24/07/2025
Mahalagang anunsyo! 📣
Magandang Gabi po mga kapatid. Narito ang oras ng Prusisyon at Banal na misa na gaganapin bukas sa ating bisita bilang pagdiriwang ng kapistahan ng ating mahal na Patron, Apostol Santiago. Inaanyayahan po ang lahat ng ating kapatid sa pananampalataya na makiisa sa ating mga gawain.
Tuloy po ang lahat ng ating gawain bukas. Ang sabi nga po sa himno ng ating parokya, "Umulan man o umaraw at kahit anong bagyo". Patuloy lamang po tayong manalig at sama-samang manalangin dahil huhupa rin po ang baha at titigil ang bagyo, muling uusbong ang mga biyaya sa ating buhay. Maraming salamat po.