04/09/2024
Ika-4 ng Setyembre, DAKILANG KAPISTAHAN NG NUESTRA SEÑORA, MADRE DE LA CONSOLACION Y CORREA І Patrona de la Orden de San Agustin y la Familia Agustiniana
“Aba Sintas ng Hiwaga
Nagpakita ng Himala
Matibay ng na Sandata
Nitong Birhen Sakdal Ganda”
Panalangin sa Mahal na Birhen ng Consolacion Ama naming makapangyarihan at pinagmulan ng lahat ng kabutihan, sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria, sinugo mo si Hesukristong Anak Mo bilang Consolacion ng iyong sambayanan. Nawa’y makamit naming ang lahat ng kaaliwan sa tulong ng panalangin ni Maria, ang Ina ng Consolacion. (Banggitin ang tanging kahilingan) Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon at Iyong Anak na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos magpasawalang hanggan. AMEN.
Mahal na Birhen ng Kaaliwan at Sintas, Reyna ng mga Agustino. Ipanalangin mo kami.