San Bartolome Apostol Parish

San Bartolome Apostol Parish Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from San Bartolome Apostol Parish, Religious organisation, San Bartolome District Poblacion, San Leonardo.

Kaisa sa pagbuo ng Diocesis ng Cabanatuan sa isang Sambayanang Mababa ang Loob at Kumakalinga, Nakaugat sa Katotohanan ng Buhay, at Tinawag upang maging tunay na Lingkod ni Kristo..

24/08/2026

PISTANG PATRON 2026
SAN LEONARDO, NUEVA ECIJA • AUGUST 24, 2026

130 Taon ng Pananampalataya130 Taon ng BiyayaMula sa mga unang araw ng Maniclin hanggang sa Parokya ni San Bartolome Apo...
23/08/2026

130 Taon ng Pananampalataya
130 Taon ng Biyaya

Mula sa mga unang araw ng Maniclin hanggang sa Parokya ni San Bartolome Apostol na ating minamahal ngayon
130 taon ng kasaysayan, pananampalataya, paglilingkod, at pagkakaisa.

Sa bawat henerasyong lumipas, patuloy na nananatiling buhay ang ating pananampalataya. At sa bawat bagong henerasyon, patuloy nating isinusulat ang kuwento ng ating parokya.

Maligayang Ika-130 Anibersaryo, Parokya ni San Bartolome Apostol!
Maligayang Kapistahan Aming Mahal na Patron
San Bartolome Apostol!

KALOOBAN AY DALISAY, KAAKIBAT SA PAGLALAKBAY.


LA VIRGEN DEL ROSARIO DE ADORABLEatST. JOHN MARIA VIANNEY sa Procesión Patronal August 24, 2026 | 4:00 PMVIVA! San Barto...
23/08/2026

LA VIRGEN DEL ROSARIO DE ADORABLE
at
ST. JOHN MARIA VIANNEY

sa Procesión Patronal
August 24, 2026 | 4:00 PM

VIVA! San Bartolome!

⚜️¡𝓥𝓲𝓿𝓪, 𝓢𝓪𝓷 𝓙𝓾𝓪𝓷 𝓜𝓪𝓻𝓲𝓪 𝓥𝓲𝓪𝓷𝓷𝓮𝔂!⚜️
⚜️‎¡𝓥𝓲𝓿𝓪, 𝓛𝓪 𝓥𝓲𝓻𝓰𝓮𝓷 𝓭𝓮𝓵 𝓡𝓸𝓼𝓪𝓻𝓲𝓸!⚜️

‎𝗣𝗔𝗔𝗡𝗬𝗔𝗬𝗔 || Bilang isang sambayanan kay Kristo, atin ngayong samahan ang Patron ng ating Parokya, kasama ang Reyna at Ina ng Bayan ng San Leonardo, 𝐒𝐚𝐧 𝐉𝐮𝐚𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚 𝐕𝐢𝐚𝐧𝐧𝐞𝐲 at 𝐍𝐮𝐞𝐬𝐭𝐫𝐚 𝐒𝐞ñ𝐨𝐫𝐚 𝐕𝐢𝐫𝐠𝐞𝐧 𝐃𝐞𝐥 𝐑𝐨𝐬𝐚𝐫𝐢𝐨 𝐝𝐞 𝐀𝐝𝐨𝐫𝐚𝐛𝐥𝐞 sa isang Maringal na Prusisyon sa 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐧 𝐁𝐚𝐫𝐭𝐨𝐥𝐨𝐦𝐞 𝐀𝐩𝐨𝐬𝐭𝐨𝐥 at bilang Paggunita sa ika-130 Taon Anibersaryo ng Paglalakbay bilang Parokya ni San Bartolome Apostol sa Bayan ng San Leonardo.

‎𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝟮𝟰, 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝟰:𝟬𝟬 𝗡.𝗛.

‎Ang lahat ng inaasahan na dumalo ay mangyaring magsuot ng ating 𝙊𝙛𝙛𝙞𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙎𝙝𝙞𝙧𝙩 𝙤 𝙣𝙜 𝙠𝙪𝙡𝙖𝙮 𝙋𝙪𝙡𝙖𝙣𝙜 𝘿𝙖𝙢𝙞𝙩 bilang pakikiisa sa ating Parokya.



📜 Kuwentong Ka-TOLOME⏳ 1 Day to GoAng Pistang Kalamay ni San Bartolome ApostolAlam mo ba?Dalawa ang pangunahing kapistah...
22/08/2026

📜 Kuwentong Ka-TOLOME

⏳ 1 Day to Go

Ang Pistang Kalamay ni San Bartolome Apostol

Alam mo ba?

Dalawa ang pangunahing kapistahang ipinagdiriwang taon-taon sa bayan ng San Leonardo. Tuwing ika-24 ng Mayo ay ipinagdiriwang ang Pistang Bayan, samantalang tuwing ika-24 ng Agosto naman ay inihahandog ang kapistahan kay San Bartolome Apostol, patron ng ating parokya. Ang kapistahang ito ay higit na kilala bilang Pistang Kalamay.

Natatangi ang tradisyong ito sa San Leonardo sapagkat iniuugnay ang kalamay sa buhay at pagpapakasakit ni San Bartolome Apostol. Tulad ng pagluluto ng kalamay na dumaraan sa matinding proseso ng pagmamasa, paghahalo, at pagtitiyaga bago maging isang matamis na handa, gayundin ang pinagdaanan ni San Bartolome sa kanyang buhay at pagpapahayag ng pananampalataya. Ang kanyang pagpapakasakit ay iniuugnay sa tradisyong nagsasabing siya ay binalatan nang buhay.

Ang kalamay ay hinuhubog sa iba’t ibang anyo, gaya ng kuwadrado, diyamante, o hilis, at nilalagyan ng arnibal upang maging higit na matamis. Iniuugnay naman ang tamis nito sa tamis ng pangangaral ni San Bartolome, na naghatid ng maraming tao sa pagkilala at pagsampalataya sa tunay na Diyos. Sa kanyang katapatan hanggang kamatayan, nakamit niya ang kaligayahan ng buhay na walang hanggan.

Mayroon ding isang pabirong kuwento na ang tabak na hawak ni San Bartolome ang siyang ginagamit na panghiwa sa kalamay.

Ayon sa tradisyon, ang nagpasimula ng pagluluto ng kalamay sa bayan ay si Roberto Atayde Atendido (1869–1932), na noong panahong hindi pa ganap na parokya ang simbahan ay naglingkod bilang Encargado o Caballero, na may tungkuling pangalagaan ang simbahan at ang kabang-yaman nito.

Noong mga unang panahon, ang mga kalamay ay dinadala sa patio ng simbahan upang basbasan ng pari, at pagkatapos ay ipinamamahagi sa mga nagsisimba. Sa paglipas ng panahon, ang simpleng tradisyong ito ay naging isang natatanging pagkakakilanlan ng ating bayan at ng kapistahan ni San Bartolome Apostol.

Bukas na!
1 araw na lamang bago ang Pistang Kalamay at ang ating 130th Parish Foundation Anniversary!

Maligayang Kapistahan, San Bartolome Apostol!
Ipanalangin mo kami!


22/08/2026

AUGUST 22,2026 | 6:00PM
•GABI NG PAROKYA 2026
SAN LEONARDO GYM

PALARONG PINOY 2026!Isang umagang puno ng saya, tawanan, at pagkakaisa ang hatid ng ating mga batang kalahok sa Palarong...
22/08/2026

PALARONG PINOY 2026!

Isang umagang puno ng saya, tawanan, at pagkakaisa ang hatid ng ating mga batang kalahok sa Palarong Pinoy na ginanap ngayong Agosto 22, 2026, alas-8 ng umaga sa San Leonardo Central School.

Mula sa mga tradisyunal na laro hanggang sa masasayang paligsahan, tunay na naging makulay ang bawat sandali habang ipinapakita ng mga bata ang kanilang galing, liksi, at pagiging magiliw na manlalaro.

📸 Narito ang ilang kuhang larawan ng ating mga batang naglaro, nagsaya, at lumikha ng masasayang alaala!

Laro, saya, at pagkakaibigan, tunay na Palarong Pinoy!

📜 Kuwentong Ka-TOLOME⏳ 2 Days to GoAng Grotto ng Birhen ng LourdesAlam mo ba?Ang kasaysayan ng Grotto ng Birhen ng Lourd...
22/08/2026

📜 Kuwentong Ka-TOLOME

⏳ 2 Days to Go

Ang Grotto ng Birhen ng Lourdes

Alam mo ba?

Ang kasaysayan ng Grotto ng Birhen ng Lourdes sa Parokya ni San Bartolome Apostol ay nagsimula noong Mayo 1959, nang ipagawa ni Rdo. Padre Mariano Salvador ang unang grotto sa tabi ng kampanaryo. Sa panahon naman ng pamamahala ni Rdo. Mons. Jose T. Lacson, inilipat at ipinagawa ang bagong grotto sa kinalalagyan nito ngayon. Noong 1966, tinanggap dito ang mga imahen ng Mahal na Birheng Maria at ng batang si Bernardita, na ipinagkaloob ng Sodality of Mary.

Muling inayos ang grotto noong 2008, sa pamumuno ni Rdo. Padre Miguel B. Adriosula, sa tulong ng Tao at Ibon Friday Club. Nakatulong din sa pagsasaayos ang mga upuang bakal na ipinagkaloob ni Mayor Froilan A. Nagaño.

Ngunit noong ika-12 ng Oktubre 2013, sinalanta ng Bagyong Santi ang San Leonardo. Isang matandang puno ng balete ang nabuwal at tumama sa grotto, dahilan upang masira ito at matumba ang imahen ng Mahal na Birhen. Dahil dito, muling pinasimulan ang pagtatayo ng bagong grotto noong ika-10 ng Pebrero 2014, sa pamumuno ni Rdo. Padre Eduardo M. Pangilinan.

Ang pagsasaayos ng grotto at landscaping ng patio ay ipinagkatiwala sa JB Cajucom Ornamental Garden, Landscaping & Garden Add-Ons ng Sumacab Este, Lungsod ng Cabanatuan, sa halagang ₱170,000. Natapos ang bagong grotto noong ika-15 ng Marso 2014 at maringal itong binasbasan noong ika-24 ng Mayo 2014, sa mismong araw ng pistang-bayan, sa pangunguna ni Lub. Kgg. Camilo D. Gregorio, D.D., Obispo ng Prelatura ng Batanes.

Mula 1959 hanggang sa kasalukuyan, ang Grotto ng Birhen ng Lourdes ay patuloy na nagsisilbing lugar ng panalangin, pagninilay, at debosyon ng mga mananampalataya—isang tahimik na saksi sa mga pagbabago at pagsubok na pinagdaanan ng ating parokya.

2 araw na lamang bago ang ating 130th Parish Foundation Anniversary!


22/08/2026

AUGUST 22, 2026 | 8:30 AM | SAN LEONARDO CENTRAL SCHOOL

PALARONG LAHI

TAKBO NI TOL 2026!Isang sama-samang paghakbang ng simbahan taglay ang galak, pagkakaisa, at matibay na pananampalataya p...
21/08/2026

TAKBO NI TOL 2026!

Isang sama-samang paghakbang ng simbahan taglay ang galak, pagkakaisa, at matibay na pananampalataya para sa mabiyayang pagdiriwang ng kapistahan ni San Bartolome Apostol at 130th founding anniversary ng ating parokya. Naglakbay, naglalakbay, at patuloy na maglalakbay tungo sa ikalalago at ikatitibay ng ating pananampalataya.

Maraming salamat sa lahat ng nakilahok at naging bahagi ng Takbo Ni Tol: Fun Run for a Cause. Tunay na naging makabuluhan ang bawat hakbang dahil sama-sama tayong tumakbo para sa isang mabuting layunin.

📸 Narito ang ilang kuhang larawan mula sa ating masayang pagtakbo!

Bawat hakbang, may puso. Bawat takbo, may layunin.

Isang hindi malilimutang gabi ang hatid ng The Fortenors Concert, na naganap ngayong Agosto 21, 2026, Ika-6 ng gabi sa P...
21/08/2026

Isang hindi malilimutang gabi ang hatid ng The Fortenors Concert, na naganap ngayong Agosto 21, 2026, Ika-6 ng gabi sa Parokya ni San Bartolome Apostol Parish.

📸 Narito ang ilang kuhang larawan upang balikan ang mga masasayang sandali ng The Fortenors Concert.

Mula sa unang awit hanggang sa huling nota, naging bahagi ang bawat isa sa isang gabi ng musika, saya, at pagkakaisa. Ang kanilang natatanging pagtatanghal ay nagbigay ng mga sandaling puno ng inspirasyon at emosyon na tiyak na mananatili sa ating mga puso.

Maraming salamat sa lahat ng dumalo, nakiisa, at naging bahagi ng espesyal na gabing ito. Tunay na mas naging makulay ang ating pagdiriwang dahil sa inyong suporta at pakikiisa.

Address

San Bartolome District Poblacion
San Leonardo
3102

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Bartolome Apostol Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to San Bartolome Apostol Parish:

Shortcuts

Share