Bisita ni San Vicente Ferrer - Sub-Parish Pastoral Council

Bisita ni San Vicente Ferrer - Sub-Parish Pastoral Council Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bisita ni San Vicente Ferrer - Sub-Parish Pastoral Council, Church, Rizal Street , San Vicente, San Miguel.

Opisyal na Pahina ng Bisita ni San Vicente Ferrer - San Vicente, San Miguel, Bulacan ng Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Miguel Arcangel, San Miguel Bulacan

MASS SCHEDULES:
• Every Saturday & First Wednesday | 6:00PM

May Misa po tayo mamaya sa Bisita! Inaanyayahan po ang lahat na makiisa.
23/05/2026

May Misa po tayo mamaya sa Bisita!
Inaanyayahan po ang lahat na makiisa.




22/05/2026

𝐒𝐈𝐌𝐁𝐀-𝐀𝐑𝐀𝐋𝐀𝐍 𝐉𝐈𝐍𝐆𝐋𝐄 𝐅𝐎𝐑 𝐏𝐎𝐒𝐓-𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐀𝐍𝐓𝐒

Pakinggan natin ang awiting "Bata, Mag-Antanda" na nilikha para sa 𝗦𝗜𝗠𝗕𝗔-𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡. Ang awitin ay sa likha ni Rdo. Padre Allan Antonio habang ang animation naman ay sa pangunguna ng DYCI.

Isa lamang ito sa mga awiting handog para sa isinasagawang programa ng Simba-aralan na naglalayong mapalalim ang pagtuturo ng Katesismo sa mga Kabataan ng Diyosesis ng Malolos. Maaaring subaybayan ang iba pang gawaing kaugnay nito sa pamamagitan ng pag-follow sa Official page ng Simba-Aralan - Diyosesis ng Malolos.


=================
Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!
Website: https://dioceseofmalolos.ph/
Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganmalolos
Instagram: https://www.instagram.com/angsandiganmalolos
Youtube: https://www.youtube.com/c/angsandiganmalolos
TikTok: https://www.tiktok.com/

Matapos nating Ipagdiwang ang Kapistahan ng Pagkakatagpo sa Krus na Banal noong Mayo 2, 2026 na kinapalooban ng Sagahana...
21/05/2026

Matapos nating Ipagdiwang ang Kapistahan ng Pagkakatagpo sa Krus na Banal noong Mayo 2, 2026 na kinapalooban ng Sagahanan ng Santa Krusan.

Ating naman ngayong Paparangalan ang Mahal na Birhen ang La Purisima Concepcion, Ang Marikit na Bulaklak sa Hardin ng Langit.

Bilang buod ng Buwan ng Mayo sa ating Bisita, narito ang talaan ng mga gawain kaugnay ng Pagpaparangal sa Mahal na Birhen.




19/05/2026
𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍, 𝐀𝐏𝐎 𝐈𝐆𝐔𝐄!Ang buong Sambayanan ng Diyos ng Bisita ni San Vicente Ferrer ay lubos na bumabati ng is...
08/05/2026

𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍, 𝐀𝐏𝐎 𝐈𝐆𝐔𝐄!

Ang buong Sambayanan ng Diyos ng Bisita ni San Vicente Ferrer ay lubos na bumabati ng isang Mayumo at Maligayang Kapistahan ni San Miguel Arcangel sa ating Inang Parokya, ang Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Miguel Arcangel. Viva, Apo Igue!




𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 Nakahanda na ang Imahen Festejado ni San Miguel Arcangel de Mayumo na nasa pangangalaga ng mga Tagapagmana ni Do...
06/05/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍

Nakahanda na ang Imahen Festejado ni San Miguel Arcangel de Mayumo na nasa pangangalaga ng mga Tagapagmana ni Doña Narcisa Buencamino De Leon, para sa Prusisyon ng Dapit sa Bisperas ng Kapistahan. | Mayo 06




𝗦𝗜𝗠𝗕𝗔-𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 | 𝘋𝘢𝘺 1 & 2 Matagumpay na naisagawa ang Una at Ikalawang Araw ng Simba-Aralan noong ika-4 at ika-5 ng Mayo ...
06/05/2026

𝗦𝗜𝗠𝗕𝗔-𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 | 𝘋𝘢𝘺 1 & 2

Matagumpay na naisagawa ang Una at Ikalawang Araw ng Simba-Aralan noong ika-4 at ika-5 ng Mayo sa ating Bisita. Dinaluhan ito ng mga mag-aaral mula sa ating barangay na aktibong nakikiisa sa gawain ito.

Layunin ng gawaing ito na hubugin ang kanilang kaalaman at palalimin ang kanilang pananampalataya sa Diyos. Sa pamamagitan nito, higit nilang nakikilala at napalalalim ang kanilang ugnayan sa ating Panginoong Hesus.




𝐌𝐀𝐘𝐔𝐌𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐓𝐈!Noong ika-4 ng Mayo, sa ginanap na Gabi ng Parokya, iginawad ang Gawad Kalasag: Parangal sa Katapatan a...
05/05/2026

𝐌𝐀𝐘𝐔𝐌𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐓𝐈!

Noong ika-4 ng Mayo, sa ginanap na Gabi ng Parokya, iginawad ang Gawad Kalasag: Parangal sa Katapatan at Paglilingkod sa mga Sub-Parish Pastoral Council ng ating Parokya. Kabilang sa mga pinarangalan ang Sub-Parish Pastoral Council ng ating Bisita. Tinanggap ang parangal ng ating SPPC President na si Sis. Gloria Manapul, kasama ang iba pang mga lingkod ng ating Bisita.

Photo from Cofradia de San Miguel Arcangel




Address

Rizal Street , San Vicente
San Miguel

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bisita ni San Vicente Ferrer - Sub-Parish Pastoral Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category