09/06/2026
Tuesday June 9, 2026
"Malinaw na walang taong pinapawalang-sala sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan, sapagkat sinasabi ng kasulatan, "Ang itinuring ng Diyos na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay."
Galacia 3:11
PAGBUBULAY:
Itinuturo sa talata ang pagiging matuwid ay hindi matatamo sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. Ikaw ba'y nagmamalaki sapagkat ikaw ay sumusunod sa mga Kautusan?
TURNING POINT:
Hindi natin maipagmamapaki ang ating pagsunod sa Kautusan sapagkat hindi ito ang daan upang tayo'y mapawalang sala sa ating mga kasalanan sapagkat sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan ay hindi ito ang paraan ng Diyos upang tayo ay maligtas. Sabi sa Habakuk 2:4;
"Ito ang mensahe, "Ang hambog ay mabibigo sa kanyang pagmamataas, ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya."
Galacia 2:16;
"Gayunman, alam naming ang tao'y pinapawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu-Kristo, at hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. Kaya't kami ay sumasampalataya kay Kristo Hesus upang mapawalang-sala sa pamamagitan ng Kautusan. Sapagkat walang taong pinapawalang-sala sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan."
APPLICATION:
Kaya't huwag nating ikahiya ang ating manampalataya sa Panginoong Hesu-Kristo na siyang tanging daan ng ating kaligtasan at hindi natin makakamtan ang buhay sa pagsunod sa Kautusan. Kaya sabi sa Roma 1:16-17;
"Hindi ko ikinahihiya ang Magandang Balita, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan ng bawat sumasampalataya, una'y sa mga Judio at gayundin sa mga Griego.
¹⁷Sapagkat sa Magandang Balita ay ipinapakita kung paano itinutuwid ng Diyos ang kaugnayan ng tao sa kanya. Ito ay sa pamamagitan ng pananampalataya buhat sa simula hanggang sa wakas. Tulad ng sinasabi sa Kasulatan, Ang itinuring ng Diyos na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay."
Kaya't manatili at mamuhay tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Hesu-Kristo sapagkat kung tayo'y tatalikod hindi malulugod sa atin ang Diyos. Sabi sa Hebreo 10:38;
"Ang matuwid kong lingkod ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya, ngunit kung siya'y tatalikod, hindi ko siya kalulugdan."