03/09/2026
ANCHORED BY SCRIPTURE
2 Timothy 3:16-17 NIV | August 30, 2026
Transformed by the Word, Part 5 of 5
On August 30, we were reminded of an important truth: everything around us may keep changing, but God’s truth does not.
Nagbabago ang trends, technology, opinions, standards, at maging ang feelings natin. May mga bagay na tama para sa mundo ngayon pero bukas ay iba na naman ang sinasabi.
Kaya napakahalagang itanong: What is your life anchored to?
Hindi pwedeng itayo ang matatag na buhay sa isang bagay na palaging gumagalaw at nagbabago.
“You cannot build a steady life on a moving standard.”
Sa 2 Timothy 3:16–17, pinaalalahanan tayo na ang Scripture ay hindi lamang collection ng inspiring words, “All Scripture is God-breathed…”
Una, SCRIPTURE COMES FROM GOD, SO WE SHOULD FOLLOW WHAT IT SAYS.
Ang authority ng Bible ay hindi galing sa papel, tinta, o sa pagiging lumang aklat nito. Ang authority nito ay nanggagaling sa Diyos na Siyang pinagmulan ng Kanyang Salita.
Kaya hindi natin ina-adjust ang Scripture para bumagay sa gusto natin.
“We don’t change Scripture to fit our lives. We let Scripture change our lives according to God’s truth.”
Kapag ang feelings natin ay taliwas sa katotohanan ng Diyos, hindi ang Bible ang kailangang mag-adjust.
Kapag ang culture ay may ibang sinasabi tungkol sa relationships, purity, forgiveness, character, integrity, at priorities, hindi popularity ang final standard natin.
God’s Word remains our standard.
Ikalawa, GOD’S WORD WORKS DEEPLY IN OUR LIVES, SO LET IT CORRECT AND TRAIN US.
Sinabi ni Paul na ang Scripture ay useful for teaching, rebuking, correcting, and training in righteousness.
Ibig sabihin, may ginagawa ang Diyos sa atin through His Word.
It teaches us what is right.
It shows us when we are going the wrong way.
It corrects us and brings us back.
And it trains us to live according to God’s will.
Minsan comfort ang kailangan natin, at ibinibigay iyon ng Word of God. Pero minsan correction ang kailangan natin.
“God’s Word comforts your pain, but it also corrects the habits that keep hurting you.”
Kaya kapag nagbabasa tayo ng Bible, hindi lamang dapat ang tanong natin ay: “What can I get from this?”
Mahalaga ring itanong: “Lord, what do You want to change in me?”
Because an anchored Christian is also a teachable Christian.
At ikatlo, GOD’S WORD PREPARES US FOR REAL LIFE AND SHAPES THE PERSON WE ARE BECOMING.
Ang Scripture ay hindi lamang para dumami ang Bible knowledge natin.
According to 2 Timothy 3:17, God’s Word equips us “for every good work.”
Ibig sabihin, inihahanda tayo ng Diyos para sa tunay na buhay.
Sa marriage. Sa parenting. Sa trabaho at school. Sa relationships. Sa ministry. Sa decisions. Sa temptations. At maging sa mga panahon na walang ibang taong nakakakita.
Hindi tayo naghahanda kapag dumating na ang crisis.
God’s Word prepares us before we face difficult situations.
Kaya habang maayos pa ang lahat, itanim na natin ang katotohanan ng Diyos sa ating puso.
Para kapag dumating ang temptation, may truth tayong maaalala.
Kapag dumating ang discouragement, may pangako tayong panghahawakan.
Kapag kailangan nating gumawa ng mabigat na decision, may biblical wisdom nang humuhubog sa ating pag-iisip.
At katulad ng isang climber, darating ang panahon na manghihina ang ating sariling kapit.
May disappointment.
May temptation.
May unanswered prayers.
May confusion.
May mga araw na hindi natin mararamdaman na malakas ang faith natin.
Kaya hindi pwedeng nakadepende lamang ang Christian life natin sa lakas ng ating feelings.
Our confidence rests in the God who does not change.
At dito tayo haharap sa isang napakapersonal na tanong: “Does the Word of God have the right to shape my life?”
May Bible tayo. May Bible app tayo. Marami tayong verses na alam.
Pero maaaring mahal natin ang Scripture without truly submitting to it.
We can quote it without obeying it.
We can highlight it without allowing it to change us.
God’s Word changes us when it shapes our decisions.
Kaya habang tinatapos natin ang ating “Transformed by the Word” series, dalhin natin ang hamong ito sa ating pang-araw-araw na buhay:
Read God’s Word to know Him better.
Understand Scripture in its proper context.
Treasure God’s truth in your heart.
Obey what you already know God has said.
And live by His Word together with other believers.
Church, kung gusto nating magkaroon ng matatag na buhay sa mundong pabago-bago, kailangan nating sumandig sa hindi nagbabagong katotohanan ng Diyos.
“If you want an unshakable life, you must be anchored in God’s unchanging Word.”
May this become our declaration:
Lord, Your Word will have the final word in our lives. 📖⚓🙏