Cofradia dela Virgen delos Remedios de Sibul

Cofradia dela Virgen delos Remedios de Sibul Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Cofradia dela Virgen delos Remedios de Sibul, Religious organisation, Sibul Springs, San Miguel.

Setyembre 08 - Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng MariaMaligayang Kaarawan, Mahal na Birheng Maria! Al...
07/09/2023

Setyembre 08 - Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria

Maligayang Kaarawan, Mahal na Birheng Maria!

Alalahanin mo,
lubhang pinagpalang Birheng Maria,
na kailanma'y hindi nabatid
na sinumang humiling na iyong inalagaan,
nagsumamo na iyong tulungan,
o humingi ng iyong panalangin
ay bigong lumisan.

Puspos nitong lakas ng loob,
dumudulog ako sa iyong harapan.
O Birhen ng mga Birhen, aking ina,
Sa iyo ako ay lumalapit, nakatayo sa iyong harapan,
Batbat ng kasalanan at kapighatian.
O Ina ng Salitang nagkatawang-tao,
huwag nawang siphayuin ang aking mga kahilingan.
Kundi sa iyong habag,
ako ay dingin at iyong tugunin. Amen.

Mahal na Birheng Maria, ipanalangin mo kami.

KAPISTAHAN NG MAHAL NA INA NG LAGING SAKLOLOHunyo 27, 2023PANALANGIN SA NOBENA NG MAHAL INA NG LAGING SAKLOLOMahal na In...
27/06/2023

KAPISTAHAN NG MAHAL NA INA NG LAGING SAKLOLO
Hunyo 27, 2023

PANALANGIN SA NOBENA NG MAHAL INA NG LAGING SAKLOLO

Mahal na Ina ng laging saklolo, buhat sa krus ibinigay ka sa amin ni Jesus upang maging Ina namin, Ikaw ang pinakamabait, pinakamasintahin sa lahat ng mga Ina, Buong giliw mong tunghayan kaming iyong mga anak na ngayon ay humihingi ng Iyong tulong sa lahat ng aming pangangailangan lalong lalo na ang biyayang ito...

(tumigil at sabihin ang iyong mga hangarin)

Noon ikaw ay nasa lupa minamahal na Ina ikaw buong pusong nakiramay sa paghihirap ng iyong Anak. Sa tulong ng iyong pananalig at pagtitiwala sa maka-amang pagmamahal ng Diyos tinanggap mo ang Kanyang mahiwagang kalooban.

Mayroon din kaming mga krus at mga tiisin sa buhay, kung minsan ang mga ito'y parang hindi na namin kayang pasanin, bahaginan mo kami ng iyong malaking pagtitiwala sa Diyos. Ipaunawa mo na walang katapusan ang pagmamahal ng Diyos sa amin at tinutugon Niya ang lahat ng aming panalangin sa paraang makabubuti sa amin. Palakasin mo ang aming loob na pagpapasan ng krus tulad ng iyong banal na Anak. Tulungan mong maunawaan namin na sinumang nakikibahagi sa krus ni Kristo ng kanyang muling pagkabuhay. Pinakamamahal na ina habang kami ay nababahala sa sarili naming mga suliranin huwag sana naming malimutan ang mga pangangailangan ng iba. Mahal na mahal mo sila, tulungan mong maging ganito rin ang aming pagmamahal sa kanila samantalang idinalangin namin ang aming mga adhikain at ang mga adhikain ng lahat ng narito ngayon, mataimtim sa loob na hinihiling namin sa iyo aming ina tulungan mo kami makapagdulot ng aliw at ginhawa sa mga may sakit at sa mga malapit nang sumakabilang buhay, magpahilom mong sugat ng mga pusong wasak, inaapi at turuan ng katarungan ang mga sa kanila'y nang aapi at ibalik sa Diyos ang lahat ng mga nagkasala sa Kanya. Pinakamamahal na Ina tulungan mo kaming umiwas sa kasalanan na naglalayo sa amin sa aming Ama sa langit at sa isa't isa buong tiwala naming isinasalaysay ang aming sarili sa iyong pagkalinga at lubos na umaasang kami'y iyong tutulungan. Amen.

AMING INA NG LAGING SAKLOLO,
Ipanalangin mo kami.

Nasa Larawan: Ang Orihinal na Imahen Ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo na pinipintuho at nakadambana sa kanyang Pambansang Dambana sa Baclaran

22/04/2023

Pabatid:

Sa ngalan ng Pamunuan ng Parokya ng Mahal na Birheng Mapanglunas nais po naming ipabatid sa lahat ng parokyanong tumangkilik at nakiisa sa raffle draw sa darating na Abril 30, 2023, na sa hindi inaasahang kadahilanan at kawalan ng stock ng nasabing produkto, ang major prize na Honda Motorcycle ay kinakailangang palitan ng Kawasaki Motorcycle na may kahalintulad na presyo.

Ang mensaheng ito na naka “public post” ay magsisilbing notipikasyon sa publiko patungkol sa pagbabago ng nasabing major prize.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta sa mga aktibidad na pamparokya.

TINGNAN! Ang pagbibihis ng bagong damit ng Mahal na Birheng Mapanglunas, hudyat ng nalalapit na kapistahan ng pamayanan ...
16/04/2023

TINGNAN!

Ang pagbibihis ng bagong damit ng Mahal na Birheng Mapanglunas, hudyat ng nalalapit na kapistahan ng pamayanan ng Sibul Springs.

Pasasalamat sa magkapatid na Romain Garry Lazaro at Romeo Joseph Heide Lazaro III sa pagkakaloob ng bagong damit ng Mahal na Birheng Mapanglunas para sa nalalapit nitong kapistahan.

04/04/2023

Pagbati para sa ating minamahal na Kura Paroko
Rdo. P. Edmundo D. Santos sa kanyang pagsariwa ng kanyang Pagkapari.

Patuloy nawa kayong pagpalain at basbasan ng Panginoon!


Pagdalaw ng Capelinha Replica Image ng Mahal na Birhen ng Fatima.PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG FATIMAO Maria, matamis...
18/03/2023

Pagdalaw ng Capelinha Replica Image ng Mahal na Birhen ng Fatima.

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG FATIMA

O Maria, matamis na Birhen, Reyna ng Rosaryo, alang-alang sa maka-inang pagdalaw mo sa Cova da Iria ng Fatima upang ipahayag ang makatarungang plano at pagmamahal ng Diyos sa lahat ng tao, kami ay lumalapit sa iyo at napaampon sa iyo bilang aming makalangit na Ina. Dala ng mahabang panahon na pakikipag-uganay ng aming parokya sa iyo, at sa iyong walang sawang pagdalangin para sa aming mga kahilingan, na nagpapahayag ng iyong maka-Inang paglingap sa amin ikaw ay nagkaroon ng bahagi sa aming puso. Noong ikaw ay nagpakita sa tatlong batang pastol, iyong ipinahayag ang araw-araw na pagdarasal ng rosary upang matamo ang kapayapaan ng daigdig, gayundin ang pagpapakasakit para sa ikapagbabalik-loob ng mga makasalanan at bilang pagbabayad-puri sa mga kalapastangang ginawa namin laban sa iyong Kalinis-linisang Puso.
Bilang pagtugon sa iyong kahilingan, kami ngayon ay nangangako na iaalay naming sa araw-araw ang mga pagpapakasakit na kaakibat ng aming pagganap sa aming banal na gawain; gayundin ang araw-araw na pagdarasal ng rosaryo kasama ang buong angkan habang pinagninilayan ang mga misteryo nito at lalo’t higit ang pagtatalaga ng aming sarili at pamilya sa iyong Kalinis-linisang Puso. Idalangin mo po kami na nawa’y igawad ng Diyos sa amin ang kanyang dakilang habag at patawad sa lahat ng mga nagawa naming pagkakasala na labis na nakasasakit sa Kanyang kalooban. Tulungan mo kami mahabaging Ina na umiwas sa kasalanan na naglalayo sa amin sa Diyos na siyang maylalang sa ating lahat.
Sa iyong kalinis-linisang Puso, Mahal na Ina ng Fatima, kami ay nagtitiwala na matatagpuan naming ang awa at habag ng Diyos at makapamuhay kami sa kapayapaan, pagkakaisa, at pagmamahalan. Patuloy mong ipamalas ang iyong maka-Inang pagkandili sa aming lahat at ituro mo sa amin ang landas na patungo sa iyong Anak na si Jesus na aming Panginoon at Tagapagligtas na siyang pinagmumulan ng tunay na kapayapaan at pagmamahal. Sa iyong kandili pinakamamahal na Ina ng Banal na Rosaryo, huwag mong siphayuin ang aming mga pagsamo bagkus sa iyong habag ay ipagkaloob mo sa amin ang mga biyayang ipinakikiusap sa iyo lalung-lalo na ang mga kahilingang ito :
(banggitin ang mga kahilingan)
Dinggin mo ng buong giliw ang aming mga pagsamo sa iyong Kalinis-linisang Puso, O Mahal na Birhen. Siya Nawa.

Viva La Virgen de Fatima…Viva!

22/02/2023

ASH WEDNESDAY IS A DAY OF:

✓FASTING (18-59 YEARS OLD)
✓ABSTINENCE (14 AND ABOVE)

A friendly reminder from your HugotSeminarista family:

Today is ASH WEDNESDAY. As Catholics, we are encouraged to do the following practices: FASTING and ABSTINENCE.

(1) FASTING
- It is a form of penance that involves limiting kinds or amount of food or drink consumption.
- Catholics who are 18-59 years old are eligible to this practice.
- Days of fasting (with abstinence) are Ash Wednesday and Good Friday.
- During fasting, the faithful should only eat 1 regular meal and 2 small meals (should not exceed the main amount of the main meal)
- Fast is broken by eating between meals and by drinks which could be considered food (milk shakes, but not milk).

(2) ABSTINENCE
- It is another form of penance that involves refraining from kinds of food or drink.
- This should be practiced by Catholics who are 14 years old and above (until death).
- During abstinence, the faithful should refrain from eating meat (i.e. flesh and organs of mammals and birds), but may consume fish and shellfish.
- Days of abstinence are Fridays in Lent.

N.B. Some people can be excused from fasting and abstinence. They are:

- persons with disabilities which make it difficult to understand or observe the practice (e.g. people with mental health concerns)
- the sick, frail, pregnant, or nursing women, according to need for meat or nourishment
- manual laborers, according to need
- guests at a meal who cannot excuse themselves without giving great offence or causing enmity
- those in other situations of moral or physical impossibility to observe the penitential discipline
________________________

Sources:

(1) Chapter II: Days of Penance — Code of Canon Law

(2) Fast & Abstinence — United States Conference of Catholic Bishops (USCCB)

(3) Fasting and Abstinence: A Guideline for Catholics — Catholic Fortress

(4) What's the point of fasting, anyway? — Catholic News Agency:

(5) Why do Catholics fast and abstain? — St. Peter Parish, Covington, LA

(6) Why Do Catholics Practice Fasting and Abstinence during Lent? — Catholic Answers

03/01/2023

PANALANGIN SA YUMAONG SANTO PAPA
(hango sa Aklat ng Pagmimisa sa Roma)

+ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Ama naming makapangyarihan,
maaasahang tagapagbigay ng gantimpala sa tanan
ipagkaloob mong ang yumao naming Papa Benedicto XVI,
na hinirang mong humawak ng tungkulin ni San Pedro
bilang tagapangasiwa ng iyong Simbahan,
ay magkamit ng iyong walang humpay na kasiyahan sa kalangitan
pakundangan sa kanyang matapat na paglilingkod
bilang tagapanguna sa pagpaparangal sa iyong kagandahang-loob
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.

Prusisyon sa Karangalan ni Maria Ina ng Diyos
01/01/2023

Prusisyon sa Karangalan ni Maria Ina ng Diyos

Address

Sibul Springs
San Miguel
3011

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cofradia dela Virgen delos Remedios de Sibul posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share