05/10/2026
Ang Villa Reyes Baptist Church ay nagluluksa sa pagpanaw ng ating minamahal na kapatid sa pananampalataya, si Tatay Eutiquio M. Calosor. Sa kabila ng ating kalungkutan, tayo ay may natatanaw na pag-asa, dahil siya ay tinawag na ng Panginoon upang makapiling Nya. Siya po ay nakilala sa kanyang matatag at matibay na paninindigan. Siya ay naging haligi ng pananampalataya at source ng encouragement sa lahat ng kapatiran. Nanatili syang tapat sa paglilingkod sa Panginoon hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.
natapos na ang kanyang takbuhin at siya ay payapa nang nagpapahinga sa Piling ng ating Panginoon....
Ganito ang sabi ng salita ng Panginoon sa aklat ng Pahayag 14:13 "...Mapapalad ang mga patay na nangamatay sa Panginoon mula ngayon: oo, sinasabi ng Espiritu, upang sila'y mangagpahinga sa kanilang mga gawa:"
Bagama't masakit ang iyong paglisan, nagpapasalamat kami sa Diyos para sa buhay na ipinagkaloob Niya sa iyo at sa pagkakataong nakasama ka namin sa paglilingkod.
Ang aming taos-pusong pakikiramay sa buong pamilya nyang naulila, nawa'y patuloy kayong palakasin, aliwin at pagkalooban ng Panginoon ng kapayapaan sa panahong ito ng pagluluksa
Hanggang sa muli nating pagkikita sa piling ng ating Dakilang Tagapagligtas!