UCCP San Mateo Evangelical Church

UCCP San Mateo Evangelical Church Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from UCCP San Mateo Evangelical Church, Religious organisation, San Mateo.

We are deeply honored by the visit of Rev. Hong Hee Kok and Ms. Kim to our church today. Thank you for sharing your hear...
22/03/2026

We are deeply honored by the visit of Rev. Hong Hee Kok and Ms. Kim to our church today. Thank you for sharing your hearts and your plans for our church. Stay tuned, brothers and sisters, God is preparing something wonderful for our community soon! 🙏

To our Sister in Christ, Sis. Marianie Casiño, as you step into this new journey abroad, we pray for clear paths and ope...
15/03/2026

To our Sister in Christ, Sis. Marianie Casiño, as you step into this new journey abroad, we pray for clear paths and open doors. Thank you for being a blessing to our church family.

Though we are sad to say goodbye for now, we trust in the beautiful plans God has for your life. Safe travels and God bless your journey. Your SMEC Family is always praying for you. ❤️

"For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future." — Jeremiah 29:11

"BABAENG MATATAG SA GITNA NG KRISIS"Hindi binabali ng bagyo ang babaeng ang ugat ay katatagan. Sa gitna ng anumang krisi...
08/03/2026

"BABAENG MATATAG SA GITNA NG KRISIS"

Hindi binabali ng bagyo ang babaeng ang ugat ay katatagan. Sa gitna ng anumang krisis, tayo ang liwanag at lakas.

Happy International Women's Day! Isang pagpupugay sa lahat ng kababaihang hindi sumusuko! đź’ś

Maraming salamat po sa pagbabahagi ng Salita ng Diyos, Sis. Shirley Ramales Ocampo 🙏🏻

-
03.08.2026

“Tayo’y umiibig sapagkat Siya ang unang umibig sa atin.” — 1 Juan 4:19Isang malugod na pasasalamat sa ating Panginoon sa...
22/02/2026

“Tayo’y umiibig sapagkat Siya ang unang umibig sa atin.” — 1 Juan 4:19

Isang malugod na pasasalamat sa ating Panginoon sa matagumpay na Post Valentine Fellowship na may temang “Love Pa More: Hindi tayo mauubusan kasi si God ang source!”

Nawa’y manatili sa ating mga puso ang aral na hangga’t tayo ay nakakabit sa ating “source”, kailanman ay hindi tayo mauubusan ng pagmamahal na ibibigay sa iba.

Para sa Diyos ang lahat ng papuri at karangalan!

Pagdiriwang ng Dakilang Pag-ibig ng Panginoon ❤️Ikinagagalak ng buong iglesya na makasama at makilala ang ating mga bago...
15/02/2026

Pagdiriwang ng Dakilang Pag-ibig ng Panginoon ❤️

Ikinagagalak ng buong iglesya na makasama at makilala ang ating mga bagong bisita. Ang inyong presensya ay itinuturing naming isang biyaya. Nawa’y naging daluyan ang aming simbahan ng kapayapaan at kagalakan para sa inyo ngayong araw.

Tunay ngang sa pag-ibig ni Kristo, tayong lahat ay pinagbubuklod bilang isang pamilya.
-

02.15.26

“Be Faithful, even to the point of death.”A powerful and soul-stirring message shared by Rev. Hong Hee Kok during today’...
25/01/2026

“Be Faithful, even to the point of death.”

A powerful and soul-stirring message shared by Rev. Hong Hee Kok during today’s service. It was a reminder that true faith isn’t just for the easy moments, it’s about standing firm and remaining loyal to the Lord through every trial and season in life and that our devotion to God carries the promise of the crown of life.

Thank you Rev. Hong for challenging us to deepen our commitment to Christ. Thanks also to Ms. Kim for gracing us with her presence. Thank you for your kindness and for being a wonderful example of partnership in the Lord’s work.

May we all carry the courage to be faithful until the very end. To God be the Glory!

-
01.25.26

Isang matagumpay at mapagpalang ika-47 Anibersaryo para sa ating lahat! Ramdam na ramdam ang presensya ng Banal na Espir...
18/01/2026

Isang matagumpay at mapagpalang ika-47 Anibersaryo para sa ating lahat!

Ramdam na ramdam ang presensya ng Banal na Espiritu sa ating pagdiriwang. Hindi lamang ito basta pagtitipon, kundi isang pagpapatunay na ang Diyos ay tapat sa Kanyang mga pangako sa loob ng halos limang dekada.

Maraming salamat sa aming Guest Preacher, Dr. Jetro Cababan, para sa isang makapangyarihang mensahe na nagpaalala sa amin ng aming misyon. Sa lahat ng mga bisitang dumalo at nakisaya, salamat sa pagpuno sa aming tahanan ng inyong mga ngiti at panalangin.

Magpatuloy tayo sa paghahayag ng Kanyang katapatan. Hanggang sa susunod pang maraming taon ng paglilingkod!

Sa Dios ang pinakamataas na papuri!

47 na taon ng biyaya.47 na taon ng katapatan.47 na taon ng tapat na paglilingkod.Ipinagdiriwang natin ang ika-47 na anib...
16/01/2026

47 na taon ng biyaya.
47 na taon ng katapatan.
47 na taon ng tapat na paglilingkod.

Ipinagdiriwang natin ang ika-47 na anibersaryo ng ating simbahan na may pusong nagpapasalamat. Sa loob ng halos limang dekada, naging saksi tayo sa kabutihan ng Panginoon. Ngayong taon, muli nating pinagtitibay ang ating layunin: "Ang Iglesiya sa Patuloy na Paghahayag ng Pag-ibig at Pangako ng Diyos." Mula noon hanggang ngayon, ang ating paglilingkod ay mananatiling buhay na patotoo ng Kanyang dakilang pagmamahal.

Inaanyayahan namin ang bawat isa, pamilya, kaibigan, at mga kapatid kay Kristo na makisaya sa ating anibersaryo. Magkita-kita tayo upang magpuri, magpasalamat, at muling mapuspos ng Kanyang pagmamahal. Ang iyong pagdalo ay isang malaking kagalakan para sa amin!

📍 Saan: UCCP SMEC Yumol Compound Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal
⏰ Kailan: Enero 18, 2026 | Alas-9 ng umaga

Kita-kita tayo, mga kapatid!

05/01/2026
Last Sunday of 2025. Thank you Lord for a year of growth and grace 🤍
28/12/2025

Last Sunday of 2025. Thank you Lord for a year of growth and grace 🤍

“Every good and perfect gift is from above..”James 1:17As we celebrate the birth of Jesus, the greatest gift ever given,...
24/12/2025

“Every good and perfect gift is from above..”
James 1:17

As we celebrate the birth of Jesus, the greatest gift ever given, we are reminded of the beauty of a generous spirit. Today, we are so grateful for the hands that gave and the hearts that shared.

Indeed, it is a season of giving.

PASKO NG GALAK: Ang Pagsilang ng TagapagligtasIsang mapagpalang pagtatapos para sa ating Gabi ng Parangal. Ang gabing it...
24/12/2025

PASKO NG GALAK: Ang Pagsilang ng Tagapagligtas

Isang mapagpalang pagtatapos para sa ating Gabi ng Parangal. Ang gabing ito ay naging paalala ng tunay na dahilan ng ating kagalakan, ang pag-asa na dala ng ating Mesiyas.

Nais naming ipaabot ang aming pasasalamat sa lahat ng naging instrumento upang maging maayos ang gawaing ito. Sa ating mga bisita at sa bawat miyembro na nakiisa. Nawa’y ibalik ng Diyos ang siksik, liglig, at umaapaw na pagpapala sa inyong lahat.

Maligayang Pasko at nawa’y ang kapayapaan ng Tagapagligtas ang manahan sa inyong mga puso! ❤️

Address

San Mateo
1850

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UCCP San Mateo Evangelical Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share