Makabagong Disipulo

Makabagong Disipulo Tayo at si Kristo—Ang buhay Katoliko sa Hamon ng Pagbabago

IROG KITA, KAHIT MALAYO KANgayong araw ay ating ginugunita ang kapistahan ni San Agustin ng Hippo, isang maka-Diyos, mak...
28/08/2025

IROG KITA, KAHIT MALAYO KA

Ngayong araw ay ating ginugunita ang kapistahan ni San Agustin ng Hippo, isang maka-Diyos, makabayan, at isang mapagtiwalang lingkod.

- Buhay -

Si San Agustin, na ipinanganak noong 354 sa Hilagang Aprika, ay isang Kristiyanong obispo at isa sa pinakaimpluwensyal na teologo sa Kanluraning Kristiyanismo, na ang mga isinulat—lalo na ang Confessions at The City of God—ay humubog sa pananampalatayang Kristiyano noong Gitnang Panahon at makabagong panahon.

Siya ay dating g**o ng retorika at tagasunod ng Manikeismo, ngunit nakaranas ng mahalagang pagbabalik-loob sa pananampalataya sa Milan, nabinyagan ni San Ambrosio, at kalaunan ay naging obispo ng Hippo, kung saan nakipaglaban siya sa mga kalabang sekta gaya ng mga Donatista at Pelagiano. Ang kanyang teolohikal na mga gawain ay pinagsama ang doktrinang Kristiyano at mga elemento ng pilosopiyang klasikal, lalo na ang Platonismo, dahilan upang maging isa siyang haliging personalidad ng parehong Katoliko at Protestante.

Bagaman siya ay namatay noong 430 habang nilulusob ng mga Vandal ang Hippo, nagpatuloy ang kanyang pamana sa pamamagitan ng kanyang napakaraming isinulat, na naingatan at kumalat sa buong rehiyong Mediterranean.

Ang Confessions ang tumulong upang maipakilala ang kanyang kuwento ng buhay, bagaman tinatanaw ito ng mga modernong iskolar bilang parehong matapat at sinadyang ayusin upang magsilbi sa layuning teolohikal at pampulitika.

- Repleksyon -

“A happy day,” that's what I can say to myself, dahil Kapistahan ngayon ng aking sariling patron na si San Agustin. Marahil maraming tanong bakit ko nga ba siya naging patron saint, pero isa ang sagot ko—na bilang isang tao na biniyayaan man nang kakayahan na maging intelektwal ay marami akong tanong sa kung sino ang Diyos, paano maging tunay na Kristiyano, at paano ko maipapakita ang kabanalan ng Ama mula sa isang tao, ako na isang makasalanan.

Isa si San Agustin sa sumagot sa akin. Palagi ko kasing tanong na, “Lord, mahirap na po, nariyan ka pa rin po ba?,” Ngunit may isang Facebook post akong nakita tungkol kay San Agustin at ito ang nakasulat, “He who has God has everything, he who has not has nothing,” Namulat ako sa sinabi niyang ito na tila ba ay kailangan kong buksan ang aking puso sa Diyos. Dahil baka naniniwala lamang ako sa Diyos ngunit hindi ako umaasa sa kanya.

Mga kapatid, sana ay mabuksan rin ninyo ang inyong puso sa Diyos tulad ng sa akin. Oo, hindi madali, madalas ay marami tayong iniisip, duda at pagkahapo—ngunit sapat na ang dahilang sinabi rin ni San Agustin, “God has one Son on Earth without sin, but never one without suffering,” Tunay nga, ang pag-ibig nang Diyos ay tunay na walang pinipili. Mahal tayo ng Diyos, dahil iisa man ang Anak niyang hindi nagkasala, ngunit marami naman ang mga anak niyang naghihirap, naghihinagpis at nasasaktan—kahit nagkasala.

Mga kapatid, sa pagtatapos ng aking maikling repleksyon ukol sa buhay na ito ni San Agustin at kung paano siya naging patron ng aking mapagtanong na puso. Buksan natin ang ating puso sa Diyos, na baka kaya hindi natin siya maramdaman ay dahil ayaw natin siyang makapiling. At magtiwala tayo sa Diyos na hindi niya tayo iiwan, tayong kaniyang mga anak na kahit man nagkasala, ay patuloy na bumabalik sa kaniyang piling sa kabila ng paiba-ibang ihip ng buhay, malakas na alon ng problema at buhol-buhol na sistema. Nawa’y palagi nating piliin maging maka-Diyos, dahil ang maka-Diyos ay palaging makatao, makakalikasan at makabayan. Amen.

- Panalangin -

Panginoon, tulungan mo po kaming umasa sa Iyong pag-ibig na walang-hanggan. Ibigin Mo po kaming tunay at palambutin ang aming mapagmatigas na puso, buksan ang nagpupumilit nitong kagustuhan at kaawaan sa kabila ng kapabayaan. Panginoon, tulungan Mo kaming umasa, tumindig at manalangin tulad ni San Agustin, na ipinapakita na ang pagiging maka-Diyos ay ang pagmamahal sa Iyo na siyang aming maibibigay rin sa iba.

Sa intersesyon ng aming Patron na si San Juan Bautista, San Agustin ng Hippo, Santa Maria, iyong Ina—ang lahat ng ito ay hinihingi namin sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon. Amen.

MANANATILI KA PA BA?Agosto 10, 2025- Ebanghelyo -[Lucas 12, 49-53]Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San LucasNoo...
17/08/2025

MANANATILI KA PA BA?
Agosto 10, 2025

- Ebanghelyo -
[Lucas 12, 49-53]

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Naparito ako upang magdala ng apoy sa lupa – at sana’y napagningas na ito! May isang binyag pa na dapat kong tanggapin, at nababagabag ako hangga’t hindi natutupad ito! Akala ba ninyo’y pumarito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa? Sinasabi ko sa inyo: hindi kapayapaan kundi pagkakabaha-bahagi. Mula ngayon, ang limang katao sa isang sambahayan ay mababahagi: tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo.

Maglalaban-laban ang ama at ang anak na lalaki,
Ang ina at ang anak na babae,
At gayun din ang biyenang babae, at manugang na babae.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

- Pagninilay -

Mga kapatid, noong nakaraang linggo, ang itinanong natin sa ating sarili ay, “Nasaan ba ang aking Puso?,” Ngayon marahil ay nararapat nating itanong ay, “Handa pa ba akong Manatili sa kung nasaan man ang aking Puso?,”

Madalas, inaakala nating ang pag-ibig ay palagi lamang madali, palaging ‘happy ending’, palaging masaya. Ngunit hindi po pag-ibig ang isang bagay na palaging masaya—dahil ang sukatan ng pag-ibig ay ang pananatili sa oras ng kalungkutan, kagipitan at kawalan.

Nanatili na ba tayo sa piling ng Diyos? Kahit na masakit? Kahit na madalas ay parang lagi na tayong sinusundan ng paghihirap? Na kinakalaban na tayo ng hindi naniniwala sa ating Panginoon? Pakatandaan natin ang sinabi ni Kristo noon, “Bago ninyo isiping pinahihirapan nila kayo, tandaan ninyong nauna na itong gawin sa akin,”.

Mga kapatid, madalas ay tinatanong natin ang ating Panginoon, “Bakit po ba parang noong napalapit ako sayo, andaming nawala sa akin?,” Mga kapatid, dalawa ang sagot sa atin ng Panginoon. Una, bago pa tayo sumunod, iniwan na natin ang ating sarili, kasalanan at kaibigan; Ikalawa, hindi tayo nilapitan, nabuksan lamang ang ating puso.

Una, bago pa tayo sumunod, iniwan na natin ang ating sarili—dahil ayon sa ating Panginoong Hesus, “Iwan mo ang iyong ari-arian, pamilya at kaibigan, kunin ang iyong krus at sundan Ako,” Mga kapatid, hindi po ibig sabihin na kinalilimutan at tinalilikuran natin sila, ngunit ito ay isang paraan upang maituon ang ating atensyon, isip at puso sa Diyos. Dahil kung nasaan nga ang ating puso, ay naroon din ang ating oras. At mahirap para sa isang tao ang malayo sa kaibigan dahil hindi nagkakaintindihan, sa isang pamilya dahil hindi magkasunduan, at sa magkapatid na hindi magkatipan. Ngunit bilang Kristiyano, piliin nawa natin ang ating Panginoon—dahil kung nay nararapat sundan, ito ang kaniyang kabanalan.

Ikalawa, hindi tayo nilapitan, nabuksan lamang ang ating puso. Akala natin noong tayo ay naging maka-Diyos na, nakikinig, nag-aaral at isinasabuhay ang mabuting ebanghelyo ay sinimulan rin tayong kalabanin ng kasalanan. Ngunit magmula pa sa ating pagkabinyag, ay pilit niya na tayong hinahatak. Mga kapatid, noong tayo ay malayo sa Diyos, akala natin ay tama ang lahat ng ating ginagawa. “May Diyos pero Hawak ko ang Aking buhay,” Ganito sig**o natin isipin ang ating buhay na malayo sa Diyos, na kung ano man ang kasalanan, ay walang moral na basehan upang ikondena ito. Ngunit ngayon, na tayo'y nakikinig na sa kaniyang salita, binuksan na ang ating puso, na ang kasalanan ay dapat iwasan, hindi hagkan. We became aware not just of others, but also of our own flaws, mistakes and ignorance because of the perfection, holiness and sanctity of His word.

Mga kapatid, nawa ay panghawakan natin ang ating pag-ibig sa Diyos. Nawa ay piliin natin siya palagi, ang kaniyang kagalingan, katapatan at kabanalan. Mahirap ang buhay dahil marami ang pagsubok, ngunit masaya ang buhay dahil may iniibig tayo. Sa mga mag-aasawa, mahalin ninyo ang isa't isa, panghawakan ang inyong pangako—Protect the Sanctity of Matrimony. Dahil ang tunay na nagmamahal, kahit anong pagsubok, nananatili. Through ups and downs, Sunrise and Sunset, I will always choose You. Amen.

- Panalangin -

Panginoon, tulungan mo akong maging matibay sa aking pananampalataya, debosyon at pagmamahal sa iyo, nang sa gayon ay ito rin ang maipakita ko sa aking kapwa. Tulungan mo akong manatili sa lilim ng iyong pag-ibig, nang wala nang iba pang hanapin. Panginoon, tulungan mo kaming magmahal, manampalataya at manatili sa iyo.

Sa intersesyon ng aming Patron na si San Juan Bautista, Santa Maria, iyong Ina—ang lahat ng ito ay hinihingi namin sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon. Amen.

FEAST OF OUR LADY OF ASSUMPTION- Let us pray -O immaculate virgin, mother of God and mother of humanity, we believe with...
14/08/2025

FEAST OF OUR LADY OF ASSUMPTION

- Let us pray -

O immaculate virgin, mother of God and mother of humanity, we believe with all the fervour of our faith in your triumphal assumption both in body and in soul into heaven where you are acclaimed as queen by all the choirs of angels and all the legions of saints; we unite with them to praise and bless the Lord who has exalted you above all other pure creatures and to offer you the tribute of our devotion and our love.

We know that your gaze, which on earth watched over the humble and suffering humanity of Jesus, in heaven is filled with the vision of that humanity glorified and with the vision of uncreated wisdom, and that the joy of your soul in the direct contemplation of the adorable trinity causes your heart to throb with overwhelming tenderness; and we, poor sinners whose body weights down the flight of the soul, beg you to purify our hearts so that, while we remain below, we may learn to see God and God alone in the beauties of his creatures.

We trust that your merciful eyes may deign to gaze down upon our miseries and anguish, upon our struggles and our weaknesses; that your countenance may smile upon our joys and our victories; that you may hear the voice of Jesus saying to you of each one of us, as he once said to you of his beloved disciple:

"Behold you son," and we who call upon you as our mother, we, like John, take you as the guide, strength and consolation of our mortal life.

We are inspired by the certainty that your eyes, which wept over the earth crimsoned by the blood of Jesus, are yet turned toward this world racked by wars and persecutions, the oppression of the just and the weak. From the shadows of this vale of tears, we seek in your heavenly assistance, tender mercy, comfort for our aching hearts, and help in the trials of Church and country.

We believe finally that in the glory where you reign, clothed with the sun and crowned with stars, you are, after Jesus, the joy and gladness of all the angels and the saints, and from this earth, over which we tread as pilgrims, comforted by our faith in the future resurrection, we look to you our life, our sweetness, our hope; draw us onward with the sweetness of your voice, so that one day, after our exile, you may show us Jesus, the blessed fruit of your womb.

O clement, O loving,
O sweet Virgin Mary.

Amen.

Sacred Heart of Jesus, have mercy on us!
Immaculate Heart of Mary, pray for us!

PAGKAKAIBIGAN Ngayong araw ay ating ginugunita ang kapistahan ni San Maximilian Kolbe, isang maka-Diyos, makatao, at isa...
14/08/2025

PAGKAKAIBIGAN

Ngayong araw ay ating ginugunita ang kapistahan ni San Maximilian Kolbe, isang maka-Diyos, makatao, at isang hirang ng Inang mahal.

- Buhay -

Kung ipinakita kay Santa Faustina ang Dakilang Awa o ang Divine Mercy, na ipinakikita ang isang puti at pulang sinag na nagniningning mula sa puso ni Hesus, na siyang sumisimbolo sa paglilinis ng puso (puting sinag) na lumilinis sa dugo ng sansinukob (pulang sinag)—ipinakita naman kay San Kolbe ang isang puti at pulang korona mula sa Inang Maria, parehong karangalan, ngunit parehong krus sa isang tao.

Ipinakikita ng dalawang korona ang kalinisan at pagka-martir, maaaring pumili lamang ng isa ang santo, ngunit pinili niyang harapin ang kalinisan na may kasamang pagka-martir—dahil walang martir kung hindi malinis ang puso, at walang malinis na pusong makasarili. Ang kalinisan ay katapatan, at ang sakripisyo ay karangalan.

- Repleksyon -

Mga kapatid, hanggang saan ang iyong pagmamahal? Hanggang saan kayang magtiis, masaktan at magpakamartir ng inyong puso?

Mga kapatid, nakaliligtaan na nating ang pag-ibig ay sakripisyo, hindi lamang bastang pagtanggap, hindi lamang bastang pagbigay. Love is a Sacrifice, of oneself and its heart—ano ang ibig nitong sabihin? Mga kapatid, ang pag-ibig ay sakripisyo, hindi lamang ng puso, ngunit pati ang buhay. Kaya sa ating buhay Kristiyano, tayo'y magnilay, “Nagmamahal nga ba ako, o puso ko lamang ang tumitibok?”.

Mga kapatid, ang pag-ibig ay dapat na pagsunod, pag-aalay, paghahanda. Ang pag-ibig ay paghahanda sa isang misyon, isang kagalakan, at maaaring kalungkutan. Ang pag-ibig ay pag-aalay ng sarili, ng buhay, at ng puso. At panghuli, ang pag-ibig ay misyon, misyon ng paglalakbay, pagpapakasakit, at pagkakamartir.

Sa ating santo na ginugunita ngayon, may mahihinuha tayong isang kwento—ito ay isang kwento ng bata. Ang bata ay may sakit, kahalintulad ng sa isang preso, pareho silang kritikal. Ang preso na si Jerry ay nangangailangan ng puso, literal na puso; samantalang ang bata naman na ay may bumabagsak na kalusugan. Nagkita silang dalawa sa ospital, at nagkuwentuhan sa kanilang buhay, ngunit nag-aalinlangan ang magulang ng bata bagkus ito ay isang preso, ngunit napawi naman nang walang mangyari. Habang pabalik na ang bata sa kaniyang ward sakay ng wheelchair, ay sinabi niya sa kaniyang ina, “Ma, ibibigay ko po ang aking puso sa preso,” Napatigil ang ina nito, “Anak, preso iyon, at mahalaga ka sa amin, bakit mo naman naisip iyan?,” Sumagot ang bata, “Bumabagsak na po ang aking kalusugan, at hindi man po kami magkakilalang tunay, pero ang gusto ko po ay maging kaibigan ko siya dahil ibinigay ko ang puso ko sa kaniya,” Lihim na umiiyak ang magulang niya sa pagbalik nila sa kwarto. Sa kasamaang-palad ay namatay ang bata, ngunit ang huli nitong habilin ay ang, “Puso ko... kay Jerry,” Bilang paggalang sa kagustuhan ng kanilang anak, napagpasiyang ibigay ang puso nito kay Jerry bago tuluyang pumanaw ang kanilang anak.

Mga kapatid, sa ating nabasa, o narinig, tunay nga ba tayong kaibigan? O puso lamang ang tumitibok? Nawa'y sa ating araw-araw na pamumuhay, ang pagiging isang kaibigan ay hindi lamang sa taong kaibigan ka, maging sa iyong kaaway o hindi rin kakilala—sapagkat ang kaibigan ay nagmamahal, at ang pagmamahal ay pag-aalay.

Mga kapatid, sa pagtatapos ng ating repleksyon, matutunan nawa natin na ang pag-ibig ay pagsasakripisyo, pag-aalay at pagkamartir. Piliin nating maging kaibigan sa lahat, bagkus ito rin ang ginawa ng ating Panginoon hanggang sa kaniyang kalbrayo. Ang tunay na kaibigan ay handang mag-alay. Amen.

- Panalangin -

Panginoon, tulungan mo po kaming maging isang kaibigan, tunay na kaibigan—upang mabigyan namin ng kalinga, pag-asa at pagmamahal ang aming mga kapatid, sa pamamagitan ng pag-aalay nang sarili rin naming buhay. Ipinapanalangin namin na ang mga magkakaway ay magkapanumbalikan na upang ang tunay na hangarin ng pag-ibig ay makamit. Panginoon, tulungan mo kami na saan man mapunta ay maging isang larawan ng iyong pagmamahal, na pinili ang ikabubuti ng kapwa, kaysa ng sarili.

Sa intersesyon ng aming Patron na si San Juan Bautista, San Maximilian Kolbe, Santa Maria, iyong Ina—ang lahat ng ito ay hinihingi namin sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon. Amen.

HUWAG KANG MANGAMBANgayong araw ay ating ginugunita ang kapistahan ni Santa Clara ng Assisi, isang kaibigan, anak, at ba...
11/08/2025

HUWAG KANG MANGAMBA

Ngayong araw ay ating ginugunita ang kapistahan ni Santa Clara ng Assisi, isang kaibigan, anak, at banal.

- Buhay -

Maraming dalaga o kababaihan ang makatutulad sa kaniyang kwento. Puno ng pagpupumilit ang buhay ni Santa Clara—at isa na rito ang pagpapakasal. Isang gabi ay naisipan niyang umalis sa kanilang tahanan kung saan niya nahanap ang mga prayle.

Sa paghahanap ng bagong kalinga, nakita niya ang kaniyang magiging kaibigan sa pananampalataya, si San Francisco de Assisi.

Puno ng hadlang, panghihimasok at pag-uusig ang buhay ni Santa Clara; sig**o'y makagagawa na ng libro kung iisa-isahin pa natin ang mga ito. Ngunit isa ang namamayagpag—ang kaniyang pakikipag-isa kay Kristo.

- Repleksyon -

Sa ating buhay pananampalataya, pinupuno tayo ng pagsubok,— maraming problema, maraming duda at maraming pagkukulang. Marami sa atin ay napapatanong na nang, “Panginoon, patuloy naman akong naglilingkod sa iyo, ngunit bakit ako pa itong lalong naghihirap?” Ngunit ang palaging sagot ng ating Panginoon ay, “Handa ka pa bang mahalin ako?”

Mga kapatid, marami sa ating kapwa-nanampalataya ay nalulugmok sa pagsubok. May kwento nga ng isang kaibigang naligaw—ito ay kwento ng dalawang magkaibigang naglalakbay sa isang paroroonan na parehong nakayapak. Napakalaki na ng kanilang pagkakaibigan, halos magkapatid nang maituturing, at ang sakit ng paglalakad gamit lamang ang hamak na mga paa ay nawawalang tila hangin. Ngunit isang araw ay biglang hindi nakasama sa paglalakbay ng lalaki ang kanyang kaibigan, bumalik siya sa kanilang pinaroonan kahapon at doon niya siya nakita na nakayuko at tila naliligaw. Tinanong niya ito, “Bakit ka nariyan? Ano ang pangamba sa susunod nating paroroonan?”, “Wala,” sagot niya, “Ngunit para saan ba tayo naglalakbay? Napansin kong kahapon ay nagdurugo na pala ang ating mga paa, saan ba talaga tayo patungo?” dagdag niya, “Oo, alam kong nagdurugo na ang ating mga paa, tagaktak na ang pawis sa ating katawan, ngunit mayroon tayong patutunguhan” sagot niya.

Mga kapatid, madalas ay nadi-distract na tayo sa nangyayari sa ating paligid, ang ‘pressure’ na nagiging krus sa ating paglalakbay. Oo, nakakapagpabagabag, ngunit kailangan nating magtiwala sa Panginoon. Maging tulad tayo ng lalaki sa kwento, na kahit nagdurugo na ang paa, tumatagaktak na ang mga pawis sa katawan, ay patuloy na nilalakbay ang daan—dahil walang saysay ang paroroonan kung hindi rin maglalakbay. At maging tulad tayo ni Santa Clara, marami mang pagsubok at pressure ay patuloy tayong humanap ng kaligayahan, kaligtasan at kapayapaan sa Panginoon—sapagkat ang tunay na paroroonan ay ang Diyos na buhay, si Kristo Hesus. Amen.

- Panalangin -

Panginoon, tulungan mo po kaming maglakbay na sa iyo lamang nakatingin. Alam naming maraming pagsubok na darating, ngunit alam namin na iaahon mo kaming tulad ng iyong bayan sa Ehipto. Panginoon, sa aming paglalakbay ay iyo kaming kalingain, na kami ay patuloy na magkaroon ng lakas at liwanag upang tahakin ang buhay. Tulungan rin po ninyo ang nawalan ng pag-asa nang sa gayon ay makita ka nilang muli, dahil alam naming sigurado ang bawat paroroonan, na tiyak ang buhay na walang-hanggan.

Sa intersesyon ng aming Patron na si San Juan Bautista, Santa Maria, iyong Ina at Santa Clara de Assisi—ang lahat ng ito ay hinihingi namin sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon. Amen.

GISING PA BA KAYO?Agosto 10, 2025- Ebanghelyo -[Lucas 12, 35-40]Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San LucasNoong...
09/08/2025

GISING PA BA KAYO?
Agosto 10, 2025

- Ebanghelyo -
[Lucas 12, 35-40]

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Maging handa kayo at sindihan ang inyong mga ilawan. Tumulad kayo sa mga taong naghihintay sa pag-uwi ng kanilang panginoon mula sa kasalan, para pagdating niya ay mabuksan agad ang pinto. Mapalad ang mga alipin na abutang nagbabantay pagdating ng kanilang panginoon. Sinasabi ko sa inyo, maghahanda siya, padudulugin sila sa hapag, at maglilingkod sa kanila. Mapapalad sila kung maratnan niya silang handa, dumating man siya ng hatinggabi o madaling-araw siya dumating. Tandaan ninyo ito: kung alam lamang ng puno ng sambahayan kung anong oras darating ang magnanakaw, hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. Kayo ma’y dapat humanda, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

- Pagninilay -

Mga kapatid, kung nakaraang linggo ay tinatanong tayo ng ebanghelyo na, “Nasaan ang iyong yaman? ‘Pagkat nandoon din ang iyong puso,” ngayon ay tinatanong naman tayo ng, “Nasaan ang iyong puso? ‘Pagkat nandoon din ang iyong oras,”.

Ngayong panahon na marami na tayong pinagkakaabalahan, ang mga matatanda ay natutulad na rin sa kabataan—madalas na ring nasa gadgets. Ang tanong sa atin ay, “Nasaan ang iyong oras?,” Sapagkat kung ano man ang pinagtutuunan natin ng pansin, halaga, at kwenta ay naroon din ang ating oras. Kapag mahal natin ang ating asawa, pamilya, doon natin iniaalay, at ibinibigay ang ating oras. Ngunit sila lang ba dapat ang na nasa puso nating mga Kristyano? Ang pamilya, eskwela o trabaho, teknolohiya, at pamayanan—ito lamang ba ang ating pinahahalagahan?

Mga kapatid, gamitin natin ang oras na ito upang magnilay, “Nasa puso ko ba ang Diyos?;” Ang ating buhay ay puno ng ‘priorities’, ngunit ang tanong ay kung nandito ba ang Diyos. Are we setting our priorities with God? Are we setting our priorities for God? Dahil kung ano ang mahalaga sa iyong buhay ay iyon rin ang iyong puso, ang iyong oras.

Tularan natin ang mapagmasid, mapagpasensya, mapaghintay, at umaasang lingkod na hinintay ang kanyang Panginoon sa pagbabalik nito. Hintayin rin natin ang pagbabalik ni Kristo—trust, wait, hope.

Magtiwala ka, darating ang Panginoon na may dalang galak sa puso mong naghihintay. Maghintay ka sa kanyang pagbabalik na puno ng karangalan. At umasa kang mapabilang sa kaniyang hihirangin.

Mga kapatid, set your priorities for God. Dahil kung nasaan ang iyong puso, naroon din ang iyong oras. Nawa'y sa ating ebanghelyo ay maging isang pagkakataon upang magnilay, “Hinihintay ko ba ang Diyos?; Siya ba ang pinahahalagahan ko?; at, Nasa kanya ba ang aking oras, buhay at puso?”

Buksan natin ang ating puso para sa Panginoon. Pahalagahan natin Siya. Hintayin natin Siya. Sapagkat ang taong nagmamahal ay naghihintay at umaasa. Amen.

- Panalangin -

Panginoon, tulungan mo akong iayon ang aking puso at oras sa iyong kalooban—upang Ikaw ay aking papurihan, parangalan at paglingkuran. Ibigay mo sa akin ang mapaghintay na puso, upang sa oras na ako ay iyong tawagin, Ikaw ay aking pagbubuksan, tatanggapin, at paglilingkuran. Tulungan mo po akong hintayin ang iyong kadakilaan nang buong kagalakan.

Sa tulong at pamamagitan ng aming Patron na si San Juan Bautista, at Santa Maria, iyong Ina—ang lahat ng ito ay hinihiling namin sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon. Amen.

Address

Pinaglabanan Street
San Juan
1500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Makabagong Disipulo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share