23/08/2026
Matagumpay na naisagawa ng Ministry of Altar Servers โ San Sebastian Parish ang pagdiriwang ng Altar Servers Month 2026, na nagtapos sa isang gabi ng pagkakaisa at pasasalamat sa Altar Servers Night 2026.
Tampok dito ang ilang kuha mula sa mga naging gawain ng ministry, mula sa mga simpleng paraan ng pagbabahagi at paglilingkod sa kapwa, hanggang sa mga sandaling sama-samang ipinagdiwang ito at nagtapos sa isang gabi ng pasasalamat sa Altar Servers Night 2026. Bawat kuha ay nagpapakita ng isang buwang puno ng pakikiisa, pagtutulungan, at paglilingkod.
Hindi lamang ito mga larawan at video ng mga naganap sa isang buong buwan ng pagdiriwang ng Altar Server Month. Ito ay isang larawan ng puso ng isang lingkod, hindi lamang sa loob ng simbahan, kundi maging sa labas nito. Dahil ang pagiging lingkod ng dambana ay hindi nagtatapos sa altar; dala natin ang diwa ng paglilingkod saan man tayo naroroon.
Sa pagtatapos ng pagdiriwang, isang bagay ang malinaw: ang tunay na diwa ng pagiging Altar Server ay hindi lamang nakikita sa harap ng altar, kundi pati sa mga simpleng paraan ng paglilingkod sa kapwa.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐:
No copyright infringement intended. All rights and credits belong to their respective owners.