San Roque Chapel

San Roque Chapel This Page aims to give updates on chapel's activities.

15/05/2026

Sa paggunita ng kapistahan ng Our Lady of Fatima, sama-sama tayong naglakad sa banal na prosisyon bilang tanda ng ating pananampalataya at debosyon kay Mahal na Birheng Fatima. Nawaโ€™y maging inspirasyon ang kanyang kababaang-loob at pagmamahal upang lalo tayong mapalapit sa Diyos at magkaisa bilang isang komunidad.

Maikling Panalangin:

Mahal na Birhen ng Fatima, salamat po sa inyong walang sawang paggabay at pagmamahal sa amin. Tulungan ninyo kaming maging mabuti, mapagmahal, at matatag sa aming pananampalataya. Ingatan ninyo ang aming mga mahal sa buhay at pagkalooban kami ng kapayapaan at biyaya araw-araw. Amen.


10/05/2026

๐Ÿ“ข ANUNSYO

Sa ika-13 ng Mayo, magkakaroon ng Banal na Misa bilang paggunita sa Kapistahan ng Mahal na Birheng Fatima. Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pananalangin at pasasalamat sa ating Panginoon.

Magkakaroon din ng Prosisyon sa ganap na ika-5:00 ng hapon, na magsisimula sa ating kapilya.

Halinaโ€™t makibahagi sa banal na pagdiriwang na ito nang may pananampalataya at pag-ibig sa Diyos at sa Mahal na Birheng Maria. ๐Ÿ™


๐‰๐จ๐ข๐ง ๐ญ๐ก๐ž ๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐Œ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฒ โ€“ ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ž ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐”๐ฌ! ๐†๐ซ๐จ๐ฐ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐‡๐ข๐ฆ! ๐Ÿƒ๐Ÿ‘€ ๐‡๐ข๐ง๐š๐ก๐š๐ง๐š๐ฉ ๐ค๐š ๐ง๐š ๐ง๐ข ๐‹๐จ๐ซ๐!Kabataan, ๐Ÿ๐Ÿ‘ ๐˜๐ž๐š๐ซ๐ฌ ๐จ๐ฅ๐ ๐ฉ๐š๐ญ๐š๐š๐ฌ? May pa...
14/04/2026

๐‰๐จ๐ข๐ง ๐ญ๐ก๐ž ๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐Œ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฒ โ€“ ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ž ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐”๐ฌ! ๐†๐ซ๐จ๐ฐ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐‡๐ข๐ฆ! ๐Ÿƒ

๐Ÿ‘€ ๐‡๐ข๐ง๐š๐ก๐š๐ง๐š๐ฉ ๐ค๐š ๐ง๐š ๐ง๐ข ๐‹๐จ๐ซ๐!

Kabataan, ๐Ÿ๐Ÿ‘ ๐˜๐ž๐š๐ซ๐ฌ ๐จ๐ฅ๐ ๐ฉ๐š๐ญ๐š๐š๐ฌ? May passion ka bang maglingkod, makisaya, lumago sa pananampalataya? โœจ

๐‰๐จ๐ข๐ง ๐ญ๐ก๐ž ๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐Œ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฒ ๐จ๐Ÿ ๐’๐š๐ง ๐‘๐จ๐ช๐ฎ๐ž ๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ž๐ฅ!
Hindi lang ito basta ministry โ€” dito mo matatagpuan ang tunay na barkadahan na may pananampalataya. Sama-sama tayong maglingkod, matuto, at lumago sa pag-ibig ng Diyos. ๐Ÿ’›

๐Ÿ“Œ Open for ages 13 and above
๐Ÿ“ฒ Scan the QR code sa poster

๐—ง๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ, ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด.





https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfg72g_Umu1qjtSx0s2MKqq8sk6NBVZpOH0yoQmMvILuy_Xiw/viewform?usp=embed_facebook

04/04/2026

Mayroon po tayong selebrasyon ng Banal na Misa bukas sa ating kapilya sa karaniwang oras na 9:30 AM. Inaanyayahan po ang lahat na mag simba at magdala ng kandila para sa pagsasariwa ng ating binyag.

01/04/2026
๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ฌ๐—”๐—ฌ๐—” || Sa ating pag-aayuno at pananalangin ngayong panahon ng Kuwaresma, atin din pagnilayan at pagsisihan ang mga ...
16/03/2026

๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ฌ๐—”๐—ฌ๐—” || Sa ating pag-aayuno at pananalangin ngayong panahon ng Kuwaresma, atin din pagnilayan at pagsisihan ang mga nagawa nating pagkakasala sa sakramento ng Kumpisal. Bilang isang binyagan, ating inihahayag ang ating mga kasalanan sa Pari upang makatanggap ng kapatawaran, paghilom, at grasya sa Diyos.

Inaanyayahan ang lahat na maki-isa sa ๐ƒ๐š๐ฆ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐ข๐ฌ๐š๐ฅ๐š๐ง sa darating na ๐™ˆ๐™–๐™ง๐™ฉ๐™š๐™จ, ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜€๐—ผ ๐Ÿญ๐Ÿณ sa ganap na 4:30 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.





Masdan ang mga kuhang larawan sa ikasiyam na araw ng simbang gabi.โœจSa ikasiyam na gabi ng Simbang Gabi, pinapaalala sa a...
23/12/2025

Masdan ang mga kuhang larawan sa ikasiyam na araw ng simbang gabi.โœจ

Sa ikasiyam na gabi ng Simbang Gabi, pinapaalala sa atin na ang lahat ng paghihirap ay may layunin sa plano ng Diyos. Sa gitna ng pagod at pagsubok, manatili tayong matatag sapagkat kailanman ay hindi tayo iniiwan ng Kanyang mapagkalingang kamay. Walang imposible sa Diyos, at sa Kanya nagmumula ang tunay na pag-asa. Patuloy tayong magtiwala sa Kanyang mga pangako, sapagkat ang Kanyang pagdating ay liwanag at kaligtasan para sa ating lahat.

December 23, 2025



Masdan ang mga kuhang larawan sa ikawalong araw ng simbang gabi.โœจSa ikawalong araw ng Simbang Gabi, inaanyayahan tayong ...
22/12/2025

Masdan ang mga kuhang larawan sa ikawalong araw ng simbang gabi.โœจ

Sa ikawalong araw ng Simbang Gabi, inaanyayahan tayong tularan si Maria na may pusong marunong kumilala sa biyaya ng Diyos higit sa takot at pag-aalinlangan. Ang tunay na pasasalamat ay nagmumula sa mapagkumbabang puso at nahahayag sa mabuting gawa, sapagkat tayoโ€™y mga daluyan lamang ng Kanyang pagpapala. Sa bawat pagdalo natin sa Banal na Misa, iniaalay natin ang ating papuri at pasasalamat sa Diyos na patuloy na nagbibigay ng higit pa sa ating hinihiling. ๐Ÿ™โœจ

โ€œAng puso ko'y nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon, nagagalak ang aking espiritu saโ€™king tagapagligtasโ€

December 22, 2025



Masdan ang mga kuhang larawan sa Ika Pitong Araw ng Simbang Gabi โœจSa mga sandaling tayoโ€™y natatakot at nagdadalawang-isi...
22/12/2025

Masdan ang mga kuhang larawan sa Ika Pitong Araw ng Simbang Gabi โœจ

Sa mga sandaling tayoโ€™y natatakot at nagdadalawang-isip, patuloy pa ring kumikilos ang Diyos sa katahimikan ng ating puso. Tulad ni San Jose, tinatawag tayong magtiwala kahit hindi malinaw ang lahat. Sa kanyang pagsunod, naging daan ang plano ng Diyos sa pagsilang ng ating Tagapagligtas. Sa gabing ito ng Simbang Gabi, ipaalala natin sa ating sarili na ang Diyos ay tapat sa Kanyang mga pangakoโ€”si Emmanuel, ang Diyos na laging kasama natin, ngayon at magpakailanman. ๐Ÿ™โœจ

December 21, 2025



Address

San Roque San Leonardo Nueva Ecija
San Leonardo
3102

Telephone

09989905110

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Roque Chapel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share