30/05/2026
Pasasalamat para sa mga Nagtaguyod at Sponsor ng Simba-Aralan 2026
Maliit man ang aming Komunidad pero punong puno ito ng mabubuting taoβ¦
Mula po sa Diyosesis ng Malolos, Dambana at Parokya ni San Miguel Arcanghel, Bisita ni Sta. Catalina de Alejandria, SPPC at SPCY, taos-puso po naming ipinapaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nagtaguyod, tumulong, at naging sponsor ng Simba-Aralan 2026.
Ang inyong kabutihang-loob, suporta, at malasakit ay naging mahalagang bahagi ng tagumpay ng programang ito. Sa pamamagitan ng inyong mga handog, donasyon, panalangin, oras, at pakikiisa, nabigyan natin ng pagkakataon ang ating mga kabataan na mapalalim hindi lamang ang kanilang kaalaman kundi higit sa lahat ang kanilang pananampalataya at pagmamahal sa Diyos.
Sa bawat taong nagbahagi ng kanilang biyaya, maliit man o malaki, kayo po ay naging instrumento ng Panginoon upang maipadama sa aming mga kabataan ang pag-asa, pagmamahal, at pagkalinga ng isang nagkakaisang pamayanan. Ang inyong suporta ay nagbigay inspirasyon upang maisakatuparan ang mga layunin ng Simba-Aralan at mag-iwan ng makabuluhang alaala at aral sa puso ng bawat kalahok.
Lubos din po kaming nagpapasalamat sa aming mga volunteers, catechists, facilitators, mga magulang, at sa buong komunidad na walang sawang naglingkod at naglaan ng panahon upang maging matagumpay ang gawaing ito. Ang inyong dedikasyon at pagmamahal sa paglilingkod ay tunay na larawan ng buhay na pananampalataya.
Isang espesyal na pasasalamat po sa bumubuo ng ating Sangguniang Barangay sa pangunguna ng ating Punong Barangay Emmanuel B. Dantis kasama ang mga konsehal, Tanod sa pangunguna ng ating Hepe at sa ating mga Driver na matiyaga na naghatid-sundo sa ating mga estudyante.
Nawaβy suklian kayo ng Poong Maykapal ng masaganang biyaya, mabuting kalusugan, at patuloy na gabay sa inyong buhay at pamilya. Dalangin namin na ang inyong kabutihan ay lalo pang magbunga ng pagmamahalan, pagkakaisa, at paglilingkod sa ating Simbahan at pamayanan.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta. Ang tagumpay ng Simba-Aralan 2026 ay bunga ng ating sama-samang pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamahal sa kabataan.
βSapagkat ang bawat isa na nagbibigay nang may kagalakan ay minamahal ng Diyos.β (2 Corinto 9:7)
Maraming maraming salamat po at pagpalain kayong lahat ng Diyos! πππβ¨
Narito po sa iba ang mga pangalan ng mga mabubuting tao na sumuporta at nagbigay para matagumpay natin maidaos ang Simba-Aralan.
*Igg. Pb. Emmanuel B. Dantis
*Igg. Kon. Renato βJonjonβ Cruz
*Igg. Kon. Bienvenido βJrβ Aquino
*Igg. Kon. Manolito βManulengβ Olpindo
*Igg. Kon. Florencio βPoresβ Saycon
*Igg. Kon. Edna G. Lopez
*Igg. Kon. Anacleto βBoyβ Padilla
*Igg. Kon. Fernando βFerningβ Antonino
*G/Gng. Elvie Orteza
*G/Gng. LG Moto
*G/Gng. Aaron Pascual
*G/Gng. Miguelito R. Vidal
*G/Gng. Johan Dela Cruz
*G/Gng. Nora Ignacio / Maureen Velasquez
*G/Gng. Randy Santos
*G/Gng. Jayzel & Jenalyn Calbay
*G/Gng. Labne Elementary School c/o Ms. Mary Grace Agag and Maam Mildred Ignacio
*G/Gng. Vilma Aguilar
*G/Gng. Blessie Lopez
*G/Gng. Irene Dantes
*G/Gng. Elenita Ramos
*G/Gng. Cecilia Bagsik
*Igg. SK Jessica B. Vidal
*G/Gng. Brgy. Treasurer Karen V. Mamuad
*G/Gng. Jinky B. Vidal
*G/Gng. Jenny B. Rivera
*G/Gng. Cherry & Christian Aquino
*G/Gng. Emelita F. Dela Cruz
*G/Gng. Bennett Mendoza
*G/Gng. Laila Lopez
*G/Gng. Ronald and Guia Antonino
*G/Gng. Amie Mallari
*G/Gng. Tess Lopez
*G/Gng. Ederlinda V. Cruz
Para sa naghandog ng Pagkain para sa Graduation (Jollibee for Lunch and Spaghetti for Merienda)
*Punong Barangay Emmanuel B. Dantis and Kapitana Jessica R. Dantis
*Anonymous
Magsama-sama po muli tayo hanggang sa susunod na Simba-Aralan.
Para Diyos, Para sa Kabataan Mananampalataya!