15/06/2025
Attention please!!!
‼️‼️‼️
Paalala lamang po sa ating lahat, kung paanong ini-encourage tayo na suportahan ang mga gawain ng ating distrito at ng iba pang mga churches, gaya ng;
📌mga Anniversaries,
📌SWAT(every last Saturday of the month),
📌Quarterly Prayer & Fasting,
📌Family/Youth Camp,
📌at mga paghayo at marami pang iba..
Huwag po nating ine-neglect ang mga gawain ng ating lokal na iglesya dito sa Sitio B**a, Calumpang.
Wala pong ibang magmamahal at susuporta ng gawain ng Panginoon sa lugar na ito, kundi kayong mga taga-rito din..
Note:
Hindi tao ang nag-uutos at tumatawag sa mga pastor na magpastor sila, kundi ang Diyos mismo.
📌Ang bawat pastor/pastora na inilalagay ng Diyos sa bawat lugar, galing sila sa puso ng Diyos (Jeremias 3:15)..
📌At bawat church ay binubuksan ng Panginoon para lamang sa kanyang kawan (Juan 10:16), upang sila ay alagaan, matutong sumunod sa kalooban ng Panginoon, at lumago sa pananampalataya, kaya kung hindi ka kabilang sa kahit saang iglesya ng Panginoon, KANINO KA SUMASAMBA?
📌at ang bawat pagtitipon o pagsasama-sama ay utos mula din sa Kanya (Hebreo 10:25) at hindi imbento ng mga pastor ...
Kundi para din sa inyo, hindi ang church o ang pastor/pastora ang tinatanggihan nyo kundi ang Panginoon, at hindi sila ang sinasaktan nyo kundi sarili nyo...
**Habang may panahon pa kayo, magseryoso na kayo sa paglilingkod, hindi nyo alam kung hanggang saan at kung hanggang kelan na lamang kayo mabubuhay dito sa mundo, kaya seryosohin nyo na ang paglilingkod...