21/07/2026
UPDATE FOR OUR LIWASAN NG ALAALA LOT OWNERS
Maraming salamat po kay Kap. Rommel Magsino, pati na rin po kay Sir Rolando Reyes at sa buong Sangguniang Barangay ng Lipahan, San Juan, Batangas.
Humingi ng tulong ang Liwasan ng Alaala Memorial Park mula sa mabuti nilang opisina at nagkaroon tayo ng miting kung saan humarap si Esperanza Eguia, sa ganap ng 10:00 AM Lunes July 20, para mapanagutan ang kanyang krimen.
Sa susunod na miting namin pinatawag si Ines Briones.
Ang mga buyers na gustong tumestigo at humarap kina Esper at Ines ay tutulungan ng Liwasan ng Alaala na mag-hain ng reklamo bilang isang malaking grupo. Ayon naman kay Kap. Rommel ay bukas ang kanilang tanggapan para sa miting na ito.
*****
Pagkatapos ng aming miting sa Barangay Lipahan, ay nakipagpulong kami sa higit kumulang 100 taong nabiktima nila Esper at Ines.
Kinuha namin ang kanilang mga detalye, nagsubmit sila ng kanilang mga resibo, at lahat po ng concerns nila ay inaddress namin isa-isa.
Bawa't isa rin sa kanila ay nag-kwento kung paano sila na-scam ng pamilyang ito:
- Pinupuntahan sila nina Esper at Ines sa kanilang mismong bahay para maningil ng sapilitan dahil instructions daw ng may-ari (hindi ito too) na kung hindi sila makabayad ay ipapagbili daw nila ang lupa sa iba.
- Hindi sila makapag-bigay ng deed of sale or official receipt dahil wala ang may-ari. Kesyo may sakit daw o nasa Amerika. (Hindi pa po ako nakakapuntang America. Sana all.)
- Ang ilang NOTARIZED deed of sales ay obviously FAKE.
- May iba pang mga kaanak sina Esperanza at Ines na tumanggap ng bayad para sa lupa sa Liwasan. Nagpasa rin sila ng resibo.
Iilan lang yan sa mga kwento ng buyers na nakausap namin kahapon.
MULI KO LAMANG PO IPAPAALALA, gaya ng sinabi ko sa mga nakausap namin kahapon, hindi kami nandito para mambawi ng lupa. TUTULUNGAN NAMIN KAYO na ma-resolve itong problema at makamit ang hustisyang nararapat. Makipag-ugnayan lang po kayo sa amin at ito ay ating mare-resolve.
Ang tanging hiling ko lang po ay ang inyong pag-galang at pasensya. Kung may questions or concerns kayo HINDI NIYO KAILANGAN MAGING BASTOS SA PAG-SABI O PAG-TANONG. Naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang inyong mga damdamin, pero wala po kayong karapatang mambastos ng kapwa dahil uulitin ko muli, KATULONG NIYO KAMI SA PAG-WAKAS NG PROBLEMANG ITO. Kaunting pasensya, pag-unawa, at respeto lang po ang hiningi namin.
***
Hindi titigil ang Liwasan ng Alaala Memorial Park hangga't hindi napaparasuhan ang mga dapat managot.
Handa kaming gamitin ang lahat ng aksyong legal para mapanigurado na hindi naaapakan ang aming karapatan maging ang karapatan ng bawa't isang buyer namin.
Papagandahin po ulit natin ang Liwasan.
'Yan ang tanging ipinapangako ko.
Maraming salamat and God bless us all.
- MMM -