Heart of Jesus Church - San Miguel

Heart of Jesus Church -  San Miguel 𝘝π˜ͺ𝘴π˜ͺ𝘰𝘯: 𝘈 𝘀𝘩𝘢𝘳𝘀𝘩 𝘡𝘩𝘒𝘡 𝘣𝘳π˜ͺ𝘯𝘨𝘴 𝘩𝘰𝘱𝘦, 𝘧𝘒π˜ͺ𝘡𝘩, 𝘒𝘯π˜₯ 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘡𝘰 𝘦𝘷𝘦𝘳𝘺 𝘒𝘳𝘦𝘒 𝘰𝘧 𝘱𝘦𝘰𝘱𝘭𝘦'𝘴 𝘭π˜ͺ𝘷𝘦𝘴.

π˜”π˜ͺ𝘴𝘴π˜ͺ𝘰𝘯: π˜›π˜° π˜₯𝘦𝘷𝘦𝘭𝘰𝘱 𝘒 𝘊𝘩𝘳π˜ͺ𝘴𝘡-𝘀𝘦𝘯𝘡𝘦𝘳𝘦π˜₯ 𝘩𝘦𝘒𝘳𝘡.

πŸ“– Ephesians 4:30 (KJV)"And grieve not the holy Spirit of God, whereby ye are sealed unto the day of redemption."Bilang t...
26/08/2026

πŸ“– Ephesians 4:30 (KJV)

"And grieve not the holy Spirit of God, whereby ye are sealed unto the day of redemption."

Bilang tayo ay mga lingkod ng Diyos, itinuturo ng Efeso 4:30 na mahalagang maging maingat tayo sa ating mga salita, kilos, at mga desisyon dahil ayaw nating mapighati ang Banal na Espiritu na nananahan sa atin.

Minsan nagkakamali tayo, nagagalit, nasasaktan, o nakakagawa ng mga bagay na hindi kalugod-lugod sa Diyos. Pero bilang mga lingkod Niya, tinatawag tayong mamuhay nang may pagpapakumbaba, pagsunod, at pagnanais na mapasaya Siya.πŸ™

Hindi ibig sabihin na kailangan nating maging perfect. Ang mahalaga ay kapag namulat tayo na mali ang ating ginagawa, marunong tayong magsisi, humingi ng tawad, at bumalik sa tamang landas.πŸ˜‡

As servants of God, let our lives bring joy to the Holy Spirit, not grief.βœ…βœ¨

GOD BLESS AND SHALOM EVERYONE!πŸ˜‡

πŸ“– Philippians 4:13 (KJV)β€œI can do all things through Christ which strengtheneth me.” 🀍Bilang mga lingkod ng Diyos, itinu...
24/08/2026

πŸ“– Philippians 4:13 (KJV)

β€œI can do all things through Christ which strengtheneth me.” 🀍

Bilang mga lingkod ng Diyos, itinuturo ng verse na ito, na hindi natin kailangang umasa sa sarili nating lakas para magampanan ang ipinagkatiwala sa atin ng Diyos. May mga pagkakataong mapapagod tayo, panghihinaan ng loob, o mararamdaman nating hindi natin kaya. Pero kapag si Cristo ang ating sandigan, binibigyan Niya tayo ng lakas para magpatuloy at gawin ang ating tungkulin.✨❀

Hindi ibig sabihin na kaya natin ang lahat ng gusto natin, kundi kaya nating harapin ang anumang ipinapagawa at ipinapahintulot ng Diyos dahil Siya ang nagbibigay sa atin ng lakas.πŸ™πŸ™Œ

As servants of God, our strength doesn't come from how capable we are, but from Christ who strengthens us.βœ…πŸ™‡

GOD BLESS AND SHALOM EVERYONE!πŸ˜‡

πŸ“– 1 Timothy 2:2 (KJV)β€œFor kings, and for all that are in authority; that we may lead a quiet and peaceable life in all g...
22/08/2026

πŸ“– 1 Timothy 2:2 (KJV)

β€œFor kings, and for all that are in authority; that we may lead a quiet and peaceable life in all godliness and honesty.” 🀍

Minsan mas madali nating punahin o kwestyunin ang mga namumuno, lalo na kapag hindi tayo sang-ayon sa kanilang mga ginagawa. Pero pinapaalala ng salita ng Diyos na ito na sa halip na puro reklamo, dalhin natin sila sa panalangin.βœ¨πŸ™‡

Ipanalangin natin na bigyan sila ng Diyos ng karunungan, tamang puso, at gabay sa bawat desisyon. Hindi man natin kontrolado ang kanilang mga ginagawa, maaari nating ipagkatiwala sa Diyos ang ating mga alalahanin tungkol sa kanila.πŸ™

Instead of only talking about our leaders, let us talk to God about them.βœ…

GOD BLESS AND SHALOM EVERYONE!πŸ˜‡

πŸ“–Nahum 1:7Si Yahweh ay napakabuti matibay na kanlungan sa panahon ng kaguluhan.Mga nananalig sa kanya'y kanyang inaalaga...
20/08/2026

πŸ“–Nahum 1:7
Si Yahweh ay napakabuti matibay na kanlungan sa panahon ng kaguluhan.
Mga nananalig sa kanya'y kanyang inaalagaan.πŸ™ŒπŸ™‡

Minsan may mga panahon na hindi natin alam kung saan tayo kukuha ng lakas. May mga problema na mabigat, may mga bagay na hindi natin kontrolado, at may mga araw na gusto na lang nating magpahinga at sumuko.

Pero pinapaalala ng verse na ito na ang Diyos ay mabuti at Siya ang ating kanlungan sa oras ng kaguluhan. Kilala Niya ang mga taong nagtitiwala sa Kanya at hindi Niya sila iniiwan sa panahon ng pagsubok.βœ…πŸ™Œ

Hindi man agad mawala ang problema, maaari tayong magkaroon ng kapayapaan dahil alam nating may Diyos tayong masasandalan.πŸ™β™₯

Kapag magulo ang lahat, tandaan mong may Diyos na mabuti, tapat, at laging handang maging kanlungan mo.πŸ˜‡

GOD BLESS AND SHALOM EVERYONE!πŸ˜‡

πŸ“–Proverbs 22:4Humility is the fear of the Lord; its wages are riches and honor and life.✨Ipinapaalala nito sa atin na an...
18/08/2026

πŸ“–Proverbs 22:4
Humility is the fear of the Lord; its wages are riches and honor and life.✨

Ipinapaalala nito sa atin na ang pagpapakumbaba at paggalang sa Diyos ay may magandang bunga sa ating buhay. Hindi lang ito tungkol sa materyal na pagpapala, kundi sa pagkakaroon ng tamang puso at tamang direksyon sa buhay.

Sa araw-araw, madaling maging proud sa mga achievements, kakayahan, o mga bagay na mayroon tayo. Pero tinuturuan tayo ng Diyos na manatiling humble, dahil lahat ng mayroon tayo ay nagmumula sa Kanya.

Kapag natututo tayong magpakumbaba, sumunod sa Diyos, at mamuhay ayon sa Kanyang kalooban mas nagiging maayos ang paraan ng pagharap natin sa buhay at sa ibang tao.βœ…πŸ™Œ

Humility keeps the heart grounded, while honoring God keeps our life on the right path.πŸ™

GOD BLESS AND SHALOM!πŸ˜‡

πŸ“–John 6:35Then Jesus declared, β€œI am the bread of life. Whoever comes to me will never go hungry, and whoever believes i...
15/08/2026

πŸ“–John 6:35
Then Jesus declared, β€œI am the bread of life. Whoever comes to me will never go hungry, and whoever believes in me will never be thirsty.”

Minsan hinahanap natin ang satisfaction sa maraming bagay. Sa achievements, sa ibang tao, sa pera, sa validation, o sa mga bagay na akala natin ay makakapagpasaya sa atin. Pero kahit makuha natin ang mga iyon, may mga pagkakataon pa rin na parang may kulang.

Pinapaalala ni Jesus na , Siya ang tunay na tinapay ng buhay. Siya lamang ang makakapuno sa spiritual hunger ng puso natin at makakapagbigay ng satisfaction na hindi kayang ibigay ng mundo.πŸ™ŒπŸ»

Kapag pakiramdam natin ay empty, lost, o pagod na tayo sa kakahanap ng fulfillment, bumalik tayo kay Jesus. Hindi Niya tayo bibigyan ng panandaliang satisfaction, kundi ng buhay at pag-asa na nagmumula sa Kanya.πŸ™

The world can never satisfy what only Jesus can fill.βœ…βœ¨

GOD BLESS AND SHALOM EVERYONE!πŸ˜‡

πŸ“–Mangangaral 11:9"Magalak ka binata sa panahon ng iyong kabataan. Gawin mo ang gusto mo at lahat ng kaakit-akit sa panin...
13/08/2026

πŸ“–Mangangaral 11:9

"Magalak ka binata sa panahon ng iyong kabataan. Gawin mo ang gusto mo at lahat ng kaakit-akit sa paningin mo. Ngunit tandaan mong ang lahat ng ito'y iyong ipagsusulit sa Diyos."

Kabataan ang panahon para mangarap, mag-enjoy, makipagkaibigan, gumawa ng memories, at i-enjoy ang mga pagkakataong binibigay ng Diyos. Pero sa bawat choice natin, tandaan natin na "every action has a consequence, and we are accountable for the choices we make."βœ¨βœ…

Hindi lahat ng uso ay tama, at hindi lahat ng gusto natin ay makakabuti sa atin. Kaya habang nag-e-enjoy tayo sa buhay, matuto rin tayong mag-isip bago kumilos at piliing gawin ang mga bagay na alam nating kalugod-lugod sa Diyos.πŸ™

Enjoy your youth, but don't forget who gave you the life you're enjoying.βœ¨πŸ™‡

GOD BLESS AND SHALOM EVERYONE!πŸ˜‡

πŸ“–Psalm 73:26"My flesh and my heart may fail, but God is the strength of my heart and my portion forever".May mga araw na...
09/08/2026

πŸ“–Psalm 73:26
"My flesh and my heart may fail, but God is the strength of my heart and my portion forever".

May mga araw na pagod na pagod tayo, hindi lang physically kundi pati sa isip at puso. May mga bagay na gusto nating kayanin, pero may mga pagkakataon din na kailangan nating aminin na hindi na natin kaya mag-isa.πŸ™‡πŸΌβ€β™‚οΈ

Pinapaalala sa atin ng verse na ito na kahit manghina tayo, hindi nauubos ang lakas ng Diyos. Kapag pakiramdam natin ay wala na tayong maibigay, maaari tayong kumapit sa Kanya at hayaan Siyang maging lakas natin.πŸ™πŸ»πŸ™ŒπŸ»

Kapag mahina tayo, hindi ibig sabihin na mag-isa tayo. May Diyos tayong maaari nating sandalan.βœ…οΈπŸ™ŒπŸ»πŸ€

GOD BLESS AND SHALOM!πŸ˜‡

πŸ“–Luke 16:10Whoever can be trusted with very little can also be trusted with much, and whoever is dishonest with very lit...
06/08/2026

πŸ“–Luke 16:10
Whoever can be trusted with very little can also be trusted with much, and whoever is dishonest with very little will also be dishonest with much.

Ang katapatan ay nagsisimula sa maliliit na bagay. Minsan iniisip natin na ang malalaking pagkakataon lang ang mahalaga, pero pinapaalala ng verse na ito na tinitingnan ng Diyos kung paano tayo maging tapat sa mga simpleng responsibilidad na ipinagkakatiwala Niya sa atin.πŸ™βœ¨

Kapag tapat tayo sa maliliit na bagay, ipinapakita nating maaari tayong pagkatiwalaan sa mas malalaking bagay.βœ…πŸ˜‡

GOD BLESS AND SHALOM EVERYONE!πŸ˜‡

Address

San Juan
San Miguel

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Heart of Jesus Church - San Miguel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share