20/09/2025
Anong uri ng puso ang nais ng Dios upang matamnan ng butong dala ng manghahasik?
Mateo 13:1-37 teaches us — hindi sapat na makarinig lang ng Salita; tanungin natin:
Anong lupa ang puso mo?
• Tabi ng daan — yung sa Salita agad nahuhulog, hindi naiintindihan, o hindi pinapakinggan.
• Bato — may simula ng pananampalataya: masaya, mabilis tumubo; pero kapag lumabas yung pagsubok o tag-init, natutuyot dahil walang ugat.
• Dawagan — may paglago pero nasasakal ng alalahanin, kayamanan, distractions — mga bagay na pumipigil sa bunga.
• Matabang lupa — puso na bukas, naiintindihan, tinatanim, inalagaan, at may ani: 30x, 60x, o 100x.
Nawa’y gawing matabang lupa ang puso natin — hindi lang para marinig yung Salita, kundi para mamuhay ayon dito, magbunga para sa Dios, kahit sa gitna ng pagsubok at kaguluhan.