Helping hands

Helping hands Positive Minds. Motivated Hearts. Inspired Souls. Winning Actions. Tayo na't pag-aralan ang iba't-ibang aspeto sa buhay na dapat na nating isa-alang-alang

09/12/2022

Trust his timing ☝

19/01/2021
22/10/2017

SINO BA SI JESUS PARA SA INYO?

18/08/2017

I have decided to follow Jesus no turning back no turning back no turning back

Amen

Jesus answered I am the way, the truth, the lifeno one comes to the fatherEXCEPT through me AmenPagkat ang Panginoong Je...
16/08/2017

Jesus answered
I am the way, the truth, the life
no one comes to the father
EXCEPT through me

Amen
Pagkat ang Panginoong Jesus lang ahh ang daan ang katotohanan at ang buhay

14/08/2017

Hello po sa lahat share ko lang po ung pag subok na dinanas ko ahh ok lang po ba😊?

Nung bago palang po akong Born Again Christian Binigyan po ako ng Lord ng isang pag subok isang malaking pagsubok na hndi hndi ko agad na lampasan. Ang pagsubok nayun ayy kung saan ako sinubok ng panginoon kung gaano kalake ang tiwala ko sa kanya at gaano kalale ang faith ko sa kanya, isang araw feb 24,2016 ng ang aking kapatid at mame ay na aksidente diko alam ang gagawin ko ng araw nayun diko alam kung kakayanin ko ba o dudukmo nalng ako sa isang tabe, ung mame ko 50-50 ung kapatid ko nmn na 8 na taon ay natahi ang ka yang tyan at tinanggaln ng appendix at sa loob ng tyan nya ahh nag bebleed ang dugo sa loob ng tyan nya kaya ito ay inoperahan ayun ok nmn ung operasyon nya habang ung mami ko na sa ICU ay 50-50 at walang malay ng nilipat nila sa ibang ospital ay naging maganda ang kondisyon ng aking magulang at ako ay tuwang tuwa at malake ang pasasalamt ko kay God dahil sya ang tumulong upang ako ay bigyan ng lakas ng loob upang harapin ang kanyang pag subok sa akin lahat ng yun ay nalagpasan ko dahil sa tulong bi God at ngaun ay patuloy parin kame sa pag serve kay God at pasasalamat sa kanya

un po salamat po sa pag basa ng aking testemony salamat po lahat po ng pagsubok ay kaya natin lagpasan dahil bibigyan tayo ng lakas ni God upang malagpasan natin ang mga pag subok mag tiwala lamang tayo sa panginoon Nothing is impossible walang imposible sa diyos sabe nga sa 1 Corinthians 10:13 No temptation[a] has overtaken you except what is common to mankind. And God is faithful; he will not let you be tempted[b] beyond what you can bear. But when you are tempted,[c] he will also provide a way out so that you can endure it. Kaya lahat ng pagsubok ay kaya natin un kang po salamat😊😊☺

Pana-panahon ng pagkakataon maibabalik ba ang kahapon?Lumilipas ang panahon, unti-unti na ring nabubura sa isipan ng nak...
09/08/2017

Pana-panahon ng pagkakataon maibabalik ba ang kahapon?

Lumilipas ang panahon, unti-unti na ring nabubura sa isipan ng nakararami ang pagmamahal sa kapwa. Mga krimen, pagpatay, pagnanakaw, hindi naman ito ng mga magulang, hindi ba? Sa paglipas ng panahon, kay dami na ngang nagbago, kung dati rati ay masaya na tayong nakikipaglaro sa kanto, ngayon ay si gadgets na ang nagpapasaya sakanila. Kung dati ay mayroon tayong oras sa pakikisalamuha sa iba, ngayon ay tila paunti na yata ng paunti. Kung dati ay may takot gumawa ng masama, bakit tila ngayon ay naging halimaw na ata? Tayo, oo ikaw, siya at ako ang natatanging responsable sa mga bagay na ito. Tayo ang humuhubog sa ating lipunan. Tayo lang ang may kakayanang baguhin ang mundong ating ginagalawan. Maibabalik ba ang kahapon?
Ibahin natin.

"Ibalik natin ang kahapon"

Photo credits: Pinterest.com

"Ibigin, kilalanin at pakisamahan mo ang kapwa hindi dahil sa kung anong materyal na bagay ang mayroon siya, kundi dahil...
09/08/2017

"Ibigin, kilalanin at pakisamahan mo ang kapwa hindi dahil sa kung anong materyal na bagay ang mayroon siya, kundi dahil sa mga katangian na bumubuo sa kanya"

Bakit nga may nga taong, huhusgahan ka muna bago kilalanin ang iyong pagkatao? Halimbawa nalang kapag nakasakay ka jeep, kapag nasa uso ang damit mo, "Uy may pera to, may pang ootd eh" kapag may check ang sapatos, "Rick kid yan" pero kapag naman naka sando, nakashort at tsinelas ka lang at samahan mo pa ng buhaghag mong buhok, ay nako bes. Sigurado ang sasabihin niyan, "Dugyot naman nito, ang baduy, jejemon" . Ilan lang yan sa kadalasan nating maririnig sa mga taong mapangmata, at hindi muna nagiisip bago ibuka ang bibig nila. Bakit? Damit, itsura, sapatos na ba ang makapaglalarawan ng katauhan ng isang tao? Kapag ba mamahalin ang damit mo mabuti kana? At kapag ba galing lang sa ukay ukay at tiangge ang damit mo eh masama kana? Ang hirap makasurvive sa mundong ito lalo na kung ang nakapaligid sayo iyo ay walang ibang ginawa kung hindi husgahan ka kaya mayroong mga tao na mas gugustuhin nalang manitili sa loob ng bahay nila kaysa lumabas ang makisalamuha sa iba. Sabi nga ni Mother Theresa, "If you judge people, you have no time to love them".

Want to become a member? 🤔 A leader? A teacher? A DISCIPLE MAKER or a SOUL WINNER? Join us in our weekly Fellowship. Whe...
09/08/2017

Want to become a member? 🤔 A leader? A teacher? A DISCIPLE MAKER or a SOUL WINNER? Join us in our weekly
Fellowship. Where: 388, Purok 6 San Roque, San Leonardo, Nueva Ecija. When: Every sunday at 2:00 pm. ☺️ Insert Sofia Laplap and Emerle Sy.

09/08/2017

Lagi nating isaisip na kaakibat ng pananampalataya ang pagmamahal sa sarili at sa ating kapwa.

09/08/2017

"Love thy neighbor"

Isa ka ba sa mga taong namimili ng pakikisamahan nila?
Bakit? Anong mali kung ang kutis ko'y di ganoon kaputi? Kung ang itsura ko'y hindi man ganoon kanais-nais? Kung ako nama'y simpleng taong mayroong malinis na budhi. Sabi ng Diyos, mahalin at ibigin natin ang ating kapwa gaya ng pagmamahal natin sa ating sarili. Mahalin natin sila kahit sila ay mayroong ibang paniniwala, mahalin natin sila mayaman man o mahirap, mahalin natin sila, maitim man o maputi, mahalin natin sila babae man o lalaki, bakla man o tomboy, mahalin natin sila ano man ang antas nila sa ating lipunan sapagkat tayo ay ginawa ng Diyos na pantay pantay, tayo ang huhubog sa ating lipunan. Tayo ang bubuo ng ng imahe sa ating kinatatayuan, gaano man kayaman ang ating bansang iniingatan kung wala namang pagmamahalan, hindi natin masasabing, tunay nga itong may kayamanan.

"Hindi mo masasabing maunlad ang iyong pagkagtao kung hindi ka marunong magmahal at magpatawad"

Address

San Leonardo
3102

Telephone

+639264031665

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Helping hands posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Helping hands:

Share