29/05/2026
Inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya na makiisa sa Pagluluklok sa Imahen ng Birhen ng Antipolo sa ating parokya ngayong Mayo 31, 2026.
Magsisimula ang prusisyon sa ganap na ika-4:00 ng hapon mula Dreamhomes patungong Parokya, susundan ng Rito ng Pagluluklok at Banal na Misa.
Magdala po ng rosaryo at puting panyo bilang tanda ng ating debosyon at pakikiisa kay Maria.
Sama-sama nating parangalan ang ating Mahal na Birhen ng Antipolo.