Señor Sto. Niño de Cabalian

Señor Sto. Niño de Cabalian Señor Sto.Niño de Cabalian
Iglesia Filipina Independiente
Parish of Saint John the Baptist

SEÑOR STO. NIÑO de CABALIAN August 7, 2012 the day we found You floating in the flood during habagat Monsoon in Marikina...
08/08/2023

SEÑOR STO. NIÑO de CABALIAN
August 7, 2012 the day we found You floating in the flood during habagat Monsoon in Marikina. We are so blessed to have your Image in our Church Community the Iglesia Filipina Independiente de Cabalian. Our LOVE, DEVOTION AND LOYALTY WILL ALWAYS BE WITH YOU UNTIL OUR LAST BREATH HERE ON EARTH.
Happy 11 years, Sto. Nino De Cabalian 🙏
Daghang salamat sa mga grasya ug panalangin🙏

ANG ISTORYA SA PISTA SA STO. NINO SA IFI PAROKYA NI SAN JUAN NGA MAGBUBUNYAG (San Juan, Southern Leyte) ni Eric Evaldez Mortera

Dito nag simula lahat kung bakit nagkaroon ng Pista ng Sto. Niño ang Iglesia Filipina Independiente sa bayan ng Cabali-an.

Noong August 6, 2012, habang papataas ang baha sa bayan ng Marikina dahil sa habagat ay nag lilipat kami ng gamit sa unang palapag ng bahay ng Tiya ko para di mabasa. Bandang hapon, ng mag-tatakip-silim na, mataas na ang baha, lampas tao na ang lalim nito kaya naiisipan kung dumungaw sa bintana at pinagmamasdan ko ang mga taong nagsisilikas. Habang nag mamasid ako sa baha ay may kumuha ng atensyon ko na isang bagay na lumulutang malapit sa bintana. Nakataob ito, pero alam ko na isa itong p**n kasi nakita ko ang damit niyang suot pero di ko alam kung anong p**n ito. Gusto kong lumusong sa tubig at kunin ang p**n na yun pero malakas na ang agos ng baha at malalim na kaya nag dasal ako na sana may taong lilikas pa na dadaan banda sa bahay namin. Ilang minuto lang may taong dumaan at lumalangoy para lumikas. Tinawag ko si Kuya at nakikisuyo ako na damputin yung bagay na lumulutang at iabot sakin. Dinampot naman niya at nakita kong isa itong imahe ng Sto. Niño. Sinabi ko kay Kuya na iabot niya sakin yung p**n dito sa loob ng bahay, pero umayaw si Kuya na iabot yung p**n sakin kasi malakas na ang agos ng baha, nahihirapan na siyang lusungin ang baha kaya sinabi ko nalang kay Kuya na itapon nalang ang p**n doon sa kapitbahay namin na may gate para hindi maanod kung saan pa at hinagis nga ni Kuya ang p**n doon sa bahay ni Nanay na kapitbahay namin. Buong gabi akong di makatulog ng maayos. Hindi dahil sa takot sa baha, kundi di mawala sa isip ko ang p**n na baka maanod na ito sa ibang lugar kasi patuloy na tumataas ang baha.

Kinabukasan ng umaga, Agusto 7, 2012 bumaba na ang baha hanggang tuhod kaya dali-dali akong lumusong sa baha at pinuntahan ang bahay ni Nanay Sayong para mahanap ang p**n, pero di ko makita sa bakuran ni Nanay Sayong si Niño. Nang mapansin ako ni Nanay Sayong, tinanong niya ako kung ano ang hinahanap ko, tinanong ko sa kanya kung may nakita ba siyang p**n sa bakuran niya kasi nakita ko yun kahapon pero di ko makuha kasi malakas na ang baha at malalim na. Sumagot si Nanay Sayong at sabi niya, "Ito ba ang hinahanap mo?" Sabi ko, "Opo, Nay yan na nga po." Napulot na pala ni Nanay Sayong si Niño, sabay sabi sa akin "Para sayo talaga siya kasi nakita mo siya kahapon, sige kunin mo na." Laking pasalamat ko kay Nanay Sayong at napulot niya si Niño at pinaubaya niya sakin.

Makalipas ang ilang buwan pinaayos ko si Niño sa kaibigan ko na si Jomai at dinamitan niya ito. Malaking pasalamat ko kay Jomai kasi nabago ang hitsura ni Niño. Nang mag bakasyon ako ng Disyembre, isinama ko si Niño sa Cabali-an para doon na sa bahay namin manahan ang imahe niya. Disyembre 22, 2012, Misa de Gallo, pinabasbasan ko si Niño sa simbahan namin, Iglesia Filipina Independiente. Pagkatapos ni Niño mabasbasan lumapit ang mga tiyuhin ko at tiningnan si Niño. Habang nakaupo kami sa simbahan napag-usapan ng mga tiyuhin ko na sina Uncle Lito, Uncle Bebot, Uncle Bien, Mama, Papa at ako na magpipista kami ni Niño dahil marami namang deboto ng Sto. Niño sa simbahan namin. At noong January 14-15, 2013, naganap ang kauna-unahang pista ni Niño sa simbahan namin. Piinangungunahan ni Padre Romulo Romulo Ostaya Ibajo anf misa. Makalipas ang 95 taon na pagkatatag ng Iglesia Filipina Independiente sa Bayan ng Cabali-an ay matagumpay na naidaos ang pinakaunang Pista at Prusisyon ni Niño sa bayan namin kahit pa bumuhos ang malakas na ulan sa primera salida. Kaya ang pangalan ni Señor Sto. Niño ay dinagdagan na namin ng "de Cabalian" na ang kahulugan ay Señor Sto. Niño ng Cabalian kasi ito na ang bago niyang bayan. Nakita siya sa Bayan ng Marikina at dinala sa Bayan ng Cabali-an para pamintuhuan ng mga deboto niya sa bayan namin. Kaya tinatawag namin siyang Señor Sto. Niño de Cabalian
---

Panawagan at pabatid po sa mga Membro ng Iglesia Filipina Independiente na may kakilala, kaibigan, kapamilya at kapuso p...
08/02/2023

Panawagan at pabatid po sa mga Membro ng Iglesia Filipina Independiente na may kakilala, kaibigan, kapamilya at kapuso po kayo na nandito sa Calgary, Alberta p**i balita po sa kanila na meron pong existing mission ang Iglesia Filipina Independiente dito po sa Calgary. Na pinangungunahan po ni Reberendo Padre Julius Sacramed po.
Makipag-ugnayan lang po sila sa mga phone numbers at emails po sa post na ito o mag message po sa chat box ko po at ang mission po ay taos-puso pong mag-reach po sa kanila.
Pro Deo et Patria.
To God be the Glory!!!
God Bless po.

ANG ISTORYA SA PISTA SA STO. NINO SA IFI PAROKYA NI SAN JUAN NGA MAGBUBUNYAG (San Juan, Southern Leyte) ni Eric Evaldez ...
27/01/2023

ANG ISTORYA SA PISTA SA STO. NINO SA IFI PAROKYA NI SAN JUAN NGA MAGBUBUNYAG (San Juan, Southern Leyte) ni Eric Evaldez Mortera

----------

Dito nag simula lahat kung bakit nagkaroon ng Pista ng Sto. Niño ang Iglesia Filipina Independiente sa bayan ng Cabali-an.

Noong August 6, 2012, habang papataas ang baha sa bayan ng Marikina dahil sa habagat ay nag lilipat kami ng gamit sa unang palapag ng bahay ng Tiya ko para di mabasa. Bandang hapon, ng mag-tatakip-silim na, mataas na ang baha, lampas tao na ang lalim nito kaya naiisipan kung dumungaw sa bintana at pinagmamasdan ko ang mga taong nagsisilikas. Habang nag mamasid ako sa baha ay may kumuha ng atensyon ko na isang bagay na lumulutang malapit sa bintana. Nakataob ito, pero alam ko na isa itong p**n kasi nakita ko ang damit niyang suot pero di ko alam kung anong p**n ito. Gusto kong lumusong sa tubig at kunin ang p**n na yun pero malakas na ang agos ng baha at malalim na kaya nag dasal ako na sana may taong lilikas pa na dadaan banda sa bahay namin. Ilang minuto lang may taong dumaan at lumalangoy para lumikas. Tinawag ko si Kuya at nakikisuyo ako na damputin yung bagay na lumulutang at iabot sakin. Dinampot naman niya at nakita kong isa itong imahe ng Sto. Niño. Sinabi ko kay Kuya na iabot niya sakin yung p**n dito sa loob ng bahay, pero umayaw si Kuya na iabot yung p**n sakin kasi malakas na ang agos ng baha, nahihirapan na siyang lusungin ang baha kaya sinabi ko nalang kay Kuya na itapon nalang ang p**n doon sa kapitbahay namin na may gate para hindi maanod kung saan pa at hinagis nga ni Kuya ang p**n doon sa bahay ni Nanay na kapitbahay namin. Buong gabi akong di makatulog ng maayos. Hindi dahil sa takot sa baha, kundi di mawala sa isip ko ang p**n na baka maanod na ito sa ibang lugar kasi patuloy na tumataas ang baha.

Kinabukasan ng umaga, Agusto 7, 2012 bumaba na ang baha hanggang tuhod kaya dali-dali akong lumusong sa baha at pinuntahan ang bahay ni Nanay Sayong para mahanap ang p**n, pero di ko makita sa bakuran ni Nanay Sayong si Niño. Nang mapansin ako ni Nanay Sayong, tinanong niya ako kung ano ang hinahanap ko, tinanong ko sa kanya kung may nakita ba siyang p**n sa bakuran niya kasi nakita ko yun kahapon pero di ko makuha kasi malakas na ang baha at malalim na. Sumagot si Nanay Sayong at sabi niya, "Ito ba ang hinahanap mo?" Sabi ko, "Opo, Nay yan na nga po." Napulot na pala ni Nanay Sayong si Niño, sabay sabi sa akin "Para sayo talaga siya kasi nakita mo siya kahapon, sige kunin mo na." Laking pasalamat ko kay Nanay Sayong at napulot niya si Niño at pinaubaya niya sakin.

Makalipas ang ilang buwan pinaayos ko si Niño sa kaibigan ko na si Jomai at dinamitan niya ito. Malaking pasalamat ko kay Jomai kasi nabago ang hitsura ni Niño. Nang mag bakasyon ako ng Disyembre, isinama ko si Niño sa Cabali-an para doon na sa bahay namin manahan ang imahe niya. Disyembre 22, 2012, Misa de Gallo, pinabasbasan ko si Niño sa simbahan namin, Iglesia Filipina Independiente. Pagkatapos ni Niño mabasbasan lumapit ang mga tiyuhin ko at tiningnan si Niño. Habang nakaupo kami sa simbahan napag-usapan ng mga tiyuhin ko na sina Uncle Lito, Uncle Bebot, Uncle Bien, Mama, Papa at ako na magpipista kami ni Niño dahil marami namang deboto ng Sto. Niño sa simbahan namin. At noong January 14-15, 2013, naganap ang kauna-unahang pista ni Niño sa simbahan namin. Piinangungunahan ni Padre Romulo Romulo Ostaya Ibajo anf misa. Makalipas ang 95 taon na pagkatatag ng Iglesia Filipina Independiente sa Bayan ng Cabali-an ay matagumpay na naidaos ang pinakaunang Pista at Prusisyon ni Niño sa bayan namin kahit pa bumuhos ang malakas na ulan sa primera salida. Kaya ang pangalan ni Señor Sto. Niño ay dinagdagan na namin ng "de Cabali-an" na ang kahulugan ay Señor Sto. Niño ng Cabali-an kasi ito na ang bago niyang bayan. Nakita siya sa Bayan ng Marikina at dinala sa Bayan ng Cabali-an para pamintuhuan ng mga deboto niya sa bayan namin. Kaya tinatawag namin siyang SEÑOR STO. NIÑO DE CABALI-AN.
---

Sto. Niño de Cabalian---Kanamo malooy ka untaNga kanimo nangilaba---📸 Ceph Alvinez Gallery
27/01/2023

Sto. Niño de Cabalian

---
Kanamo malooy ka unta
Nga kanimo nangilaba
---

📸 Ceph Alvinez Gallery

♡♡♡♡♡📸 Ceph Alvinez Gallery
27/01/2023

♡♡♡♡♡

📸 Ceph Alvinez Gallery

Sto. Niño de Cabalian Fiesta 2023Feast Day (January 15, 2023)Sinulog - Part 17📸 Ceph Alvinez Gallery
26/01/2023

Sto. Niño de Cabalian Fiesta 2023
Feast Day (January 15, 2023)
Sinulog - Part 17

📸 Ceph Alvinez Gallery

Sto. Niño de Cabalian Fiesta 2023Feast Day (January 15, 2023)Sinulog - Part 16📸 Ceph Alvinez Gallery
26/01/2023

Sto. Niño de Cabalian Fiesta 2023
Feast Day (January 15, 2023)
Sinulog - Part 16

📸 Ceph Alvinez Gallery

Sto. Niño de Cabalian Fiesta 2023Feast Day (January 15, 2023)Sinulog - Part 15📸 Ceph Alvinez Gallery
26/01/2023

Sto. Niño de Cabalian Fiesta 2023
Feast Day (January 15, 2023)
Sinulog - Part 15

📸 Ceph Alvinez Gallery

Sto. Niño de Cabalian Fiesta 2023Feast Day (January 15, 2023)Sinulog - Part 14📸 Ceph Alvinez Gallery
26/01/2023

Sto. Niño de Cabalian Fiesta 2023
Feast Day (January 15, 2023)
Sinulog - Part 14

📸 Ceph Alvinez Gallery

Sto. Niño de Cabalian Fiesta 2023Feast Day (January 15, 2023)Sinulog - Part 13📸 Ceph Alvinez Gallery
26/01/2023

Sto. Niño de Cabalian Fiesta 2023
Feast Day (January 15, 2023)
Sinulog - Part 13

📸 Ceph Alvinez Gallery

Sto. Niño de Cabalian Fiesta 2023Feast Day (January 15, 2023)Sinulog - Part 12📸 Ceph Alvinez Gallery
26/01/2023

Sto. Niño de Cabalian Fiesta 2023
Feast Day (January 15, 2023)
Sinulog - Part 12

📸 Ceph Alvinez Gallery

Address

San Juan (Cabalian) , Southern Leyte
San Juan
6611

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Señor Sto. Niño de Cabalian posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Señor Sto. Niño de Cabalian:

Share