16/08/2025
Panalangin at Pasasalamat ๐๐
Ngayong Agosto 16, ginugunita natin ang kapistahan ng ating mahal na pintakasi, San Roque. Isang banal na alagad ng Diyos na nagsakripisyo ng kanyang buhay upang tumulong sa mga may sakit at nagtiwala nang lubos sa kalooban ng Diyos Ama.
Sa kanyang araw, atin siyang pinararangalan hindi lamang sa pamamagitan ng ating panalangin at mga banal na gawain, kundi maging sa ating pagkakaisa at pagtutulungan bilang isang komunidad. Sa bawat pagdiriwang ng kanyang kapistahan, nawaโy patuloy tayong tumibay sa pananampalataya at mapalalim ang ating pagtitiwala sa Diyos sa lahat ng oras, lalo na sa panahon ng pagsubok.
San Roque, aming pintakasi, patuloy mo kaming ipanalangin at ipagtanggol.
Viva San Roque! ๐