SJMVP Apologetics

SJMVP Apologetics What is apologetics?

Apologetics (from Greek ἀπολογία, meaning "speaking in defense")
defending the Catholic faith to those people who always criticise the teachings of the church

John 8:32
"and you will know the truth, and the truth will set you free."

“CONCEIVE IN YOUR WOMB …, JESUS!”"Embracing God’s Kingdom in the Everyday!"The Gospel according to John, Chapter 3, vers...
24/06/2024

“CONCEIVE IN YOUR WOMB …, JESUS!”

"Embracing God’s Kingdom in the Everyday!"

The Gospel according to John, Chapter 3, verse 16 says, “For God so loved the world that he gave his only Son, so that everyone who believes in him may not perish but may have eternal life.” (Jn. 3:16 - NRSVCE)

This LOVE OF GOD ushers to us the JESUS-EVENT – the introduction and growth in the Kingdom of God. The Holy Bible narrated to us a story of the Blessed Virgin Mary when she was visited by Archangel Gabriel, wherein she was surrounded by mystery and messages of peace, hope, joy and love.

In the first chapter of St. Luke’s Gospel verses 26-31 the story of the annunciation, or the visitation by an angel unfolded. There was an angel named Gabriel, sent by God to a Galilean city named Nazareth, to a betrothed-virgin named Mary. She was greeted by the angel as, “Hail, full of grace, the Lord is with you!” When she heard the greeting, the angel sensed the great fear in her. And so, the angel assured her, “Do not be afraid, Mary...,” and further clarified himself saying, “You have found favor with God. You will conceive in your womb and bear a son. You shall call his name JESUS.”

Imagine, you, a nobody and an ordinary person, in the situation of the betrothed-virgin; visited by this heavenly guest. How would you react? How would you handle such surprise of all surprises in your life? What do we make of this story? Let me think aloud.

Beautiful soul, God is always in the look out; looking for something in us. Something that He can find favorable, something gracious. Something raw, something generously open and welcoming, where He can fashion a Jesus deep within.

Whoa! Confusing? Scary?

Well, remember, that’s the reaction too, of the BVM. And yet, towards the end of the convo with Archangel Gabriel, even though without complete understanding, she uttered that famous biblical response, “I am the handmaid of the Lord, let it be done to me as you have said.”

A fiat, a Yes!

We are in the middle of the Year of Prayer (2024), in preparation for Jubilee Year 2025. God is searching for hearts. God is waiting for our generous response. God is anticipating with joy, that in our heart of hearts the birthing anew, and the growth of JESUS-EVENT, may happen.

Do we have something for God to fashion?

In our womb-heart, amidst our fulfilling-joyful life, troubled family life, or, in our sick-bed; in our life as student, as parents, as children, as consecrated person, as Christian devotedly witnessing to the growth of the Kingdom of God.

“Do not be afraid,” the Archangel Gabriel says to the Blessed Virgin Mary, assuring us also that, we have found favor with God. The Father is pleased to us because the life of His only Begotten Son, is incorporated to our life, by virtue of the sacrament of baptism through the Holy Spirit. It is just a matter for us, to make space in our hearts and lives, a PERSEVERING “YESes,” even without completely understanding God’s ways and will.

As we renew our FIAT to God’s will of building a Kingdom of justice, peace and love, may our devotion to Christ in the Eucharist lead us to love more and more, in all circumstances, in season and out of season. Remembering always that serving God in our sisters and brothers, especially the last, the least and the lost, is a sign of Eucharistic love.

“I wish all of you that the light of the Child Jesus, now on the horizon, may invade your life with His blessing,” (Message December 11, 2019). May these words of Pope Francis reverberate in your loving hearts. FIAT! (-Fr. Rey, SSS)

(Image from the internet, my gratitude).

Magandang araw po mga Kapanalig!share lang po ayon po kay Mrs. Bonifacia ManaloIna ng Sugong Angel daw Kuno ng INCM (191...
22/08/2015

Magandang araw po mga Kapanalig!
share lang po ayon po kay Mrs. Bonifacia Manalo
Ina ng Sugong Angel daw Kuno ng INCM (1914)

Entiendes?! :D

LOGIC: bakit mo hahanapin ang GREEK WORD sa tagalog na BIBLE the term "catholic" is derived from the Greek word καθολικό...
11/06/2015

LOGIC: bakit mo hahanapin ang GREEK WORD sa tagalog na BIBLE

the term "catholic" is derived from the Greek word καθολικός (katholikos)

The term katholikos is equivalent to καθόλου (katholou), a contraction of the phrase καθ' ὅλου (kath' holou) meaning "according to the whole" , "UNIVERSAL" = "Catholic Church"

ITO MISMONG GALING SA ORIGINAL GREEK NEW TESTAMENT!

Act 9:31 Αἱ μὲν οὖν ἐκκλησία καθ᾿ ὅλης τῆς ᾿Ιουδαίας καὶ Γαλιλαίας καὶ Σαμαρείας εἶχον εἰρήνην οἰκοδομούμεναι καὶ πορευόμεναι τῷ φόβῳ τοῦ Κυρίου, καὶ τῇ παρακλήσει τοῦ ῾Αγίου Πνεύματος ἐπληθύνοντο.

ACTS 9:31 “He men oun EKKLESIA KATH’OLES tes Judaias kai Galilaias kai Samarias eixon eirenen oikodomoumenai kai porenomenai to phobo tou Kyriou, kai te paraklesei tou Hagiou Pneumatos eplethunonto.”

SABI DITO AY NASA HOLY LAND: JUDEA, GALILEE AND SAMARIA…

NOT IN PUNTA STA. ANA MANILA AT HINDI RIN SA KA-DILIMAN, QUEZON CITY :)

18/03/2015
Q : Meron Bang Mababasa sa Bibliya na may taong nangumpisal sa pari dahil nagkasala siya sa Diyos?Atin pong talakayain! ...
11/03/2015

Q : Meron Bang Mababasa sa Bibliya na may taong nangumpisal sa pari dahil nagkasala siya sa Diyos?

Atin pong talakayain! :)

Nang nagkasala ang Faraon sa Diyos ay humingi siya ng tawad kina Moises at Aaron.

“Dali-daling ipinatawag ng Faraon sina Moises at Aaron. Sinabi niya, “Nagkasala ako sa Panginoon na inyong Diyos, gayundin sa inyo. Patawarin ninyo ako at ipinapakiusap kong ipanalangin ninyo sa Panginoon na alisin na sa akin ang nakamamatay na parusang ito.”(Exodo 10:16-17)

Tulad ng sinasabi ng ating mga kapatid na mga protestante ay dapat daw na ang tamang pangungumpisal ay ang direktang pananalangin sa Diyos at hindi na kailangan pang ikumpisal ito sa mga pari kagaya ng ginagawa nating mga katoliko.Sa kasunod na talata ay maliwanag na mababasa natin kung ano ang ginawa ni Moises matapos na humingi ng tawad ang Faraon sa kanyang mga kasalanan at kung mali nga ang ginawa ng Faraon ay sana itinuwid na ito ni Moises, pero iba ang ginawa ni Moise para sa Faraon.Ganito ang mababasa natin sa kasunod na mga talata…“Iniwan ni Moises ang Faraon at siya’y nanalangin. Binago naman ng Panginoon ang takbo ng hangin. Pinaihip niya ang malakas na hangin mula sa kanluran at tinangay nito ang lahat ng balang papunta sa Dagat na P**a; a isa ma’y walang natira sa Egipto.”(Exodo 10:18-19) At kung mali naman ang ginawa ni Moises na nalangin siya para sa Faraon ay hindi rin sana ito pinakinggan ng Diyos, pero maliwanag na pinakinggan ng Diyos ang panalangin ni Moises para sa Faraon. Sa tuwing nangungumpisal tayo sa pari ay nanalangin sila para sa atin para patawarin tayo ng Diyos dahil sa awtoridad na ibinigay sa kanila ni Cristo (Juan 20:22-23).

Dapat kasing maunawaan ng mga kapatid nating mga protestante na hindi lahat ng klase ng kasalanan ay dapat ipanalangin ng direkta sa Diyos kaya nga may tinatawag tayong “Mortal Sin” at “Venial Sin”. Nang nagkasala si Elifaz at kanyang mga kaibigan sa Diyos ay dapat idinirekta na sanang ihiningi ni Elifaz ng tawad ang kanyang mga kasalanan sa Diyos dahil nakaharap ang Dios sa kanya, pero ano ang nangyari? “Pagkasabi nito kay Job, si Elifaz na Temaneo naman ang hinarap ng Panginoon Sinabi niya, “Matindi ang galit ko sa iyo at sa dalawa mong kaibigan sapagkat hindi ninyo sinabi ang katotohanan tungkol sa akin tulad nang ginawa ni Job. Kaya ngayon, kumuha kayo ng pitong toro at pitong tupa. Dalhin ninyo ito kay Job at sunugin bilang handog. Ipapanalangin kayo ni Job. Siya lamang ang papakinggan ko para hindi na kayo pagbayarin sa inyong kahangalan, dahil sa hindi ninyo paglalahad ng buong katotohanan tulad nang ginagawa niya.”(Job 42:7-8) At bakit matindi ang galit ng Diyos kay Elifaz na Temaneo at sa dalawa niyang kaibigan?
Sapagkat hindi nila sinabi ang katotohanan at ang katumbas nga niyan ay ang pagsisinungaling . Para sa ating mga katoliko ang pagsisinungaling o ang hindi pagsabi ng katotohanan ay isang “Mortal Sin” na dapat ikumpisal sa pari.

Sa bible po kasi ay merong dalawang uri ng kasalanan at ito po ay may kasalanang di hahantong sa kamatayan at may kasalanang hahantong sa kamatayan. “Kung makita ninuman na ang kanyang kapatid ay gumagawa ng kasalanang di hahantong sa kamatayan, ipanalangin niya ang kapatid na iyon sa Diyos na magbibigay sa kanya ng bagong buhay. Ito’y para sa mga kapatid na ang kasalanan ay hindi humahantong sa kamatayan. May kasalanang hahantong sa kamatayan, at hindi ko sinasabing idalangin ninyo ang sinumang gumagawa nito.”(1 Juan 5:16)

Ang salitang “mortal” ay nanggaling po sa salitang latin na “mors” na nangangahulugan ng “death” at ang salitang “venial” naman ay nanggaling sa salitang latin na “venialis” na nangangahulugan ng “easy pardonable”. Sa sitwasyon ng Faraon ay nakagawa siya ng malaking kasalanan sa Diyos ganun din si Elifaz at kanyang mga kaibigan kaya kailangan nila ang panalangin ng mga pari ng Diyos upang makamit nila ang pagpapatawad.
Si Moises at Aaron ay mga pari ng Diyos, “Si Moises at si Aaron, na mga pari niya;at si Samuel nama’y lingkod na sa kanya ay sumamba;nang si Yahweh’y dalanginan, dininig naman sila.”(Awit 99:6)Dapat din maunawaan ng mga kapatid natin na ang pangungumpisal sa pari lalong lalo na ng mga kapatid nating nagkasala ng mortal ay may malaking pakinabang.

1. Sa tuwing may nangungumpisal sa pari ay pinapatawad ng Diyos ang anumang pagkakasala nito mortal man o venial (Juan 20:22-23)

2. Naiintindihan ng mga pari ang kahinaan ng mga nangungumpisal sa kanila dahil dito ay mabibigyan ng mga pari ng kaukulang payo ang mga nangungumpisal sa kanila,
“Ang bawat pinakapunong pari ay pinili mula sa mga tao at inilagay sa ganoong tungkulin upang maglingkod sa Diyos para sa mga tao. Siya ang nag-aalay ng mga kaloob at mga handog para mapatawad ang mga kasalanan. Nadarama niya ang kahinaan ng mga mangmang at ng mga naliligaw ng landas sapagkat siya’y mahina ring tulad nila.”(Hebreo 5:1-2)

3. Binibigyan ng mga pari ng magandang payo ang mga nangungumpisal lalong lalo na ang pagsisisi at pagtalikod sa mga ginagawang mortal na kasalanan. Si Apostol Pablo ay isang pari (Roma 15:16) at isa sa kanyang mga mensahe para sa mga tao ay ang pagsisisi, “Ipinangaral kong dapat silang magsisi’t tumalikod sa kanilang mga kasalanan, lumapit sa Diyos, at ipakita ang kanilang pagsisisi sa pamamagitan ng mga gawa.”(Gawa 26:20) Kaya kung napapansin natin, bago pa man ginagawa ng pari ang absolusyon o pagpapawalang-sala sa mga nangungumpisal ay sinasabihan muna ito ng pari na dapat niya pagsisihan ang kanyang mga nagawang kasalanan.
Ang pagsisi po kasi ay malaking bagay at daan po patungo sa ating kaligtasan at ang taong walang pagsisi at hindi ito ipinapakita sa pamamagitan ng mga gawa ay mapapahamak.
Kaya nga ginagamit ng Diyos ang mga pari para maging kasangkapan niya sa pagsunod sa kanyang kalooban at dapat sa kanila sumangguni ang mga tao.

“Tungkulin ng mga pari na ituro ang tunay na kaalaman tungkol sa Diyos. Sila ang dapat sangguniin ng mga tao tungkol sa aking kalooban, sapagkat sila ang mga sugo ng Panginoon na Makapangyarihan sa lahat.”(Malaquias 2:7) Kung napapansin din po natin ay marami sa mga nangungumpisal ay ang mga nagsasama na hindi pa ikinakasal sa simbahan at ito po ay isang mortal na kasalanan, sa pamamagitan ng pangungumpisal sa pari ay mabibigyan din sila ng payo na dapat magpakasal upang makatanggap ng basbas ng Diyos. Katulad ni Apostol Pablo na isang pari ng Diyos ay binigyan niya ng payo ang mga taong gustong mag-asawa na dapat magpakasal sa banal na paraan. “Kalooban ng Diyos na kayo’y magpakabanal at lumayo sa lahat ng uri ng kahalayan. Dapat maging banal at marangal ang pakikitungo ng bawat isa sa kanyang asawa”(1 Tesalonica 4:3-4) Kalooban po kasi ng Diyos na magpakasal ang mga mag-asawa sa banal na paraan at tungkulin po ito ng mga pari at sila ang dapat sangguniin ng mga tao tungkol sa mga bagay na ito.Mahalaga po kasi ang pagsunod sa kalooban ng Diyos. “Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga tao lamang na sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit. ”(Mateo 7:21)

Kaya malaking bagay po ang pangungumpisal ng ating mga kasalanan sa pari at sa tuwing nangungumpisal po tayo ay natatamo natin ang pagpapatawad ng Diyos, binibigyan po tayo ng gabay sa pagsisisi at sinusunod po natin ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng pagsangguni natin sa mga pari dahil ito ay utos ng Diyos. Kung ang mga kapatid nating mga protestante ay hindi gumagawa nito ay naiintindihan po natin kung bakit.

“Wala pong makakaalam ng iyong kalooban malibang bigyan mo siya ng iyong Karunungan, at lukuban ng iyong banal na espiritung mula sa kaitaasan. Sa ganitong paraan po lamang naaakay mo ang mga tao sa matuwid na landas. Natututunan po namin kung ano ang kalugud-lugod sa iyo, at naliligtas kami sa pamamagitan ng iyong Karunungan.”(Karunungan 9:17-18)

Sana Tayo po ay may natutunan sa ating Paksang tinalakay sa araw na ito. Mamaya po sa ganap na alas-dos ng hapon inaanyayahan po tayong lahat na makiisa sa ating kumpisalang bayan na gaganapin po sa ating Parokya.

maraming salamat po!

MARAHIL MARAMI SA ATIN ANG HINDI LUBOS NA NAUUNAWAAN"ASH WEDNESDAY" O ANG UNANG ARAW NG PANAHON NG KUWARESMA (Lenten), S...
17/02/2015

MARAHIL MARAMI SA ATIN ANG HINDI LUBOS NA NAUUNAWAAN
"ASH WEDNESDAY" O ANG UNANG ARAW NG PANAHON NG KUWARESMA (Lenten), SAAN NGA BA ITO MABABASA SA BIBLIYA AT BAKIT NATIN ITO GINAGAWA?....

ATIN PONG TALAKAYIN! :)

ISA SA TINUTULIGSA NG MGA IGLESIA NI MANALO, AT NG ANG DATING DAAN NI ELISEO SORIANO AT IBANG SEKTA NA IMBENTO LANG DAW NG MGA PARI ANG PAGPAPAHID NG ABO AT HINDI DAW BIBLICAL ITO, ISA NA NAMANG PANGHUHUSGA ANG IBINABATO SA SIMBAHANG KATOLIKO. NAGPAPTUNAY SA KANILANG KAKULANGAN SA KAALAMAN SA BIBLIYA AT ISA NA NAMAN KASO NG PANGHUHUSGA SA PANINIWALANG KATOLIKO
ANG PAGPAPAHID NG ABO SA NOO AY KINAGAWIAN NA NG MGA TAGASUNOD NG DIYOS NG MATAGAL NG PANAHAON AT DALA DALA NATIN MGA KATOLIKO. SIMBOLO NG PAGSISI AT PAGDADALAMHATI SA PAGKAMATAY NG PANGINOONG HESUS SA KRUS..
SINASABI SA BIBLIYA NA ANG MGA HUDYO NA NAGSISI AT NAGLULUKSA AY NAGLALAGAY NG ABO SA KANILANG NOO PARA IPAKITA ANG KANILANG PAGLULUKSA SA DIYOS...
MALINAW DIN NA SINASABI NG BIBLIYA NA ANG PAGPAPAHID NG ABO SA NOO AY PAGPAPAKITA NG MADALAMHATING PAGSISI SA "PAGKAKASALA" AT "PAGKAKAMALI"
ANG GANITONG KINAGAWIAN AY DALA DALA NG SIMBAHANG KATOLIKO NA PAGPAPAHID NG ABO SA MGA NOO PARA SA PAGPAPAKITA NG PAGLULUKSA SA PAGPAPAHIRAP AT PAGKAMATAY NG PANGINOONG HESUS..

ANG PAGPAPAHID NG ABO SA ATING NOO AY PAALALA SA ATIN NA TAYO AY GINAWA NG DIYOS MULA SA ALABOK.

Genesis 2:7
Pagkatapos, GINAWA ng Panginoong Yahweh ANG TAO MULA SA ALABOK, hiningahan niya sa ilong, at nagkaroon ito ng buhay.
AT PAGKAT SA ALABOK TAYO NAGMULA, SA ALABOK DIN TAYO BABALIK

Genesis 3:19
sa pagod at pawis pagkain mo'y manggagaling maghihirap ka hanggang sa malibing. DHIL SA ALABOK, DOON KA NANGGALING, SA LUPANG ALABOK.AY BABALIK KA RIN.”

ANG PANAHON NG KWARESMA AY PANAHON NG PAGGUNITA SA SAKRIPISYO NA IBINIGAY NG ATING PANGINOONG JESUS SA KANYANG PAGPAKASAKIT AT KAMATAYAN SA KRUS PARA SA KATUBUSAN NG ATING MGA KASALANAN.

TANONG:
"Biblical ba ang pagpapahid ng abo?"

SAGOT:
OPO!

"BIBLICAL BASIS"

SA BIBLIYA ANG PAGLALAGAY NG ABO AY GINAGAWA NG MGA HUDYO UPANG MAGDALAMHATI O MAG LUKSA SA DIYOS.

2 SAMUEL 13:19
"At BINUBUHUSAN ni Thamar NG MGA ABO ang kaniyang ULO, at hinapak ang kaniyang suot na sarisaring kulay na nakasuot sa kaniya; at kaniyang ipinatong ang kaniyang kamay sa kaniyang ulo, at ipinagpatuloy ang kaniyang lakad, na NA UMIIYAK NG MALAKAS habang siya'y yumayaon."

KITA NYO, SI THAMAR AY NAGPAPAKITA NG PAGDADALAMHATI SA DIYOS, PAGPAPAKITA NG KABABAAN NG LOOB ANG PAGPAPAHID NG ABO SA ULO, HINUBAD NIYA ANG KANYANG SARILI HABANG LUMALAKAD NG HUMAHAGULGOL SA IYAK.. PARA IPAKITA SA DIYOS ANG PAGDADALAMHATI NIYA O' PAGSUSUMAMO SA DIYOS

ETO PA PO!

LUCAS 10:13
"Sa aba mo, Corazin! sa aba mo, Betsaida! sapagka't kung sa Tiro at sa Sidon sana ginawa ang mga gawang makapangyarihang ginawa sa inyo, ay maluwat na DISING NANGAGSISI na nangauupong may kayong magaspang AT ABO. "

KITA NIYO PO?. ANG PAGSISI O PAGPAPAKITA NG PAGSISI SA PAGKAKAMALI AY KINAGAWIAN NA MAG LAGAY NG ABO PARA IPAKITA SA DIYOS ANG KANILANG KABABAN NG LOOB.

ESTHER 4:1,3
"Nang maalaman nga ni Mardocheo ang lahat na nagawa, HINAPAK ni Mardocheo ang kaniyang suot, at nanamit ng kayong magaspang na may MGA ABO At sa bawa't lalawigan na kinararatingan ng utos ng hari at ng kaniyang pasiya, ay nagkaroon ng malakas na panangisan sa gitna ng mga Judio, at ng PAGAAYUNO, at ng IYAKAN at ng TAGHUYAN, at marami ay nagsipanamit ng kayong magaspang at mga ABO."

KAYA NAMAN ANG PAG-AAYUNO NA GINAGAWA NATIN "DISIPLINA" TUWING HOLY WEEK AT PAGPAPAHID NG ABO SA ULO, PANALANGIN, ATB. AY KINAGAWIAN NATIN PARA MAG PAKITA NG PAGLULUKSA O' PAGDADALAMHATING PAGSISI SA DIYOS.

DANIEL 9:3
"At aking itiningin ang aking mukha sa Panginoong Dios upang humanap sa pamamagitan ng PANALANGIN at ng mga samo, ng PAG-AAYUNO at pananamit ng MAGASPANG at ng MGA ABO"
AT ISA PA DITO ANG KWENTO NI JOB NA KUNG SAAN SINUBOK SIYA NG DIYOS NA WALA ANG LAHAT NG BAGAY SA KANYA KATULAD NG ARI-ARIAN, BAHAY, TANIMAN, HAYOP, PAMILYA NGUNIT SA KABILA NG KANIYANG MATINDING PAGHIHIRAP AY HINUBAD NIYA ANG KANYANG DAMIT NAG PATIRAPA SA LUPA AT NAGPAHID NG ABO AT NAGPURI SA DIYOS..

JOB 2:13
"At nang kanilang itanaw ang kanilang mga mata mula sa malayo, at hindi siya makilala, kanilang inilakas ang kanilang tinig, at nagsiiyak at hinapak ng bawa't isa sa kanila ang kanikaniyang balabal, at NAGBUHOS NG ALABOK SA KANYANG ULO sa dakong langit."

SEE.. MALINAW NA GINAWA RIN NI JOB ANG PAGLALAGAY NG ABO SA ULO UPANG IPAKITA ANG KANYANG PAGDADALAMHATI SA DIYOS KAYA TUWING ASH WEDNESDAY AY NAGDADALAMAHATI TAYO AT GINUGUNITA NATING MGA KATOLIKO ANG PAGPAPAHIRAP SA PANGINOONG HESUS AT ATING IPINAPAKITA ANG ATING PAGLULUKSA O' PAGSUSUMAMO NATIN SA DIYOS. IPINAPAKITA DIN NATIN SA PAGPAPAHID NG ABO SA ULO ANG ATING PAGSISI SA ATING MGA KASALANAN NAGAWA SA DIYOS.

****FASTING AND ABSTINENCE****
GAYA NG BINASA NATIN SA TAAS ANG MGA NAGLULUKSA AY NAGAAYUNO NA MABABASA NATIN SA DANIEL 9:3.. ANG FASTING O PAGAAYUNO AY ISANG DISIPLINA NA ISINASAGAWA SA BIBLIYA NA MAKIKITA SA OLD AT SA NEW TESTAMENT..
SI KRISTO INAASAHAN NIYA NA ANG KANYANG MGA DISIPULO AY MAG AAYUNO
MATEO 9:14-15

"Nang magkagayo'y nagsilapit sa kaniya ang mga alagad ni Juan, na nangagsabi, Bakit kami at ang mga Fariseo ay NANGAGAAYUNO madalas, datapuwa't hindi NANGAGAAYUNO ang mga alagad mo?
At sinabi sa kanila ni Jesus, Mangyayari bagang MANGAGLUKSA ang mga abay sa KASALAN, samantalang ang kasintahang lalake ay kasama nila? datapuwa't darating ang mga araw, na ang kasintahang lalake ay aalisin sa kanila, at kung magkagayo'y MANGAGAAYUNO sila.
AT TINURUAN NI KRISTO ANG KANYANG MGA ALAGAD KUNG PAANO MAGAYUNO NG TAMA AT KALUGOD LUGOD SA DIYOS

MATEO 6:16-18
"Bukod dito, pagka kayo'y nangagaayuno, ay HUWAG KAYONG GAYA NG MGA MAPAGPAIMBABAW, na may mapapanglaw na mukha: sapagka't kanilang pinasasama ang mga mukha nila, upang makita ng mga tao na sila'y nangagaayuno. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.
Datapuwa't ikaw, sa pagaayuno mo, ay LANGISAN MO ANG IYONG ULO, at hilamusan mo ang iyong mukha; Upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw ay NAGA-AYUNO, kundi ng Ama mo na nasa lihim: at ang Ama mo, na nakakikita sa lihim, ay gagantihin ka."

************************************************************************************
ABSTINENCE O' ABSTINENSIYA
AY ISANG BIBLICAL DISCIPLINE DIN NA MABABASA NATIN SA

DANIEL 10:2-3
"Nang mga araw na yao'y akong si Daniel ay NANANGIS na tatlong BUONG SANGLINGGO. HINDI AKO KUMAIN NG MASARAP NA TINAPAY, ni pumasok man ang KARNE ni ALAK man sa aking BIBIG, ni naglangis man ako, hanggang sa natapos ang TATLONG BUONG SANGLINGGO."
ANG KINAGAWIAN NI DANIEL GANUN DIN NA GINAGAWA NATING MGA KATOLIKO SA PAGUGUNITA SA HOLY WEEK SA PAGKAKAPAKO NI HESUS SA KRUS. KAYA UMIIWAS TAYO SA MGA KARNE DURING LENT NA GAYA NG GINAGAWA NI DANIEL SA ARAW NA IYON ANG TANGING KARNE NA KINAKAIN SA ARAW NA ITO AY ISDA NA SUMISIMBOLO KAY HESUS.

MARAMING SALAMAT PO! SANA PO TAYO PO AY MAY NATUTUTUNAN SA ATING TINALAKAY NGAYON SA ARAW NG ITO. :)

INAANYAYAHAN ANG LAHAT NG DUMALO SA ATING BANAL NA MISA MAMAYANG ALAS 6 NG UMAGA SA ATIN PONG PAROKYA.
MULI PO MARAMING MARAMING SALAMAT! :)

Bawal nga ba ang pagkain ng DINUGUAN? Atin pong talakayin...MALAKING USAPIN sa mga kaanib ng Iglesia ni Cristo kay Manal...
10/02/2015

Bawal nga ba ang pagkain ng DINUGUAN?
Atin pong talakayin...

MALAKING USAPIN sa mga kaanib ng Iglesia ni Cristo kay Manalo ang PAGKAIN ng DINUGUAN. Para sa kanila, mas karumal-dumal ang PAGKAIN ng DUGO kaysa ang pagpatay ng buhay. Sa kanilang "Basic Teachings" hindi nabanggit doon na karumaldumal ang pagpatay sa kapwa kundi ang PAGKAIN ng DUGO.

Sa KALITUHAN ng mga kaanib ng Iglesia ni Manalo, pinalalagay nilang sila'y dapat pa ring sumunod sa BATAS ng mga HUDYO at feeling nila ay mga ISRAELITA sila. Tutal, hindi naman po sila tinuturing ng KRISTIANO dahil itinatatwa nila si CRISTOng tunay na DIOS at TAO. Sila'y mas kilala bilang KULTO sapagkat mas SINASAMBA nila ang IGLESIA ni CRISTO ni MANALO bilang institusyon at pinaglalabanan at pinagtatanggol nila kahit pa kamatayan ang Iglesia ni Cristo, at sa larangan ng pukpukan sa debate pinagtatanggol nila ang kalagayan ni Mang Felix the CAT Manalo bilang "Huling Sugo (SALTED PEANUTS) o Anghel" habang niyuyurakan nila si CRISTO HESUS na kesyo siya'y TAO daw lamang kaya patuloy nilang hinahamak.

Saan ba nakikita sa LUMANG TIPAN ang pagbabawal sa mga ISRAELITA ang pagkain ng DUGO?

Genesis 9:4 Nguni't ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin.

Leviticus 17:10-12
10 At sinomang tao sa sangbahayan ni Israel o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila, na kumain ng anomang dugo, ay aking itititig ang aking mukha laban sa taong yaon na kumain ng dugo, at ihihiwalay ko sa kaniyang bayan. 11 Sapagka't ang buhay ng laman ay nasa dugo; at aking ibinigay sa inyo sa ibabaw ng dambana upang itubos sa inyong mga kaluluwa: sapagka't ang dugo'y siyang tumutubos dahil sa buhay. 12 Kaya't aking sinabi sa mga anak ni Israel, Sinoman sa inyo ay huwag kakain ng dugo, ni ang taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo ay huwag kakain ng dugo.

Deuteronomy 12:16 Huwag lamang ninyong kakanin ang dugo; iyong ibubuhos sa lupa na parang tubig.

Sa tatlong nabanggit sa itaas, pinagbabawal ng Dios sa mga Israelita o Hudyo na HUWAG kumain ng DUGO sapagkat dumadaloy ang buhay dito.

Ang tanong, HUDYO ba tayo?

Syempre Hindi po!

Tayo'y nasa bagong Tipan at tayo'y mga KRISTIANO, At AYON mismo kay Cristo, "Hindi ang pumapasok sa bibig ng isang tao ang nagpaparumi sa kanya kundi kung anong LUMALABAS sa kanyang bibig ang NAGPAPARUMI sa kanya". yan po ang MABABASA natin sa "Mateo 15:11"

So alin kaya ang tinutukoy ni Cristo na NAGPAPARUMI sa isang tao? Ang dugong kinakain ng mga Kristiano (Dinuguan na pumapasok sa bibig) o ang mga masasamang salitang lumalabas sa bunganga ng isang kanilang mga Ministro ni MANALO?

Mismong mga Ministro po ng Iglesia ni Manalo ang nagsasabi sa ating mga KATOLIKO at sa ating mga Pari ng masasakit na salita at mga pagpaparatang gaya nito.

PASUGO Disyembre 1965, p. 5:

“Kaninong Ministro kung ganyan ang mga Paring Katoliko? Mga
Ministro ni Satanas na Diablo."

PASUGO Oktubre 1959, p. 5:
“Mga magdaraya at anti-Cristo, ang mga nagtuturong si Cristo ay Dios."

PASUGO Agosto 1962, p. 9:
“Kaya ang tunay na anti-Cristo, ang mga Papa ng Iglesia Katolika Apostolika Romana. At ang tunay na ampon ng anti-Cristo ay ang mga Katoliko.”

PASUGO Oktubre 1956, p. 1:
“Ang Iglesia ni Cristo ay nagdaos ng pamamahayag sa Lunsod ng Davao. Nagsalita roon si Kapatid na Felix Manalo at ang kasama niyang mga Ministro. Ipinahayag doon ng mga nagsalita na ang Iglesia Katolika Romana ay hindi itinatag ni Cristo kundi itinatag ng Diablo."

Sa katuruan sa mga Hudyo, DUGO lang ba ang PINAGBABAWAL ng DIOS sa mga HUDYO/ISRAELITA? Hindi po!

Bakit HINDI nila sinusundan ang iba pang mga PINAGBABAWAL na mga PAGKAIN SA Levitiko sa LUMANG TIPAN katulad ng mga sumusunod? (Source: Wikipedia)

Bat Camel Chameleon Coney(Hyrax) Cormorant Cuckow Eagle Ferret Gier Eagle Glede Great Owl Hare Hawk Heron Kite Lapwing
Little Owl Lizard Mole Mouse Night Hawk Osprey Ossifrage Owl Pelican Raven Snail Stork Swine Tortoise Vulture Weasel

Bukod sa DIETARY RESTRICTIONS sa mga Hudyo, malaking usapin sa mga UNANG KRISTIANO kung SUSUNOD pa ba ang mga KRISTIANO sa mga patakaran ng mga Hudyo katulad ng PAGTUTULI o HINDI na?

Ang sagot dito ay ang kauna-unahang KONSILYO ng IGLESIA naganap sa JERUSALEM (so far may 21 na pong KONSILYO pagkatapos niyan). Anong NAPAGKASUNDUAN sa Konsilyo sa Jerusalem?
"Council of Jerusalem, a conference of the Christian Apostles in Jerusalem in about 50 ce that decreed that Gentile Christians did not have to observe the Mosaic Law of the Jews. It was occasioned by the insistence of certain Judaic Christians from Jerusalem that Gentile Christians from Antioch in Syria obey the Mosaic custom of circumcision. A delegation, led by the apostle Paul and his companion Barnabas, was appointed to confer with the elders of the church in Jerusalem. The ensuing apostolic conference (noted in Acts 15:2–35), led by the apostle Peter and James, “the Lord’s brother,” decided the issue in favour" -Britannica

HINDI na raw sumasailalim ang mga HENTIL sa mga kautusan ng BATAS ni MOISES katulad ng pagkain ng Dugo. Samakatuwid, hindi naman tayo HUDYO kaya't HINDI na nga tayo SUMASAILALIM sa ilalim ng BATAS ni MOISES.

Ito rin ang sinabi ng DIOS kay APOSTOL SAN PEDRO: "What God has made clean, you are not to call profane." -Acts 10:15

Ano raw?????

Sa madaling sabi, ang mga pagkaing GINAWA ng DIOS na MALINIS na, walang karapatan ang IGLESIA ni CRISTO kay Manalo na tawagin itong MARUMI!!! Dahil ito na ang NAPAGKASUNDUAN sa Unang KONSILYO ng Iglesia noong 50 A.D. dahil HINDI kami HUDYO kaya't hindi na kami sakop ng batas ni Moises!

Mismong si Cristo ang NAG-UTOS: "Whoever eats my flesh and drinks my blood remains in me and I in him." -John 6:56 (Basahin ang buong Chapter 6 ng John)

So ngayon, totoo bang PANGHABANG-BUHAY ang PAGBABAWAL ng pagkain ng dugo? HINDI na po! Isang PANLILINLANG na naman ito ng Iglesia ni Cristo ma turo at gawa gawa ng Kanilang Puno na si Mang Felix Manalo.

Ito'y malinaw na sinabi ng UNANG Konsilyo ng IGLESIA at ito rin ang sinabi ng Dios kay SAN PEDRO, ang unang SANTO PAPA ng IGLESIA. Tumalima tayo noon sa Unang Santo Papa, tayo rin dapat ay tumalima sakanyang mga kahaliling mga Santo Papa.

Maraming salamat po at sana po tayo ay nalinawan at may natutunan sa ating tinalakay na topic ngayon. :)

MGA KAPANALIG NA KATOLIKO.........Ikaw ay bininyagan bilang isang KATOLIKO at ito ay isa sa PINAKA-MAGANDANG REGALO na i...
29/01/2015

MGA KAPANALIG NA KATOLIKO.........

Ikaw ay bininyagan bilang isang KATOLIKO at ito ay isa sa PINAKA-MAGANDANG REGALO na iyong NATANGGAP MULA SA PANGINOON.. kaya wag mo pong sasayangin ang sakramento ng BINYAG na iyong natanggap mula sa DIYOS!... WALANG DAHILAN UPANG IYONG TALIKURAN ANG INANG SIMBAHANG KATOLIKA! DAHIL ANG CATHOLIC CHURCH LAMANG ANG TUNAY NA IGLESIA NA TATAG NG PANGINOON...

ANG MGA PARI AY HINDI PERPEKTO, ANG MGA NAMAMALAKAD SA SIMBAHAN AY MGA TAO RIN AT HINDI PERPEKTO....NGUNIT MASISIGURADO KO SA INYO NA ANG TURO AT ARAL NG SIMBAHANG KATOLIKA AY PERPEKTO! DAHIL ITO AY TATAG MISMO NI CRISTO.... 2000 TAON NA PO ANG CATHOLIC CHURCH.... MARAMI NA PO ANG NAGTANGKANG PABAGSAKIN ITO...NGUNIT WALA KAHIT ISA SA KANILA ANG NAGTAGUMPAY....ANG LAHAT AY DAHIL SA PROTEKSYON NG HOLY SPIRIT.... HINDI PERA ANG NAGPAPATATAG SA CATHOLIC CHURCH KUNDI ANG PROTEKSYON AT PAG GABAY NG ESPIRITU SANTO....

PALAKASIN PO NATIN ANG ATING PANANAMPALATAYA UPANG ANG MGA KAMPON NG DEMONYO AT MGA BULAANG PROPETA AY HINDI MADAIG ANG ATING PANANAMPALATAYA SA PANGINOON AT SA SIMBAHAN... HUWAG NATING SASAYANGIN ANG SAKRAMENTO NG BINYAG NA ATING TINANGGAP AT NAGPALAYA SA ATIN SA ATING MGA KASALANAN!... MGA KAPANALIG MAG INGAT PO KAYO SA MGA BULAANG PROPETA NA NAGSISILAPIT AT NAGTATANGKANG KAYO AY IMPLUWENSYAHAN NG MGA ARAL NG DEMONYO AT GAWA LAMANG NG TAO...

LAGI PO NATING TATANDAAN... PAGKA ANG SEKTANG IYONG KINAAANIBAN AY TATAG LAMANG NG TAO.....WALANG DUDA IYAN AY SA DEMONYO....

SUMAINYO ANG KATOTOHANAN! :)

SINO BA NAMAN ANG HINDI MALILITO KUNG NAGSULPUTAN ANG GANITONG NAPAKARAMING TAO,,,… SILA SILA IISA ANG GAMIT NA BIBLIYA ...
27/01/2015

SINO BA NAMAN ANG HINDI MALILITO KUNG NAGSULPUTAN ANG GANITONG NAPAKARAMING TAO,,,… SILA SILA IISA ANG GAMIT NA BIBLIYA NGUNIT HINDI NAGKAKASUNDO-SUNDO SA PAG INTINDI NG MGA NAKASULAT DITO…anu ba talaga kuya?????>>HINDI MO NA MAINTINDIHAN KUNG SINU ANG TUNAY AT TOTOO…. lumalabas tuloy na lahat sila PEKE! HUWAD! PIRATED! …
PERO ALAM NYO…. MAY ISANG BAGAY SILANG PINAGKAKASUNDUAN…

ANG PABAGSAKIN ANG SANTA IGLESIA KATOLIKA…. DIBA? ALAM NA NILA NA IKAW AY ISANG KATOLIKO… PERO SUSULUTIN KA PA RIN NILA NG SUSULUTIN AT SASABIHIN SAIYO NA SILA ANG TAMA AT TOTOO,,,MGA KAPATID….. KUNG DATI HINAYAAN NATIN ANG MGA TAONG ITO…ORAS NA AT PANAHON NA UPANG MAGISING TAYO SA KANILANG MGA PAKAY SA ATIN… ALMOST 40K DENOMINATIONS ALL OVER THE WORLD ANG NAGKALAT… ANG IBA NAKAPAGBASA LANG NG ISANG LINYA SA BIBLIYA NAGTAYO NA NG KANYANG SARILING SEKTA…. ANG IBA NAGKULONG LANG SA KWARTO PAGLABAS SUGO NA…. hanubayan….. .BEWARE OF FALSE PROPHET…. GOD BLESS….
PROTECT THE CATHOLIC CHURCH! THE ONE, HOLY, CATHOLIC AND APOSTOLIC!

Courtesy of: http://www.splendorofthechurch.com.ph/

Madalas tayong tinatanong ng mga INC at mininsan nasa hambog na paraan. At ang mga tanong na ito ay kadalasan nag simula...
27/01/2015

Madalas tayong tinatanong ng mga INC at mininsan nasa hambog na paraan. At ang mga tanong na ito ay kadalasan nag simula sa salitang “Saan mababasa sa Bibliya” at hinihingi talaga ang letra por letra na sagot. Dahil dito, masasabi natin na ang kanilang pananampalataya at mga ginagawa ay nanggalin talaga sa Bibliya. Isang paraan para mapatunayan nila ang kanilang pinanindigan, tatanungin natin sila:
Saan sa Biblia iniutos na gawing matutulis ang mga kapilya?
Saan sa Biblia mababasa ang Executive Minister ng iglesia?
Saan sa Biblia mababasa ang mga “local” ng Iglesia ni Cristo?
Saan sa Biblia iniutos na tawaging Iglesia ni Cristo ang pangalan ng iglesia?
Saan sa Biblia iniutos na iparehistro sa ahensiya ng pamahalaan ng Pilipinas ang Iglesia ni Cristo?
Saan sa Biblia mababasa letra por letra na si Felix Manalo ang ibong mandaragit sa Isaias 46:11?
Saan sa Biblia iniutos na ang mga Executive Minister ng iglesia ay dapat na manggaling sa angkan ng mga Manalo?
Saan sa Biblia iniutos na matapos mamatay ang Executive Minister na si Eraño Manalo ay automatic na hahalili ang Deputy Executive Minister na kanyang anak na si Eduardo Manalo sa pagka-Executive Minister kahit walang halalan na naganap?
Saan sa Biblia mababasa na ang selyo ng iglesia ay dapat may kulay na p**a, puti at luntian?
Saan sa Biblia mababasa na dapat ilibing ang bangkay ng Executive Minister sa loob ng tabernaculo?
Saan sa Biblia iniutos na maghapunan sa umaga?
Saan mababasa sa Biblia ang samu’t saring abuluyan, handugan at lagak sa iglesia?
Saan sa Biblia iniutos sa ministro na lumuhod kay Manalo?

Courtesy of: http://www.splendorofthechurch.com.ph/

Address

San Leonardo
3102

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SJMVP Apologetics posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share