24/05/2026
Huwag nating sayangin ang dakilang araw ng ‘Arafah ika-9 ng Dhul Hijjah ngayong Martes, May 26, 2026.
Mag-ayuno tayo para sa ikalulugod ng Allāh ﷻ, sapagkat sinabi ng Propeta ﷺ na ito ay sanhi ng kapatawaran ng mga kasalanan ng nakaraang taon at ng darating na taon.
Isang araw lamang, ngunit napakalaki ng awa at gantimpala ng Allāh. Kaya samantalahin natin ito sa pag-aayuno, dhikr, du‘ā, at taos-pusong pagsisisi.