa isip ng madla.

TUGON:
PALAGI KONG PUPURIHIN
ANG DAKILANG P**N NATIN.

Agad dinirinig daing ng matuwid
Inililigtas siya sa mga panganib.
Tumutulong siya sa nasisiphayo
Ang walang pag-asa'y hindi binibigo.

TUGON:
PALAGI KONG PUPURIHIN
ANG DAKILANG P**N NATIN.

Aleluya
JUAN 14: 23

Aleluya! Aleluya!
Ang sa akiโ€™y nagmamahal
tutupad sa aking aral.
Amaโ€™t akoโ€™y mananahan.
Aleluya! Aleluya!

Mabuting Balita
LUCAS 17: 7-10

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ng Panginoon, "Ipalagay nating kayo'y may aliping nag-aararo, o nagpapastol kaya ng tupa. Pagkagaling niya sa bukid, sasabihin ba ninyo sa kanya, 'Halika at nang makakain ka na'? Hindi! Sa halip ay ganito ang sinasabi ninyo: 'Ipaghanda mo ako ng hapunan; magbihis ka, at silbihan mo ako habang ako'y kumakain. Kumain ka pagkakain ko.' Pinasasalamatan ba ang alipin dahil sa ginawa niya ang iniuutos sa kanya? Gayon din naman kayo; kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniutos sa inyo, sabihin ninyo, 'Kami'y mga aliping walang kabuluhan; tumupad lamang kami sa aming tungkulin.' "

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Manalangin tayo sa ating Amang nasa Langit upang matularan natin si Kristo na kanyang Anak sa diwa ng paglilingkod na may pagmamahal.

Tugon
PANGINOON, DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.
o kaya
AMA, PANATILIHIN MO KAMI SA PAGLILINGKOD SA IYO.

Ang Papa, mga obispo, at mga pari nawaโ€™y maging tapat sa paglilingkod nang may kasipagan at dedikasyon sa kalipunan ng mga sumasampalataya. Manalangin tayo sa Panginoon.

Tugon
PANGINOON, DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.
o kaya
AMA, PANATILIHIN MO KAMI SA PAGLILINGKOD SA IYO.

Ang mga pinuno ng ating lipunan nawaโ€™y maging tunay na lingkod na may kasipagan sa pagsasakatuparan ng kabutihang pangkalahatan kaysa unahin ang kanilang sariling pakinabang. Manalangin tayo sa Panginoon.

Tugon
PANGINOON, DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.
o kaya
AMA, PANATILIHIN MO KAMI SA PAGLILINGKOD SA IYO.

Tayo nawaโ€™y lumago sa ating pagsusulong ng katarungan at pag-ibig sa pamamagitan ng ating lubos na paglilingkod sa kapwa sa bawat araw ng ating buhay. Manalangin tayo sa Panginoon.

Tugon
PANGINOON, DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.
o kaya
AMA, PANATILIHIN MO KAMI SA PAGLILINGKOD SA IYO.

Ang mga nagbibigay ng paglilingkod sa mga maysakit nawaโ€™y sumaksi kay Jesus na siyang lingkod ng lahat. Manalangin tayo sa Panginoon.

Tugon
PANGINOON, DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.
o kaya
AMA, PANATILIHIN MO KAMI SA PAGLILINGKOD SA IYO.

Ang ating mga tapat na yumao nawaโ€™y biyayaan ng ating Banal na G**o ng makalangit na gantimpala para sa kanilang mapagmahal na paglilingkod sa lupa. Manalangin tayo sa Panginoon.

Tugon
PANGINOON, DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.
o kaya
AMA, PANATILIHIN MO KAMI SA PAGLILINGKOD SA IYO.

Panginoong Diyos, tulungan mo kaming maging lingkod sa bawat isa kasama si Jesus na aming Panginoon ngayon at magpakailanman. Amen.

Address

Brgy. Pagdadamayan
San Narciso

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ministry of the Altar Servers - San Narciso posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share