28/09/2026
KAPISTAHAN NI SAN LORENZO RUIZ
Sa diwa ng pananampalataya, katapangan, at katapatan kay Kristo, buong galak nating ipinagdiriwang ang Kapistahan ni San Lorenzo Ruiz, ang unang Pilipinong santo at huwaran ng matatag na paninindigan sa pananampalataya.
Ang pagdiriwang na ito ay pangungunahan ng Ministry of Altar Servers at Parish Commission on Youth, bilang pagpapahayag ng kanilang paglilingkod at pagmamahal sa Panginoon at sa Simbahan.
Nawaโy maging inspirasyon sa bawat kabataan ang halimbawa ni San Lorenzo Ruizโna sa kabila ng mga pagsubok, nanatiling matatag sa pananampalataya at buong tapang na ipinahayag ang kanyang pagmamahal kay Kristo.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami!