25/08/2026
Ang parokya ni Sta. Cecilia ay buong pusong nakikiramay sa pagpanaw ng isang minamahal na kabataan at lingkod ng ating parokya - Nel Andria Tabuena.
Sa kanyang buhay ng paglilingkod, naging bahagi siya ng iba’t ibang ministeryo at samahan ng ating parokya—Social Communications Ministry, Himig Cecilia Youth Choir, Ensemble of Sta. Cecilia, Parish Youth Ministry, at Theater of Love.
Sa pamamagitan ng kanyang talento, panahon, sigasig, at pagmamahal sa mga kabataan, sa Diyos at sa Simbahan, nakapagbigay siya ng saya, inspirasyon, at paglilingkod sa maraming tao. Ang kanyang presensya, mga ngiti, talento, at mga alaala ay mananatiling bahagi ng ating parokya at ng mga pusong kanyang napaglingkuran.
Bagama’t masakit ang kanyang pagkawala, nagpapasalamat tayo sa Diyos sa biyaya ng kanyang buhay at sa pagkakataong nakasama natin siya sa paglalakbay ng pananampalataya at paglilingkod.
Nawa’y tanggapin siya ng Panginoon sa Kanyang walang hanggang kaharian at pagkalooban ng kapayapaan at buhay na walang hanggan. Nawa rin ay bigyan Niya ng lakas at kapanatagan ang kanyang pamilya, mga kaibigan, mga kasamahan sa ministry, at lahat ng naiwan niyang nagmamahal sa kanya.
“Panginoon, pagkalooban Mo siya ng walang hanggang kapahingahan, at pagliwanagin Mo sa kanya ang liwanag na walang hanggan.”