San Vicente Ferrer Chapel-Barangay Buhaynasapa

San Vicente Ferrer Chapel-Barangay Buhaynasapa ๐‘๐จ๐ฆ๐š๐ง ๐‚๐š๐ญ๐ก๐จ๐ฅ๐ข๐œ ๐€๐ซ๐œ๐ก๐๐ข๐จ๐œ๐ž๐ฌ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐‹๐ข๐ฉ๐š
๐’๐š๐ง ๐‰๐ฎ๐š๐ง ๐๐ž๐ฉ๐จ๐ฆ๐ฎ๐œ๐ž๐ง๐จ ๐๐š๐ซ๐ข๐ฌ๐ก
๐’๐€๐ ๐•๐ˆ๐‚๐„๐๐“๐„ ๐…๐„๐‘๐‘๐„๐‘ ๐‚๐‡๐€๐๐„๐‹
๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐ฎ๐ก๐š๐ฒ๐ง๐š๐ฌ๐š๐ฉ๐š, ๐’๐š๐ง ๐‰๐ฎ๐š๐ง, ๐๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐š๐ฌ

๐…๐จ๐ฎ๐ง๐๐ž๐ ๐Ÿ๐Ÿ—๐Ÿ‘๐ŸŽ Pd. Buhaynasapa.

๐‘๐จ๐ฆ๐š๐ง ๐‚๐š๐ญ๐ก๐จ๐ฅ๐ข๐œ ๐€๐ซ๐œ๐ก๐๐ข๐จ๐œ๐ž๐ฌ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐‹๐ข๐ฉ๐š
๐’๐š๐ง ๐‰๐ฎ๐š๐ง ๐๐ž๐ฉ๐จ๐ฆ๐ฎ๐œ๐ž๐ง๐จ ๐๐š๐ซ๐ข๐ฌ๐ก
๐’๐€๐ ๐•๐ˆ๐‚๐„๐๐“๐„ ๐…๐„๐‘๐‘๐„๐‘ ๐‚๐‡๐€๐๐„๐‹
๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐ฎ๐ก๐š๐ฒ๐ง๐š๐ฌ๐š๐ฉ๐š, ๐’๐š๐ง ๐‰๐ฎ๐š๐ง, ๐๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐š๐ฌ

๐“๐ข๐ญ๐ฎ๐ฅ๐š๐ซ ๐๐š๐ญ๐ซ๐จ๐ง: ๐’๐š๐ง ๐•๐ข๐œ๐ž๐ง๐ญ๐ž ๐…๐ž๐ซ๐ซ๐ž๐ซ ๐๐ž ๐๐ฎ๐ก๐š๐ฒ๐ง๐š๐ฌ๐š๐ฉ๐š
๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฉ๐š๐ ๐ก๐ข๐ฆ๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐ซ๐จ๐ง ๐š๐ญ ๐๐ข๐ง๐ญ๐š๐ค๐š๐ฌ๐ข ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ก๐š๐ฒ๐ง๐š๐ฌ๐š๐ฉ๐š (๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง: ๐€๐ฉ๐ซ๐ข๐ฅ ๐Ÿ“ | ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง: ๐‰๐š๐ง๐ฎ๐š๐ซ๐ฒ ๐Ÿ๐Ÿ‘)

๐’๐ž๐ ๐ฎ๐ง๐๐š ๐๐š๐ญ๐ซ๐จ๐ง๐š: ๐‹๐š ๐ˆ๐ง๐ฆ๐š๐œ๐ฎ๐ฅ๐š๐๐š ๐‚๐จ๐ง๐œ๐ž๐ฉ๐œ๐ข๐จ๐ง ๐๐ž ๐๐ฎ๐ก๐š๐ฒ๐ง๐š๐ฌ๐š๐ฉ๐š
๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฉ๐š๐ ๐ก๐ข๐ฆ๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ˆ๐ง๐š ๐š๐ญ ๐‘๐ž๐ฒ๐ง๐š ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ก๐š๐ฒ๐ง๐š๐ฌ๐š๐ฉ๐š
(๐“๐š๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐š๐ง: ๐‰๐ฎ๐ง๐ž ๐Ÿ | ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง: ๐ƒ๐ž๐œ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ–)

๐Š๐€๐’๐€๐˜๐’๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐‹๐˜๐€:

Taong 1930, sa ilalim ng panunungkulan ni (+) Rdo. Domingo Carceller, ORSA bilang kura paroko ng Parokya ni San Juan Nepomuceno na nakakasakop sa buong bayan ng San Juan, itinatag sa Brgy. Buhaynasapa ng layko na si (+) G. Vicente Hernandez at mga kasamang ka-nayon, sa paghimok ng (+) Kapitan del Barrio Pedro Dinglasan, ang noon ay maliit na tuklong na gawa lamang sa pawid at kawayan sa gawing timog kanluran ng kinatatayuan ng kasalukuyang kapilya. Ayon sa kuwento ng mga nakatatanda sa nayon, may dalawang naratibo o bersyon hinggil sa kung paano nagsimula ang debosyon sa Mahal na Patrong San Vicente Ferrer sa Brgy. Buhaynasapa at sa kung bakit siya ang naging patron at pintakasi ng lugar. May bersyon ng kuwento na nakita umano ng isang mangingisda na taga-Buhaynasapa ang imahen ni San Vicente Ferrer sa dagat na dinala sa barangay at saka nagpatayo ng tuklong. Ito ang tinitingnang posibleng pinagmulan at dahilan ng tradisyunal na pagpapaligo sa imahen sa dagat tuwing ika-4 ng Abril, bisperas ng kapistahan. Ang isang bersyon naman ay hango umano ang imahen sa San Vicente Ferrer de Banay-Banay na matatagpuan sa Pang-Arsidiyosesis na Dambana at Parokya ni San Vicente Ferrer sa Lungsod ng Lipa, Batangas na noong unang panahon ay kapilya pa lamang. Namanata raw si (+) G. Vicente Hernandez sa San Vicente Ferrer sa simbahan ng Banay-Banay, Lipa City, at nangako na kung siya ay gagaling sa sakit ay magpapagawa siya ng imahen ng santo na kasinglaki ng nasa simbahang iyon. Dahil gumaling si (+) G. Hernandez, bilang pasasalamat sa milagrosong p**n, nagpagawa siya sa tulong ng ilang mga kasama at kabarangay ng personal na imahen ni San Vicente Ferrer sa Paete, Laguna na inilagak sa kanilang tahanan bago pa man ang taong 1930. Wala pa noong tuklong o kapilya sa Brgy. Buhaynasapa kaya hinikayat ni nooโ€™y (+) Kapitan del Barrio Pedro Dinglasan si (+) G. Hernandez na ipagkaloob ang naturang imahen sa buong barangay na naging daan upang magtayo sila ng tuklong na nakatalaga kay San Vicente Ferrer. Ang dating personal lamang na pag-aaring imahen, naging pinipintuhong patron ng mga taga-Brgy. Samantala, nang maitatag ang tuklong noong 1930, nagsimula ring magdaos ng Flores de Mayo o araw-araw na pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen sa buong buwan ng Mayo. Batay sa mga lumang larawan, Hunyo 2 noon ipinagdiriwang ang Tapusan ng San Vicente Ferrer Chapel sa pamamagitan ng santacruzan at sagala na pagpaparangal sa imahen ng Nuestra Seรฑora del Santisimo Rosario na personal na pag-aari ng pamilya ni (+) Don Vicente De Villa, ang may-ari din ng lumang imahen ng Poong Jesus Nazareno ng Buhaynasapa. Kalaunan naging Hunyo 1 ang pagdiriwang ng Tapusan sa karangalan ng Mahal na Birhen sa titulo namang La Inmaculada Concepcion. Taong 1935 naman nang ilipat ang lumang tuklong sa kasalukuyang lote na kinatatayuan nito. Donasyon ang lote sa kapilya ng pamilya Mercado na may kabuuang sukat na 1,508.0000 square meters. Kasalukuyan nang nakapangalan ang lupa sa Roman Catholic Church batay sa tax declaration na nakatala sa San Juan, Batangas Municipal Assessor Office. Taong 1935 din nang magsimulang manungkulan ang kauna-unahang pangulo ng kapilya na si (+) G. Eusebio Reglos. Kasama niyang nanungkulan ang kauna-unahang ingat-yaman o treasurer na si (+) Gng. Rosario Bagnes-Sayat. Natapos ang kanilang termino noong 1966. Nakaligtas ang tuklong maging ang imahen ng patron sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig o World War II na naganap noong 1942 hanggang 1945 kung saan sinakop ng mga Hapon ang Pilipinas. Matapos ang gyera, nagsikap ang mga residente at deboto na unti-unting mapatayuan ng mga konkretong pader at pundasyon ang kapilya. Mula 1966 hanggang 1972, nanungkulan bilang pangulo ng kapilya si (+) G. Agapito Dinglasan, pangalawang pangulo si (+) G. Pedro Alcantara at ingat-yaman si (+) Gng. Erlinda Salud-Castillo. Taong 1972 naman sa pamumuno ni (+) G. Benito Dinglasan, Sr. bilang pangulo ng kapilya at Gng. Minda Dinglasan-Rogel bilang ingat-yaman, sa tulong na rin ng mga deboto at kabarangay, isinagawa ang pagsasaayos at malawakang pagpapasemento ng pundasyon at mga pader ng kapilya. Inayos din ang bubong nito. Kura paroko noon ng Parokya ni San Juan Nepomuceno, ang parokyang nakakasakop sa kapilya, si (+) Rdo. Felipe Maraya, OAR. Bago pa man ang pagpasok ng bagong milenyo, dinarayo na ang kapilya ng mga debotong mula pa sa karatig-barangay at bayan na namamanata kay San Vicente Ferrer tuwing Biyernes, ang araw ng pagdedebosyon sa kinikilalang patron din ng mga batang may sakit. Nagsimula ring magdaos ng regular na first Friday Mass sa kapilya. Ang namayapang Auxiliary Bishop ng Arsidiyosesis ng Lipa na si Most Rev. Salvador Quizon, D.D. ang kauna-unahang obispo na nakabisita sa kasaysayan ng kapilya. Sa ilalim ng panunungkulan ni Rdo. Carlito Argente, OSJ (1999-2003), nagtalaga ng kauna-unahang batch ng Leccom o โ€˜Lectors and Commentators Ministryโ€™ sa kapilya. Taong 2007, sa pamumuno ni (+) Engr. Cesar Sayat, Jr., bilang pangulo, sinimulan muli ang malawakang pagsasaayos ng kapilya upang punan ang dumaraming bilang ng mga debotong namamanata rito lalo na tuwing Biyernes. Mas pinalawak ito at itinaas ang bubungan. Pinagawa rin ang konkretong retablo at altar na kasalukuyang nakikita. Nagsimula ring magdaos ng Misa tuwing araw ng Linggo at nagtalaga ng kauna-unahang batch ng Marelloโ€™s Altar Knights at Marelletes sa ilalim ng panunungkulan ni Rdo. Perseverando Marquez, OSJ. Nang mga sumunod na mga taon, napalagyan ito ng kisame, tiles, at pansamantalang kampanaryo. Taong 2008 naman nang bansagan ang San Vicente Ferrer Chapel ni nooโ€™y kura paroko at bikaryo poranyo, Rdo. Perseverando Marquez, OSJ, bilang โ€˜Sentrong Dambana ni San Vicente Ferrerโ€™ sa buong bayan ng San Juan dahil sa malalim na debosyon ng mga residente at mga namamanata rito na nagmumula pa sa iba't ibang lugar, barangay, at bayan, partikular ang mga bata at mga maysakit. Taong 2013 nang simulan ang pagdaraos ng taunang BaSAPA Festival tuwing Abril 4-5, isang cultural festival na binuo ng mga mamamayan ng Buhaynasapa na nagtatampok sa makulay at mayamang kultura ng mga Buhaynasapeรฑo at nagpaparangal sa patrong si San Vicente Ferrer. Tampok dito ang dance parade na tinatawag ding karakol. Taong 2021 nang itayo ang bagong opisina ng kapilya na matatagpuan sa gilid nito. Ito rin ang taon kung kailan sinimulan ng San Vicente Ferrer Chapel ang paggamit ng social communications o social media sa pagpapalaganap ng debosyon at pananampalataya. Binuo rin ang โ€˜Social Communications Ministryโ€™ na pinangunahan ng mga kabataang layko upang makasabay sa makabagong panahon at maihatid nang mas malawak ang Mabuting Balita, pananampalataya at debosyon. Binuhay ding muli ang San Vicente Ferrer de Buhaynasapa Chapel Music Ministry at iba pang organisasyon bilang isa sa mga naging prayoridad ng bagong pamunuan. Abril 2023 naman nang magkaroon ng bagong bihis o kulay ang retablo mayor ng kapilya at maipagawa ang opisyal na estandarte at varra alta ni San Vicente Ferrer de Buhaynasapa. Ilan sa mga natatanging selebrasyong taunang ipinagdiriwang sa kapilya ay ang Kapistahan ng Mahal na Patrong San Vicente Ferrer tuwing ika-5 ng Abril; Tradisyunal na pagpapaligo sa kanyang imahen tuwing bisperas ng piyesta; Kaarawan ni San Vicente Ferrer tuwing Enero 23; Tapusan ng Flores de Mayo tuwing Hunyo 1; Pagtatapos ng buwan ng Santo Rosaryo tuwing Oktubre 31; at Kapistahan ng La Inmaculada Concepcion tuwing Disyembre 8; mga gawaing nagpaparangal sa Mahal na Patron at Mahal na Birheng Maria na nakasentro sa Panginoon. Tuwing Biyernes ang kinagisnang araw ng pagdedebosyon at pamimintuho kay San Vicente Ferrer kung saan pumupunta ang mga deboto sa kapilya para manalangin, bumisita at humalik o humawak sa imahen ng p**n. Nagsasagawa rin ng nobena tuwing araw na ito. Bukod sa dinarayong orihinal at pinaniniwalaang milagrosong imahen ni San Vicente Ferrer de Buhaynasapa na kinikilalang patron at pintakasi ng Buhaynasapa, matatagpuan din sa kapilya ang lumang imahen ng Mahal na Birhen, La Inmaculada Concepcion na kinikilala namang Ina at Reyna ng Buhaynasapa. Nakalagak din dito ang pre-World War II restored image ni San Juan Nepomuceno na dati ay personal na pag-aari ni (+) Gng. Maria Rogel bago ito ipagkaloob sa kapilya. Nakatampok din sa kapilya ang life-size image ng Poong Sto. Cristo o Banal na Krus na ipinuprusisyon sa kabayanan ng San Juan tuwing Biyernes Santo. Ang San Vicente Ferrer Chapel sa Brgy. Buhaynasapa ay nasa ilalim ng pangangalaga ng Parokya ni San Juan Nepomuceno sa ilalim ng Arsidiyosesis ng Lipa.

๐— ๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜ ๐—™๐—˜๐—ฅ๐—ฅ๐—˜๐—ฅ ๐—ง๐—จ๐—ช๐—œ๐—ก๐—š ๐—›๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—•๐—œ๐—ฌ๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—˜๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก | Agosto 28, 2026 | 5:30 ng ha...
26/08/2026

๐— ๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜ ๐—™๐—˜๐—ฅ๐—ฅ๐—˜๐—ฅ ๐—ง๐—จ๐—ช๐—œ๐—ก๐—š ๐—›๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—•๐—œ๐—ฌ๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—˜๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก | Agosto 28, 2026 | 5:30 ng hapon sa San Vicente Ferrer Chapel-Barangay Buhaynasapa

Magsama-sama tayo tuwing huling Biyernes ng buwan, 5:30 ng hapon para sa Banal na Misa sa karangalan ni San Vicente Ferrer, Ang Mapaghimalang Patron at Pintakasi ng Buhaynasapa.

Isasagawa ang Misa para sa buwan ng Agosto ngayong Biyernes, August 28, 2026. Inaanyayahan ang mga batang ipinamanata o mga Vincentino at Vincentina na isuot ang kanilang damit na pang-San Vicente Ferrer pagsimba sa Biyernes.

Sa kahilingan ng mga deboto ng Mahal na Patron at ng mga miyembro ng Cofradia de San Vicente Ferrer de Buhaynasapa, sa pahintulot ng ating kura paroko, Rdo. Pd. Lee Leonida, OSJ, muling naibalik ang buwanang Misa sa kapilya sa karangalan ni San Vicente Ferrer. Matatandaang sa loob ng mahabang panahon ay nagsasagawa ng buwanang Misa sa Kapilya ni San Vicente Ferrer de Buhaynasapa tuwing unang Biyernes ng buwan kung saan dumadagsa noon ang mga deboto na ang iba ay mula pa sa karatig-barangay, bayan, at lalawigan.

Purihin ang Diyos sa Kanyang mga anghel at mga banal!

26/08/2026

โ€œPasseremo il mare.โ€ โ€œWe will cross the sea.โ€

On August 26, 1915, five Oblates of St. Josephโ€”Fr. Giuseppe Anfossi, Fr. Ernesto Fornaca, Fr. Eugenio Gherlone, Bro. Giuseppe Maccagno, and Bro. Giovanni Battista Cameraโ€”arrived in San Jose, Batangas. Amid the joyful ringing of church bells, the first OSJ mission in the Philippines was born.
Their arrival was more than a historic event. It was the fulfillment of a prophetic faith. Years earlier, Bro. Giuseppe Maccagno had said, โ€œPasseremo il mareโ€ (One day, we will cross the sea.โ€) They left the familiar, crossed vast oceans, and trusted that God was leading them to the mission where they will perfect their charity.
Today, as the Oblates of St. Joseph Philippine Province celebrate 111 years, we are the living fruit of that courageous โ€œyes.โ€ We carry the same mission, charism, and trust in Divine Providence.

The sea they crossed now challenges us to cross our own seas, our fears, limitations, comforts, and uncertainties. Their courage reminds us that the mission must not only be remembered but it must also be continued.
Their journey began with five. Today, the mission continues through us.
โ€œPasseremo il mare!โ€ We will cross the seaโ€”not because the way is easy, but because Christ goes before us. With the faithful and humble heart of St. Joseph, wherever God sends us, we will go; wherever souls need us, we will serve; and wherever the mission calls, we will answer with courage, fidelity, and love.
The pioneers crossed the sea for us. Now, strengthened by their example, let us cross whatever sea lies before us and carry the OSJ mission farther than we ever imagined.

via
Rev. Fr. Aldrich Gamboa, OSJ
Rev. Fr. Rony Alkonga, OSJ

๐—”๐—”๐—ช๐—œ๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก๐—ข๐—ข๐—ก, ๐—ก๐—ข๐—ข๐—ก, ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก, ๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ, ๐—”๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—›๐—”๐—•๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—›๐—ข๐—กNaglingkod bilang koro ang San Vicente Ferrer Chapel M...
24/08/2026

๐—”๐—”๐—ช๐—œ๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก๐—ข๐—ข๐—ก, ๐—ก๐—ข๐—ข๐—ก, ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก, ๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ, ๐—”๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—›๐—”๐—•๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—›๐—ข๐—ก

Naglingkod bilang koro ang San Vicente Ferrer Chapel Music Ministry sa 5:00 PM na Misa sa San Juan Nepomuceno Parish Church nitong ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon, August 23, 2026.

Regular ding naglilingkod ang koro sa 6:00 AM na Misa tuwing Linggo sa San Vicente Ferrer Chapel-Barangay Buhaynasapa.

Maraming salamat po sa oportunidad na makapaglingkod sa pamamagitan ng pag-awit!

Sa Diyos ang kapurihan!

๐——๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—ฅ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก๐—”๐—ก: ๐—ž๐—”๐—ง๐—ข๐—ง๐—ข ๐—ก๐—œ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜ ๐—™๐—˜๐—ฅ๐—ฅ๐—˜๐—ฅSa pangunguna ng ๐—–๐—ผ๐—ณ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ถ๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฒ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐—™๐—ฒ๐—ฟ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฑ๐—ฒ ๐—•๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ ...
24/08/2026

๐——๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—ฅ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก๐—”๐—ก: ๐—ž๐—”๐—ง๐—ข๐—ง๐—ข ๐—ก๐—œ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜ ๐—™๐—˜๐—ฅ๐—ฅ๐—˜๐—ฅ

Sa pangunguna ng ๐—–๐—ผ๐—ณ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ถ๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฒ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐—™๐—ฒ๐—ฟ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฑ๐—ฒ ๐—•๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ at mga ๐—ž๐—ฎ๐˜๐—ผ๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฟ๐—ผ๐˜€๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ผ, bumisita ang imahen ng Mahal na Patrong San Vicente Ferrer sa tahanan nina G. at Gng. Mark Lester at Chona Caponpon nitong Biyernes, Agosto 21 sa Sitio Kanluran, Buhaynasapa, ang Nayong Pinagpala, na bahagi ng patuloy na pamimintuho at pagdedebosyon kay San Vicente Ferrer.

Isinagawa sa Dalaw Patron ang pagpapahayag ng Salita ng Diyos, pagninilay at pagbabahagi, pagpapatotoo, at panalangin ng bayan.

Maraming salamat po, Caponpon Family, sa pagtanggap sa Mahal na Patrong San Vicente Ferrer!

๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐—™๐—ฒ๐—ฟ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฟ, ๐— ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ, ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป ๐—บ๐—ผ ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ถ.

Ang lahat ng pagpaparangal at debosyon sa Mahal na Patron, nakasentro at nagtatapos kay Hesukristong ating Panginoon.

๐—ฆ๐—ฉ๐—™๐—–: ๐Ÿต๐Ÿฒ ๐—ง๐—ฎ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐——๐—ฎ๐—น๐˜‚๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐—™๐—ฒ๐—ฟ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฟ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—๐˜‚๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ง๐—ถ๐—บ๐—ผ๐—ด-๐—ฆ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป

Ang Kapilya ni San Vicente Ferrer de Buhaynasapa ay nasa ilalim ng pamamahala ng Parokya ni San Juan Nepomuceno.


23/08/2026
๐—”๐—”๐—ช๐—œ๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก๐—ข๐—ข๐—ก, ๐—ก๐—ข๐—ข๐—ก, ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก, ๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ, ๐—”๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—›๐—”๐—•๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—›๐—ข๐—กNaglingkod bilang koro ang San Vicente Ferrer Chapel M...
23/08/2026

๐—”๐—”๐—ช๐—œ๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก๐—ข๐—ข๐—ก, ๐—ก๐—ข๐—ข๐—ก, ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก, ๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ, ๐—”๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—›๐—”๐—•๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—›๐—ข๐—ก

Naglingkod bilang koro ang San Vicente Ferrer Chapel Music Ministry sa 5:00 PM na Misa sa San Juan Nepomuceno Parish Church nitong ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon, August 16, 2026.

Maraming salamat po sa oportunidad na makapaglingkod sa pamamagitan ng pag-awit!

Sa Diyos ang kapurihan!

23/08/2026

๐—ฆ๐—”๐—œ๐—ก๐—ง ๐—ข๐—™ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐——๐—”๐—ฌ | ๐—ž๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ถ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ผ๐—น๐—ผ๐—บ๐—ฒ, ๐—”๐—ฝ๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—•๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†

Ngayong ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ni Apostol San Bartolome, ginugunita natin ang isang alagad na tinawag ni Kristo upang maging saksi ng Mabuting Balita at manatiling tapat hanggang sa huli. Tinawag siya ni Jesus na โ€œisang tunay na Israelita na walang pagkukunwariโ€ (Juan 1:47), isang papuring nagpapakita ng kanyang katapatan at dalisay na puso. Sa kabila ng mga pagsubok, nanatili siyang matatag sa pananampalataya at buong tapang na ipinahayag si Kristo.

Ang kanyang buhay ay naging patotoo na ang tunay na pagsunod kay Kristo ay nangangailangan ng katapatan, tapang, at kahandaang mag-alay ng sarili. Ayon sa tradisyon ng Simbahan, si San Bartolome ay naging martir sa kanyang misyon sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo.

Pinaniniwalaang siya ay binalatan nang buhay at pagkatapos ay pinugutan ng ulo. Dahil dito, madalas siyang inilalarawan na may hawak na kutsilyo, ang kasangkapan ng kanyang pagkamartir.

Sa kanyang pag-aalay ng buhay, ipinakita ni San Bartolome na walang hirap o pag-uusig ang makapaghihiwalay sa isang pusong tunay na nakalaan kay Kristo.
โ€Ž
โ€Ž๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—•๐—”๐—ฅ๐—ง๐—ข๐—Ÿ๐—ข๐— ๐—˜
โ€Ž
โ€ŽO, Maluwalhating apostol at martir San Bartolome, na sa iyong pagkakakilala sa kabanalang pagsunod at pag-ayon sa kalooban ng ating Panginoong Hesus, ay nilisan mo ang lahat dahil sa Kanya.

โ€ŽSa iyong tapat na pagsunod sa ating Panginoon, napakinggan mo sa Kanyang mga aral at saksihan ang maraming himalang dulot ng nag-uumapaw Niyang pagmamahal sa sangkatauhan.
โ€Ž
โ€ŽAlang-alang sa iyong kababaang-loob, sinasamo naming idalangin mo kaming matutong sumunod sa Kanyang mga utos, mawiling makinig sa mga hinirang Niyang mga pari, at pakamtan sa amin ang mga biyayang hinihingi at mga petisyong dinudulog bamin sa iyo kung nararapat sa kapurihan ng Diyos at nauukol sa Kanyang banal na kalooban.
โ€ŽAmen.
โ€Žโ€Ž
โ€Ž๐˜๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ˆ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ๐˜ญ ๐˜ข๐˜ต ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ณ, ๐˜š๐˜ข๐˜ฏ ๐˜‰๐˜ข๐˜ณ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฆ, โ€Ž๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช!



23/08/2026
Pinangunahan ni Rdo. Pd. Eugenio Sares, Jr., OSJ, ang Misa sa San Vicente Ferrer Chapel ngayong ika-21 Linggo sa Karaniw...
23/08/2026

Pinangunahan ni Rdo. Pd. Eugenio Sares, Jr., OSJ, ang Misa sa San Vicente Ferrer Chapel ngayong ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon, August 23, 2026.

Address

Buhaynasapa, Batangas
San Juan
4226

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Vicente Ferrer Chapel-Barangay Buhaynasapa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share