31/10/2024
October 31, 2024
Nawaāy ang pag-ibig at kapayapaan ng Diyos Ama nating lumikha ay sumaatin pong lahat! Bilang mananampalataya ng ating Panginoong Hesu-Cristo, pagnilayan po natin ngayong araw na ito ang kanyang mga salita na ipinapahayag sa aklat ni Apostol Lucas 13:31-35;
Dumating noon ang ilang Pariseo. Sinabi nila kay Hesus, āUmalis ka rito, sapagkat ibig kang ipapatay ni Herodes.ā At sumagot siya, āSabihin ninyo sa alamid na iyon na nagpapalayas ako ngayon ng mga demonyo at nagpapagaling, bukas ay gayun din; sa ikatlong araw, tatapusin ko ang aking gawain. Ngunit dapat akong magpatuloy sa aking lakad ngayon, bukas at sa makalawa; sapagkat hindi dapat mamatay sa labas ng Jerusalem ang isang propeta!
āJerusalem, Jerusalem! Pinapatay mo ang mga propeta at binabato ang mga sinugo ko sa iyo! Makailan kong sinikap na kupkupin ang iyong mga mamamayan, gaya ng paglukob ng isang inahin sa kanyang mga sisiw, ngunit ayaw mo. Kayaāt lubos kang pababayaan. Sinasabi ko sa iyo, hindi mo na ako makikita hanggang sa dumating ang oras na sasabihin mo, āPagpalain nawa ang dumarating sa pangalan ng Panginoon!āā
PAGNINILAY:
Mga kapatid sa pananampalatay kay Cristo, sa atin pong ebanghelyo ngayon ay ipinakita kung gaano inayawan at hindi tinanggap si Hesus doon sa Jerusalem. Siyaāy sinalubong pa ng mga Pariseo at sinabihang umalis at huwag tumuloy sapagkat ipapapatay siya ni Herodes, na kung atin pong susuriin ang mga pangyayari, itoāy dahil din lamang sa kanilang mga sumbong at pagsulsol kay Herodes. Subalit nalalaman ni Hesus ang lahat, at alam niya na mangyayari talaga ito, hindi niya ito dapat iwasan sapagkat ito ang katuparan ng kanyang misyon dito sa mundo, ang dahilan ng kanyang pagkakatawang tao.
Sa atin pong buhay pananampalataya, marami ang katulad ng mga Pariseo at iba pang mga tao na ayaw tumanggap kay Hesus, dahil bagamaāt mga kabutihan ang kanyang ginagawa, hindi ito pabor sa kanilang mga kagustuhan na puro paghahangad lamang ng pang sariling kaligayahan at kaginhawahan. Kaya maging ang mga naunang isinugo ng Diyos, ang mga naunang propetang binigyan ng Diyos ng kapangyarihan at karunungan ay hindi rin nila tinanggap, kundi ang mga itoāy kanila pang ipinapatay. At tayo naman sa makabagong panahon, madalas na pakunwari lamang ang ating ginagawa, marami ang nagsasabing silaāy kristiyano subalit wala ito sa kanilang pusoāt isipan, taliwas ito sa kanilang ipinapakita at ginagawa sapagkat puno sila ng pagkamakasarili.
Mga kapatid, katulad po ng sinabi ni Hesus sa ating ebanghelyo ngayon, nais niya na tayoāy kupkupin nang gaya ng paglukob ng isang inahin sa kanyang mga sisiw, ngunit marami po sa atin ang katulad ng mga tao sa Jerusalem na umaayaw at hindi tinatanggap ang pag-ibig at pagkalinga ng Diyos sa atin. Ano po ang sinabi ni Hesus sa atin? āKayaāt lubos kang pababayaan. Sinasabi ko sa iyo, hindi mo na ako makikita hanggang sa dumating ang oras na sasabihin mo, āPagpalain nawa ang dumarating sa pangalan ng Panginoon!ā Isang paalala sa atin na napakalaking pagkakamali ang ginagawa natin, sapagkat totoong darating ang araw na ang lahat ng mga hindi tumanggap ay mapapahamak; ngunit ang mga tumanggap, umakap, at naging tapat sa kanya ay kanyang kukupkupin doon sa kanyang kaharian at makakapiling niya magpasawalang hanggan. AMEN