16/08/2026
Agosto 15, 2026 | One Seed
“Dalhin ang mga tao kay Kristo at tulungang lumago sa pananampalataya bilang mga tunay na alagad at misyonero ng Simbahan.”
Isang makabuluhang pagdalo sa One Seed Seminar ng limang SPPC Partida. Taos-pusong pasasalamat sa Commission on Evangelization (CoEv) ng Parokya ng Mahal na Birheng Mapanglunas sa pagkakataong ipinagkaloob sa amin upang higit pang mapalalim ang aming pananampalataya at patatagin ang aming pagkakaisa bilang isang nagkakaisang komunidad na patuloy na umuunlad sa pag-ibig, paglilingkod, at pananampalataya.