Jmcim San Miguel Bulacan

Jmcim San Miguel Bulacan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Jmcim San Miguel Bulacan, Religious organisation, maharlika Highway, San Miguel.

๐Ÿ™๐Ÿ™Œ๐Ÿ˜‡โค๏ธ
26/08/2023

๐Ÿ™๐Ÿ™Œ๐Ÿ˜‡โค๏ธ

14/02/2023
Praise the Mighty name of our Dearest Jesus ๐Ÿ’ž Address: Zone 3 Barangay Bantog,San Miguel Bulacan (along the highway besi...
18/04/2021

Praise the Mighty name of our Dearest Jesus ๐Ÿ’ž
Address: Zone 3 Barangay Bantog,San Miguel Bulacan (along the highway beside B**G SABON)

Schedule of Services
Every Sunday 10:00am-4pm
Wednesday 1:00pm-5pm
Friday 1:00pm-5pm

Godbless ๐Ÿ˜‡

25/03/2021

Praise the Lord po

17/05/2020

Praise the Lord! Hallelujah

04/04/2020
09/10/2019

**๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ— ๐ง๐š ๐“๐š๐จ๐ง ๐ง๐  ๐Œ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ฉ๐š๐ฒ๐š๐ฉ๐š๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐“๐š๐ฅ๐ข๐ฉ๐š๐จ**

๐Ÿ—“ October 6, 2019
๐Ÿ“Quirino Grandstand, Luneta Park Manila

Naging isang matagumpay na pagdiriwang ang paggunita ng buong iglesya ng Jesus Miracle Crusade International Ministry ng ikalabing-siyam na taon ng matagumpay na misyong pangkapayaan sa Talipao noong ikaanim ng Oktubre, araw ng Linggo sa Quirino Grandstand, Luneta Park, Lungsod ng Maynila.

Maaga pa lang ay nagsimula nang dumating ang mga minamahal na kapatiran mula sa iba't-ibang panig ng Pilipinas at ang ilan ay lumipad pa galing ibang bansa. Ika-11:30 ng umaga nang nagsimula ang banal na gawain sa pamamagitan ng isang mataimtim na panalangin na pinangunahan ng mahal na Ordained Preacher Raf Blanco na sinundan ng pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas. Pagkatapos nito ay sinimulan na ang pagpupuri ng masasayang awitin na sinundan ng malumanay na awitan sa loob ng dalawang oras. Buong lakas ang lahat na nagpuri sa Mahal na Panginoon at masisilayan ang kagalakan sa mukha ng bawat kristiyano. Nariyan din ang pagbuhos ng Dakilang Diyos ng Kaniyang banal na presensya habang ang lahat ay taus-pusong nagpupuri nang may pagsusumamo.

Sinundan yaon ng bahagi ng pagpapatotoo kung saan nagpahayag ang mga pinagpalang kapatiran ng mga pagpapala ng mahal na Panginoon sa kanilang mga buhay. Sa pagitan ng mga patotoo ay nag-alay ng mahahalagang bilang ang mga pinagpalang mang-aawit mula sa Adultsโ€™, pinagsamang Youth And Singlesโ€™, Childrensโ€™, Chorale Group and Mimers, Pastoral Workers, Beloved Almeda Family, at ang Jesus' Finest Generation Choir (JFGC). Nariyan ang paglangis ng Pinakamamahal na Panginoong Hesus sapagkat mahihinuha sa bawat titik at nota ng mga awitin ang mensahe ng tagumpay na nagmumula sa Mahal na Panginoong Hesus labing siyam na taon na ang nakaraan. Ang mga Prayer Warriors na nakapiling ng Ginagalang at Mahal na Pastor ay binigyan din ng pagkakataon na magbahagi ng kanilang karanasan at kung paano sila ginabayan ng Mahal na Panginoong Hesus mula sa mababangis na grupo ng Abu Sayyaf doon sa kanilang kuta sa bundok ng Talipao.

Magdadapit-hapon na bago dumating ang minamahal at ginagalang na Pastor Wilde Almeda nang may isang liwanag na mistulang binuksan sa langit ang nasaksihan ng buong iglesya. Ito ay halos tumapat sa gitna ng banal na pulpito. Marami ang namangha sa pagkakataong yaon at may mga kapatiran na nakakuha ng larawan nito. Tunay na tanda na nalulugod ang Mahal na Panginoon sa Kaniyang mga anak na buong-pusong naglilingkod sa Mahal na Panginoon. Pagkatapos nito ay tumila na ang pag-ulan at nagsimula nang lumiwanag.

Habang sinasalubong nang buong galak ng mga matatapat na mananampalataya ang mahal na Pastor sa kanyang pagdating, nagbigay ng kanyang pangungusap ang panganay na anak ng Mahal na Pastor, ang minamahal na Rachel โ€œPeachโ€ Almeda-Esguerra. Malugod niyang ginunita ang kabutihan at himala ng buhay na Diyos sa mahal na ebanghelista noong itoโ€™y nagtungo sa Talipao hanggang sa kanyang pagbaba.

Aniya, โ€œOur Faith will be tested. Amen. Minsan tinatanggal tayo ng Mahal na Panginoon sa ating Comfort Zone. Tinitingnan ng Mahal na Panginoon kung totoo tayong nagmamahal at sumusunod sa ating Dakilang Mahal na Panginoon. Are we willing to die for the Lord mga Minamahal? Handa ba tayong sumunod kahit ang buhay natin ang kapalit?โ€

Matapos ang pagsalubong sa banal na Tao ng Diyos, ipinalabas ang recorded video ng minamahal at ginagalang na Assistant Pastor Lina C. Almeda noong unang nasilayan muli ng lahat ang 12 Prayer Warriors pagbaba nila mula sa bundok ng Talipao kasama ang mahal na Pastor. Habang nangungusap ang mahal na Mama Dear ay namumutawi sa kaniyang mga labi ang kapangyarihan ng Mahal Na Panginoon: tagos sa puso at naramdaman ng bawat isa na ang Mahal Na Panginoon ay sumasakanya at napapaiyak ang halos lahat sa kagalakan. O tunay na napakadakila ng Mahal na Panginoong Hesus!

Matapos ang bahagi ng pagbibigay ng ikapuโ€™t handog, binigyan ng ginintuang pagkakataon ang Chairman ng Apostolic World Christian Fellowship (AWCF) at butihing kaibigan ng Mahal na Pastor, ang Mahal na Bishop Samuel Smith na nagpaabot ng kaniyang personal na pagbati sa Mahal na Pastor at sa buong JMCIM sa pagdiriwang ng anibersaryo ng dakilang misyon sa Talipao.

Bilang pinakamahalagang bahagi, dinala ng Mahal na Minister Wilde James "Pogz" Almeda ang banal na mensahe ng Mahal na Panginoong Hesus. Kaniyang nabanggit sa pangangaral, โ€œNilalakipan ng mga Tanda, ng mga kababalaghan at Himala, confirming the word na tayo (JMCIM) ay sinasamahan ng Diyos: tayo ay di nagbabasakali sa ating Paglilingkod sa Diyos, Tayo ay nasa Tunay na Paglilingkod!" O luwalhati sa Diyos!

Bago magtapos, maraming baguhan at bisita ang tumanggap at nagpabautismo sa tubig sa Ngalan ng Pinakamamahal na Panginoong HesuKristo. Sa kabuuan, muling naging matagumpay ang pagdiriwang at lahat ay umuwi dala ang kagalakang walang pagsidlan mula sa buhay at dakilang Diyos. Sa mahigit kumulang na labindalawang oras ng pananambahan, maraming mga kapatiran pa rin ang nagpahayag na di pa rin sapat ang buong araw upang papurihan ang Mahal na Panginoong Hesus. Patunay lamang na nariyan ang Espiritu ng Diyos sa bawat isa, bagamaโ€™t pagod ay hindi nito matutumbasan ang kabutihan ng Mahal na Panginoong Hesus. Ang Dakilang Misyong pangkapayapaan ay mananatiling isang malaking patotoo na sa Jesus Miracle Crusade International Ministry, ang Diyos na pinaglilingkuran ay hindi patay kundi Buhay! O purihin ang Mahal Na Panginoong Hesus magpakailan-kailanpaman!

"At nagsialis sila, at nagsipangaral sa lahat ng dako, na gumagawang kasama nila ang Panginoon, at pinatototohanan ang salita sa pamamagitan ng mga tandang kalakip. Siya nawa." ~Markos 16:20

==================================
Sinulat ni: Bel. Bro. Rex Arbert M. Dapatnapo
Larawan mula kay: Bel. Bro. Architect Edu S. Cortez

Related Links:
https://web.facebook.com/JMCIMCentralLive/videos/399813187350009/?t=12
https://web.facebook.com/JMCIMCentralLive/videos/465470664055642/?t=14
https://web.facebook.com/JMCIMCentralLive/videos/2623338457756593/?t=0
https://web.facebook.com/JMCIMCentralLive/videos/769795310134593/?t=0
https://web.facebook.com/JMCIMCentralLive/videos/929125244116299/?t=0

Address

Maharlika Highway
San Miguel

Telephone

09473445843

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jmcim San Miguel Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share